Koy

508 27 2
                                    


Denis Lindsey PoV

"Sey?"

"Makoy?" Patanong na sagot ko nung makita ko ang kababata ko.

"Umuwe ka pala..." mahinahong sabi niya.

"Ahh.. oo. Biglaan. Dito kasi napagkasunduan ng mga kaibigan ko at amo ko na magbakasyon kahit ilang araw lang" paliwanag ko sa kanya.

Isa isa ko silang pinakilala kay Makoy. Alam ko naman na kailangan din namin mag-usap ni Makoy pero hindi ko inaasahan na ngayong pagkakataon na kasama ko pa ang mga kaibigan ko. Bahala na.

"Tara pre join ka samin. Kain tayo" yaya ni Lorenze.

"Sige. Salamat nalang po Sir. May gagawin din po kami sa bukid" -Makoy.

"Tamang tama. Dun kami pupunta mamaya" dugtong ulit ni Lorenze.

"Sige na Sey. Usap nalang tayo mamayang gabi" huling sabi niya at tumalikod na siya. Napansin kong sabay na napatingin si Powell at si Sir Yvan kay Makoy matapos sabihin sakin ni Makoy iyon.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Maliit lang po ang bahay namin kaya po sama sama lang po tayo sa isang kwarto, okay lang po ba" sabi ko sa kanila matapos kong buksan ang nag-iisang kwarto ng bahay namin.

"Ok lang yun Denis. Saka masaya yun" pagsang-ayon naman ni Lorenze.

"Oo nga. Ayos yun" segunda naman ni Danica.

"Ito po ang magiging kwarto natin. Magpapadala nalang po ako kay Tito Roy ng padagdag na banig" sabi ko naman sa kanila.

Nilapag na namin ang mga gamit namin. Napagpasyahan nilang magpalit muna ng damit bago namin simulan ang unang araw ng paggala namin dito. Tinuro ko kay Danica ang banyo at doon siya nagpalit.

Matapos magpalit ni Danica ay sumunod naman ako. Simple lang ang sinuot ko. Skinny jeans at puting damit lang.

"Denis okay na ba tong suot ko?" Biglang harap sakin ni Sir Yvan. Nakaboard shorts at nakakulay puting sando dahilan para lumitaw ang magandang hubog ng katawan niya.

"O...opo sir.. ayos po" sabi ko sabay iwad ng tingin sa kanya. Bigla kasing pumasok sa isipan ko ang scenario na nangyari samin nung itinigil niya ang sasakyan niya at hinalikan niya ako.

"Tapos suot mo to Denis oh" sabay labas niya ng cap at sinuot niya sakin.

"Oh diba magkapareho tayo" dugtong niya at sinuot niya ang cap niya.

"Hindi pa ba tayo aalis?" Biglang pabalang na tanong ni Powell.

"Tara na po.." kaagad kong yakag sa kanila at lumabas na kami ng bahay namin. Napagpasyahan namin na maglakad nalang. Hindi naman din kalayuan ang pupuntahan namin saka para narin makita nila ang paligid ng lugar namin.

Napapansin kong hindi ako tinitingnan ni Powell. Dahil siguro sa nangyari kahapon. Pero mas maigi narin yun para wala ng makahalata pang iba. Kailangan makausap ko rin si Mike. Kailangan makausap ko siya para maipaintindi ko sa kanya yung nakita niya at para hindi na makarating kay Danica.

"Sey!!"

"Sey!!!!"

Halos sabay sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng malakas na boses na iyon.

"Iza!" Bati ko sa kanya. Malapit na kaibigan ko dito samin.

"Hala! Ang laki na ng pinagbago mo! Ang ganda ganda mo na!" Puri niya sakin.

Pinakilala ko si Iza sa mga kasama ko.

"Ayy!! Ang pogi ng boyfriend mo Sey!" Sabay tingin niya kay Sir Yvan na katabi. Nakakapangliit nga eh. Nananadya ata tong si Sir. Lalo akong nagmumukhang pandak kapag katabi ko siya.

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon