Panghawakan mo lang.
Yvan Vincent PoV
Takte! Biglang tumunog ang cellphone ko dahilan para mapatingin si Denis at yung lalakeng kasama niya dito sa kinalalagyan ko. Mabilis akong kumilos at pinasok ko yung isang pintuan na nasa kanan ko.
Haaay. Muntik na ako don ah! Nung naramdaman kong wala na yung lalake na sumilip ay mabilis na akong bumaba at lumabas.
Hindi naman sa nagiging usisero ako. Ano bang meron sa dalawang iyon? Bakit kailangan pang doon sila magkita?
Ilang sandali lang ay nakita kong lumabas silang dalawa ng pintuan. Hila hila nung lalake yung kamay ni Denis.
Wala masyadong tao ngayon dito kasi oras ng klase. Hindi lang talaga ako pumasok sa first subject ko. Hindi ko alam pero palihim ko silang sinundan. Sumakay sila ng bus.Bumalik ako sa loob ng school para pumunta sa parking lot at gamitin ang sasakyan ko. Nagkaroon na ako ng ideya kung saan sila pupunta.
At hindi nga ako nagkamali. Nandito sila sa mall. Ewan ko ba. Para nga akong sira kasi para akong imbestigador. Palihim lang akong sumusunod sa bawat lugar na pinupuntahan nila. Pumasok sila sa loob ng sinehan - at ako? Syempre pumasok din! Bakit? Sila lang ba ang pwedeng manuod sa sinehan?
Matapos manuod ay lumabas narin ako nung napansin kong tumayo na sila at palabas narin ng sinehan.
Sinadya ko talagang unang makauwe sa bahay kaysa kay Denis. Kaya nandito na ako ngayon sa garden malapit sa front gate namin. Nag-iinom akong mag-isa. Pampaantok lang habang kaharap ko ang laptop ko.
Biglang napadako ang atensyon ko sa front gate namin nung may maulinigan akong nag-uusap. Hindi nga ako nagkamali. Si Denis nga at ang lalakeng kasama niya kanina.
Hindi ba sila nagkakasawaan sa mukha nila? Maghapon na silang magkasama ah!
Biglang lumapit yung lalake kay Denis at idinampi ang labi nito sa pisngi ni Denis.
Nung makita ko yun ay binalik ko agad ang atensyon ko sa kaharap kong laptop. Ewan ko ba. May kaiba.
Paglingon ko ulit sa front gate ay wala na sila don. Pumasok na si Denis sa loob ng bahay.
Napansin kong pumunta si Denis sa malapit sa pool at naupo dun sa upuan at pinatong yung malaking laptop niya sa table. Dahan dahan akong naglakad papunta don. Di naman sa pagiging usisero. Napansin ko kasing may kausap siya sa cellphone. Sigurado akong yung lalake nanamang iyon ang kausap niya.
Kung hindi ako nagkakamali ay may girlfriend na yung lalakeng yun. Kitang kita ko yung babaeng nakakuyabit sa braso niya. Eh bakit kaya ganoon sila ni Denis? Hindi naman normal sa magkaibigan yon diba?
Hanggang sa di ko namalayan na lumampas na pala ako sa pader na pinagtataguan ko sa likuran niya at mabilis niya akong nilingon. Narinig kong nagpaalam siya sa kausap niya at mabilis niyang ni-end ang tawag.
"Sir... Nandiyan po pala kayo...." Gulat na tanong niya.
"Naglalakad lakad lang. Ikuha mo nga ako ng sanmig sa ref" utos ko sa kanya. Wala kasi akong ibang maisip na sabihin sa kanya kundi iyon.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Maaga akong nagising at maaga rin akong pumasok. Maaga kasi ang simula ng klase ko.Matapos ang unang klase ko ay naupo ako dito sa canteen. Nag-aantay lang ng oras para sa susunod kong klase. Nasa kaliwang table nga yung lalakeng kasama ni Denis kahapon at katabi yung girlfriend niya. Nakakairita nga eh. Bhe pa ang tawagan. Pabebe! May pinag-uusapan silang outing at kung di ako nagkakamali ay sa waterpark yun at sa sabado.
Tumayo si Pj. Pj pala ang pangalan niya. Narinig ko kasing tinawag siya nung mataba niyang kaibigan. Pagkatayo niya ay halatang natigilan siya at napunta sa iisang direksyon ang mata niya. Sinundan ko ng tingin ang direksyon na iyon.
BINABASA MO ANG
Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong Love
RomanceMagandang Araw! Eto po yung susunod na story na gagawin ko pagkatapos ng AMKB. Chapter I lang po muna ang ipa-publish ko. Kapag po marami nagka-interes po dito - itutuloy ko po. Maraming Samalat po!