Talagang mahal mo?

143 8 0
                                    

"Akala ko kaibigan kita Denis... Akala ko totoong nag-aalala ka samin... Wala ka rin palang pinagkaiba sa ibang baklang kilala ko!"

Paulit ulit sa isipan ko ang sinabi sakin ni Danica kanina. Hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng mga luha ko sa mga oras na ito. Ito na kasi kinakatakutan kong mangyari. Ito na yung bagay na ayokong mangyari. Kahit gustuhin ko mang ipagtanggol si Powell ay hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil alam kong mali ang pinasok kong relasyon.

Alas dyis na ng gabi. Hindi pa rin ako makatulog. Hindi ako pinapatulog ng kunsensya ko. Hindi ako pinapatulog ng isipan ko dahil alam kong nakasira ako ng relasyon.

Tumunog ang cellphone ko. Tawag mula kay Powell. Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko. Nagsimula nanaman tumulo ang luha ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang pwede pa namin pag-usapan ni Powell. Baka kapag sinagot ko rin ang tawag niya ay baka lalo pang gumulo at lumala ang sitwasyon.

Lindsey kausapin mo ako...

Text message mula kay Powell. Hindi ko nirereplyan iyon. Kahit gusting gusto ko siyang kausapin ay hindi ko magawang sagutin o replyan ang message niya.

Okay pa ba tayo?

Usap naman tayo...

Lalong nagtuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko nung nabasa ko iyon mula kay Powell. Inilapag ko ang cellphone ko sa higaan ko at lumabas ako ng kwarto.

"Hindi ka rin ba makatulog?" biglang sulpot ni Sir Yvan sa tabi ko habang nakaupo ako dito malapit sa pool.

"Oh alam kong kailangan mo rin to" abot niya sakin ng san mig. Tinaggap ko iyon. Nanatiling nakatuon ang dalawang mata ko sa kalawakan ng swimming pool nila sir.

"Ang sama kong tao Sir noh?" sabi ko kay Sir dahilan nanaman para magsimulang mamuo ang luha sa magkabilang mata ko.

"Naging masaya ka ba?" sinserong tanong niya sakin.

Tumango ako sa kanya. Totoo naman naging masaya ako kahit alam kong mali yung pinasok naming relasyon ni Powell.

"Wala ka dapat pagsisihan sa mga bagay na naging dahilan kung bakit ka naging masaya"

"Sir mali. Mali yung ginawa ko, yung ginawa namin. Nakasira ako ng relasyon. Nagpadala ako sa maling nararamdaman ko. Dahil dun nakasakit ako at nakasira ako ng relasyon" sagot ko at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

"Hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin para gumaan ang pakiramdam mo Denis. Kasi ayokong gamitin itong kahinaan mo para ilapit ang sarili ko sayo. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin" sagot ni Sir.

"Kung talagang mahal mo si Powell at pakiramdam mo na masaya ka sa ginagawa mo, makipag-usap ka sa kanya. Kung pareho niyong mahal ang isa't isa huwag niyong isipin ang sasabihin ng ibang tao. Ang importante ay ang nararamdaman niyo. Normal lang na magkamali, wala naman perpekto sa mundo. Ang importante ay kung paano mo gagawing tama ang pagkakamaling nagawa mo" mahabang paliwanag sakin ni Sir.

"Cheer up ka lang Denis. Sigurado ako maaayos nyo rin yan" dugtong niya at bahagyang tumayo si Sir.

Niyakap ko siya.

"Maraming salamat sir... napakaswerte ng mapapangasawa mo Sir... Siguro sir kung ikaw ang una kong nakilala mas mamahalin pa kita ng sobra..." lakas loob na sabi ko sa kanya.

.

.

.

"Goodmorning po Sir, Maam..." medyo nanginginig na pagbati ko kina Sir Yvan kasama sila Sir Anton.

"Wala ka bang pasok Denis? Bakit hindi ka pa nakasuot ng uniform?" tanong agad ni Sir Anton nung napansin niyang nakapambahay lang akong damit.

"Yun nga po Sir ang sadya ko pong sabihin..."

Napunta lahat sakin ang atensyon nila Sir. Pati na rin si Rose.

"Pwede ko po ba kayong yakagin ngayon...kahit simpleng outing lang po... treat ko" nauutal ko pa ring sabi kina Sir.

"Bakit? Anong meron Denis? Birthday mo ba?" takang tanong ni Sir Anton sakin.

"Hindi po. Gusto ko lang po kayong makasama. Saka treat ko na rin po. Medyo Malaki na rin po kasi ang naipon ko at dahil po iyon sanyo" magalang kong paliwanag.

"Pero kung hindi po pwede oka-"

"Aba! Ano pang hinihintay natin? Rose sabihian mo ang lahat. Pupunta kamo tayo ngayon sa Villa Colmenar. Ipaready mo ang sasakyan sa mga driver" mabilis na utos ni Sir Anton dahilan para mapangiti ako.

Makakabawi na rin ako sa kabutihan nila sakin. Kahit sa simpleng treat ko siguro mararamdaman nila ang pasasalamat ko.

"Yvan mag-ayos na kayo ni Denis. Minsan lang mangyari ito kaya sigurado akong magiging masaya tayong lahat" utos ni Sir Anton kay Sir Yvan.

Hindi na kami nagtagal pa. Apat na sasakyan ang gamit namin. Magkasama kami ni Sir Yvan dito sa sasakyan niya at kasunod naman namin ang sasakyan nila Sir Anton at yung ibang kasambahay naman ang kasunod nila.

"Okay ka na ba?" tanong sakin ni Sir Yvan habang tinatahak namin ang daan papunta Villa Colmenar.

"Nakapag-isip na ako Sir. Katulad ng sinabi mo sakin Sir kung saan alam kong magiging masaya ako yun ang gawin ko. Saka nabasa ko nga sa google kagabi the most importan thing is honesty. Maging totoo. Humingi ng patawad at itama ang pagkakamaling nagawa" nakangiti kong sagot kay Sir.

"Talagang mahal mo?"

"Ngayon ko nga lang din napatunayan Sir. Kung hindi mo ako napaliwanagan Sir baka hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang gagawin ko"

"Right love..." nakangiting sabi ni Sir.

"Sa Wrong time Sir..." nakangiti ko ring sagot sa kanya.

"Sir napanuod mo na ba yung Peter Pan?" muling tanong ko kay Sir. Ewan ko ba pero parang ang hyper ko ngayon. Excited na rin kasi ako sa plano kong pakikipagkita kay Powell mamayang bukas ng gabi.

Gusto kong makipag-ayos kay Powell. Nakaready na nga ang mga damit ko eh. Ayoko ng palampasin pa itong pagkakataon na ito. Ngayon pa na napatunayan ko sa sarili ko na totoo yung pagmamahal na nararamdaman ko. Narealize ko lahat nung naipaliwanag sakin ni Sir Yvan. Lalo na yung kung saan ka alam mong magiging masaya gawin mo.

"Hindi. Pero natatandaan ko may naikwento na sakin si Aaron tungkol sa movie na yan" sagot niya.

"Alam mo ba Sir yung pinaka-importanteng sinabi ni Peter Pan kay Wendy habang nalipad silang dalawa at kapwa sila masaya?"

Umiling si Sir Yvan.

"Ano yun?" interesadong tanong niya sakin.

Hindi ko na siya sinagot pa bagkus ay bumaba na ako ng sasakyan nung naipark na niya ang sasakyan niya gayundin ang mga kasunod namin.

"Sir ako na po" pigil ko kay Sir Anton nung aktong magbabayad na ng entrance namin.

"Sure ka Denis?" -Sir Yvan.

Tinanguan ko sila at inabot ko na ang bayad sa cashier. Pumasok na kami sa loob at inayos na namin ang mga gamit namin. Nag-set up ng speaker sila Kuya Fred at kami naman ni Rose ang nag-iihaw ng bbq.

"Kinikilig ako sanyong dalawa ni Sir, Denis" bulong sakin ni Rose habang pinapahiran ng mantikang may ketsup ang bbq.

"Tumigil ka nga Rose baka marinig ka ni Sir, nakakahiya" suway ko sa kanya.

"Masakit ba nung may nangy-"

"Pinag-uusapan nyo ba ako?" biglang sulpot ni Sir sa likuran namin ni Rose.

"Ay! Hindi po Sir! Hindi po namin pinag-uusapan ni Denis na tabi kayo natulog. Hindi Sir promise" dire-diretsong sabi ni Rose.

"Bunganga mo talaga kahit kailan!"

"Sir bbq po" sabay abot ko sa kanya ng kaluluto palang na bbq.

"Bilisan niyo diyan. Kanina pa nag-aantay si Jovert at Kuya Fred dun oh" kasunod nun ay ang pagturo ni Sir sa cottage. Nakahain na agad ang alak at kumakaway kaway pa samin ni Kuya Fred.

"Sir hindi pwede malaseng si Denis makikipagkita siya ka P-"


Author: Thank you sa pagsupport dito :) 

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon