Yvan Marcus PoVHindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nagiging ganito ako sa tuwing magkakasama kami ni Denis. Katulad ngayon, hindi naman talaga ako natutulog ng nakaboxer. Mas gusto kong nakajershey short pero dahil kasama ko si Denis ay napasuot talaga ako ng boxer shorts.
Inaakit ko ba siya?
Ayy! Lintek na iyan!
Bakit ba yan ang pumapasok sa isipan ko!Nauna na akong nahiga sa kama. Sa totoo lang inaantay ko rin na tabihan ako ni Denis. Wala lang. Gusto ko lang siya makatabi.
Naramdaman kong nahiga na siya sa tabi ko.
Nagtulog tulugan ako.
Nakakahiya naman kasi kung makita niya akong nakatingin sa kanya. Bahagya ko lang minulat ang mata ko para makita ko siya.Ilang minuto rin ako sa ganoong posisyon.
Hanggang sa naramdaman kong tumayo siya. Sinuot ang dala niyang longsleeve at lumabas ng kwarto.
Hindi ko man siya tanungin ay nagkaroon na ako ng ideya kung saan siya pupunta.
Dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at napansin ko yung cellphone ni Denis.
Naiwanan niya.
May message siya.
Natukso akong basahin iyon dahil walang password pattern o passcode ang cellphone niya.Beyb ppunta n aq. Antayin kta ha. Missu.
Beyb...
Galing iyon kay PJ.
Ano nga ba ang nakita ni Denis kay Pj? Pogi? Eh mas pogi pa ako don!
Mayaman? Eh mas mayaman pa ako don! Malaki katawan? Di hamak naman na mas malaki katawan ko sa lalakeng yon! Mukha ngang wala yung abs katulad neto oh!Saka bakit niya nagustuhan si Pj eh may girlfriend na yun! Eto naman ako - single. Available at walang magiging problema kung magiging kami. Nanay niya lang kapag nagkataon.
Takte! Ano ba itong mga naiisip ko!
Bumalik na ako sa pagkakahiga ko.
Paikot ikot.
Baling sa kaliwa.
Baling sa kanan.
Dapa.
Tangina! Di ako makatulog. Di ako mapakali.
Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at sinuot ko ang jershey short ko at sandong itim. Bago ako tuluyang lumabas ay kumuha ako ng isang stick ng marlboro sa cigarette case ko at sinindihan ko iyon.
Naglakad lakad ako.
Hanggang sa matanaw ko si Danica. Halata sa kanya na may hinahanap siya. Panay ang lingon niya sa kaliwat kanan.
Takte! Tama! Hinahanap niya si Pj.
Mabilis akong umikot at nilinga linga ang paligid. Kailangan kong makita si Denis dahil sigurado akong magkasama silang dalawa ng lintik na Pj na iyon!
Bwiset na lalakeng iyon! Ipapahamak pa si Denis!!
Mabilis nahagip ng mata ko ang dalawang taong naglalakad.
Takte!
Ano itong bigla kong naramdaman?
Bakit parang may kung anong bagay ang tumusok sa dibdib ko habang nakikita ko silang dalawa habang naglalakad?Bahagya akong napatigil.
Tiningnan ko muna silang dalawa.
Nakangiti.
Masaya.Nagseselos nga ba ako?
Naputol ang pag-iisip ko ng kung anu-ano nung biglang sumulpot sa harapan nila si Danica.
Kusang naglakag papalapit sa kanila ang dalawang paa ko at namalayan ko nalang ang sarili ko na nasa harapan narin nila.
"Eyy Denis.. Pasensya na natagalan ako. Pj salamat sa pagsama kay Denis. Sige diyan na kayo. Tara na Denis" bigla ko nalang nasabi at mabilis kong hinawakan ang kamay ni Denis at iginiya ko na siya palakad.
"Sir..."
"Its okay... Lets go..." Mahinang sagot ko sa kanya.
Ipinatong ko ang kaliwang kamay ko balikat niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko ginawa iyon. Biglaan lang. Biglaan ko lang ginawa.
Ewan ko.
Ayoko kasing mapahamak si Denis.Bakit pa kasi sa dinami-dami ng pwedeng magustuhan ni Denis ay si Pj pa! Bakit sa may sabit pa! Eh eto naman ako!
"Sir??" Patanong na tawag skin ni Denis.
Bahagya ko siyang tinitigan.
Nakatuon ang atensyon ko sa malamlam at mapungay niyang mga mata."Sir!!!" Medyo malakas niyang tawag sakin.
Bumalik ako sa katinuan nung napansin kong napakalapit na ng mukha naming dalawa.
"Ahh... Tara na sa loob.. Malamig dito sa labas" nasabi ko lang at iniurong ko ng kaunti ang katawan ko sa katawan niya.
"Nakasando ka nga sir ee... Tara dun muna tayo oh" sabay turo niya sa bonfire na wala ng nakapalibot na tao.
Habang naglalakad kami papunta don ay dinadampot niya ang mga kahoy at sanga na nakikita niya.
"Sir upo tayo oh..." Sabi niya sabay hagis ng mga pinulot niya sa bonfire na nasa harapan namin.
Tanging paghampas lang ng alon at pagtunog ng bawat nasusunog na sanga ang naririnig namin sa mga sandaling ito. Yung lamig na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng init dahil sa apoy na nanggagaling sa harapan namin.
"Sir.. Salamat nga po pala kanina..." Biglang basag ni Denis sa katahimikang bumabalot saming dalawa.
"Nagkataon lang yun... Di rin kasi ako makatulog kanina..." Pagpapalusot ko.
"Bakit ganoon Sir? Bakit kaya hindi natin mapigilan magkagusto sa taong may nagmamay-ari na noh?" -Denis.
Ano nga ba ang isasagot ko sa tanong niya?
Sasabihin ko bang kaya niyang pigilan kapag ibinaling niya ang atensyon niya sa ibang tao?
O sasabihin kong huwag sa ibang tao - kundi sakin nalang.
"Pabebe lang ako Sir... Arte lang.. Epekto ng paligid natin oh! Nakakalungkot kase ang tahimik" ngising dugtong niya.
"As long na masaya ka sa ginagawa mo Denis, go. Hindi mo pwedeng pigilan ang nararamdaman mo kung ito ang nagbibigay sayo ng kasiyahan. Walang ibang magpapasaya sayo kundi ang sarili mo" diko alam kung saan ko hinugot ang mahabang sinagot ko kay Denis.
"Wow! Sir! Hindi ko in-expect na sasabihin mo yan aa.." Nakangiting sabi niya.
"Siguro sir may nagugustuhan ka na dito noh? Napakaswerte naman ng taong yun kapag nagkataon" masayang dugtong niya.
Author: Happy Newyear po!!!! More Blessings to come.
Thank you Thank You po sa pagsuporta sa stories ko. I Love You po!!!
😁😁😁
BINABASA MO ANG
Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong Love
RomanceMagandang Araw! Eto po yung susunod na story na gagawin ko pagkatapos ng AMKB. Chapter I lang po muna ang ipa-publish ko. Kapag po marami nagka-interes po dito - itutuloy ko po. Maraming Samalat po!