Can I kiss you?

507 28 7
                                    


Denis Lindsey PoV

Nabigla ako sa biglang tanong nila kay Powell. Takte! Eto na nga ba ulit ang sinasabi ko eh.

"Sensya na.. medyo pagod lang ako. Masama kasi pakiramdam ko tapos sa biyahe pa" mahinahong sagot ni Powell at tinuon sa iba ang atensyon niya.

Pakiramdam ko nga ay nakakahalata na ang iba sa mga kasama namin. Iba narin kasi yung tingin minsan ng mga kaibigan ni Powell at yung way ng pagtatanong nila sakin.

Matapos naming kumain ay bumalik na uli kami sa kanya kanya naming sasakyan. Malayo pa kasi ang biyahe kaya kailangan bilisan namin.

Kapwa kami tahimik ni Sir Yvan sa loob ng sasakyan.

"Denis.. yung tungkol nga pala sa nangyari sa -"

"Sir okay lang po iyon. Dala lang din po ng alak. Pasensya na rin po sa nagawa ko" putol ko.

"No.. let me explain.. ginawa ko iyon kas-"

Hindi ko na naintindihan ang sunod na sinabi ni Sir nung biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong dinampot iyon at sinagot ko yung tawag. Si Edz pala. Mukhang problemado sa girlfriend at pinapapunta ako sa kanila. Sinabi kong on the way kami sa Baler kaya hindi ako makakapunta sa kanila. Nagtatampo nga ang loko kasi hindi ko daw siya niyakag.

"Promise nextime.." sabi ko sa kanya.

"Lagi ka nalang ganyan. Haaay.. kasama mo nanaman si Pj noh?" Tanong niya sakin.

"Hindi noh. Si Sir Yvan ang kasama ko. Promise nextime babawi ako sanyo. Overnight ako sanyo" -Ako

"Ehem!" -Sir Yvan.

"Ayy sige na.. tawagan nalang kita kapag nasa probinsya na ako. Huwag ka ng uminom ng uminom! Lagot ka saken! Bye" huling sabi ko kay Edz bago ko tuluyang in-slide ang end call.

Napansin kong tingin ng tingin sakin si Sir mula sa salamin na nasa itaas.

"Sir baka po maaksidente tayo.." sabi ko habang sa labas ko naman dinako ang tingin ko.

Wala na akong narinig na salita mula sa kanya. Pumikit nalang ako hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Denis..."

"Denis....."

"Denis...."

Dahan dahan namulat ang mata ko dahil sa sunod sunod na pagtawag na naririnig ko.

"Lets go. Dinner tayo" sabi sakin ni Sir Yvan. Nilinga linga ko ang paligid. Madilim na pala. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagkakaidlip ko.

"Malapit lapit na tayo. Mga tatlong oras nalang siguro" sabi ni Lorenze habang ngasab ngasab ang pritong manok.

"Grabe! Ang sakit ng pwetan ko. Ang tagal pala talaga ng biyahe" segunda naman ni Mike.

Tahimik lang ako habang nakain ako. Katabi ko si Sir Yvan at nasa harapan ko naman ang magsyotang si Danica at si Powell. Tahimik lang din si Powell at napapansin ko na panay ang tingin niya sakin. Takteng to nanaman! Baka mapansin nanaman ng mga kasama niya.

"Sir excuse lang po. Kunin ko lang po ang cellphone ko sa sasakyan" dahilan ko para makaalis muna ako kahit saglit. Nagaalangan kasi ako. Napapansin ko kasi si Mike na napapatingin na kay Powell. Tiningnan lang ako ni Sir at tumango.

Tapos na rin naman akong kumain kaya dito ko nalang aantayin si Sir. Hihingi nalang ako ng pasensya mamaya kapag nagsimula na ulit kaking bumiyahe.

Nakatayo lang ako sa likuran ng sasakyan ni Sir Yvan.

Napapaisip.
Medyo nakakaramdam na kasi ako ng pagkakunsensya sa tuwing magkakasama kami. Kay Danica. Halata kasi sa kanya na mahal na mahal niya si Powell, tapos wala siyang kaalam alam na may namamagitan samin ni Powell. Magkakaibigan pa naman kami. Kahit naman sakin mangyari iyon, napakasakit. Kaso napamahal na sakin si Powell. Tangina naman kasi. Bakit ba kasi nagkakilala pa kami sa school. Sana sa ibang school nalang ako pumasok sana hindi kami nagkakilala.

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon