Denis Lindsey Blancaflor Point of View
"Diba sinabihan ka na huwag pupunta sa malalim!" pagalit na sabi ni Powell na naging dahilan ng panaglit na katahimikan ng paligid.
Tiningnan ko si Sir Yvan. Sigurado ako magagalit din siya sakin. Kita ko kasi sa mata niya.
"Nag-enjoy ka ba? Tara ulitin natin" nakangiting tanong ni Sir Yvan sakin. Ewan ko pero biglang tumulo yung luha ko sa narinig ko sa kanya. Napakasimple pero ramdam ko na sobrang sincere nung sinabi niya sakin.
"Huwag ka matakot. Diba sabi ko nandito ako" dugtong niya at umayos na kami ng pagkakaupo.
Inabot na kami ng hapon sa pag-aayos ng gamit namin. Madami kasing pinauwing pasalubong si Tito Roy. Muntik na ngang hindi magkasya sa sasakyan namin. May kaing ng manga, mais, guyabano at ibat ibang uri pa ng prutas.
"Ikumusta mo nalang ako kay nanay ha" bilin ni Tito Roy sakin.
"Maraming salamat po sa pagbisita dito samin. Sana ay naging masaya po kayo" dugtong ni Tito Roy habang nakatingin sa ibang mga kasama namin.
"Maraming salamat din po. Nag-enjoy po kami. Sa susunod po uli dadalaw po uli kami" nakangiting sagot ni Danica.
Napakabait ni Danica. Mas lalo akong nakakaramdam ng kunsensya ngayon. Palihim kong nilingon si Powell. Nakatingin siya sakin.
"Sey, huwag mong kakalimutan yung sinabi ko sayo ha" seryosong bilin sakin ni Koy.
"Mam, Sir, huwag nyo pong papabayaan si Sey ha..." dugtong ni Koy.
"Naku! Ikaw talaga Ko-"
"Syempre naman! Akong bahala Koy!" putol ni Sir Yvan sa sasabihin ko kasunod nun ay ang paggulo niya sa buhok ko.
"Sirrrrrrrrr!" gigil na reaksyon. Ang hirap hirap ayusin ng buhok ko tapos guguluhin lang niya!
"Sige na po. Mahaba haba pa ang biyahe namin. Ingat din po kayo" Singit ni Mike sa masayang usapan namin.
"E anong plano mo?" alalang tanong sakin ni Edz habang nagkain kami dito sa Kuja J Sm Rosario.
"Naniniwala ka bang pwedeng magmahal ng dalawang tao?" sagot na tanong ko sa kanya.
Hindi ko rin kasi talaga maintindihan ang sarili ko.
Kung pwede ko nga lang sana balikan ang nakaraan at alam kong magiging ganito pala ang sitwasyon ko, sana hindi na ako sumama kay nanay dito sa Cavite.
"Hindi." Diretsong sagot ni Edz.
"Pwede kang magkagusto sa maraming tao pero isa lang ang pwede mong mahalin. Isa lang ang puso natin eh" makahulugang sagot niya.
"Ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang dapat mong gawin Denis... Ikaw ang gagawa ng destiny mo" dugtong niya.
"Oh ayan na pala sundo mo" sunod niyang sabi sabay turo sa paparating na si Powell. Nilapitan niya ako at kinisan niya ako sa pisngi.
"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"Tapos na. Halika na..." yakag niya sakin.
"Edz, chat nalang kita mamaya. Salamat ha..." huling sabi ko sa kanya at iginiya na ako ni Powell palabas ng Kuya J.
Nagsimula na kaming maglakad lakad. Pakiramdam ko nga ay napakalaya namin dahil parang wala lang kay Powell kahit napakaraming tao dito sa Sm Rosario ngayon. Hindi niya iniisip na baka may makakita samin at malaman pa ni Danica.
BINABASA MO ANG
Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong Love
RomanceMagandang Araw! Eto po yung susunod na story na gagawin ko pagkatapos ng AMKB. Chapter I lang po muna ang ipa-publish ko. Kapag po marami nagka-interes po dito - itutuloy ko po. Maraming Samalat po!