Sir mahalay ba?

443 17 5
                                    

Yvan Marcus PoV

"Halika ka. Aalis muna tayo" sabi ko kay Denis habang nakatingin ako sa labas. Hindi kasi ako makatingin ng diretso sa kanya ngayon.

"Saan po tayo pupunta Sir?" Takang tanong ni Denis.

Hindi na ako sumagot pa sa tanong niya. Inantay ko nalang na kusa siyang tumayo at sumama sakin. Nung napansin kong papunta na siya sakin ay pasimple akong sumabay sa kanya.

"Seatbelt mo" bilin ko bago ko tuluyang pinaandar ang sasakyan ko. Napansin kong nakatingin samin si Pj mula sa beranda. Nakasimangot at halatang naiinis nanaman sa nakikita niya samin ni Denis.

"Nga pala Denis yung nangyari kaga-"

"Okay lang yun Sir. Lakas din ng tama ko sa nainom natin. Nasakit pa nga po ang ulo ko eh" putol niya sa sasabihin ko. Halata ko naman sa kanya na iniiwasan niyang mapag-usapan yung nangyari saming dalawa. Alam ko hindi ako laseng kagabi. Alam ko rin na nawala na ang tama ng alak kay Denis kaya sigurado akong alam niya lahat ng nangyari.

Magsasalita pa sana ako nung biglang tumunog ang cellphone ni Denis at kaagad niya itong sinagot.

"Babalik kami agad. May bibilihin lang kami sa bayan" narinig kong sagot niya.

"Oo na. Magpahinga ka na muna. Marami kang nainom kagabi. Sige na. Mamaya nalang" huling sabi niya at itinago na niya agad ang kanyang cellphone sa bulsa niya. Sigurado naman akong si Pj ang tumawag.

Matapos kong i-park ang sasakyan ko ay bumaba na kami ni Denis. Na-search ko nanaman sa internet ang lugar na ito kaya may ideya na ako sa pupuntahan ko.

"Goodmorning po Sir" bati samin nung nagbukas ng pintuan.

"Sir sa labas nalang po ako. Antayin ko nalang po kayo dun" sabi sakin ni Denis.

"Miss pakiasikaso siya" sabi ko sa babae na mag-aassist samin sabay turo ko kay Denis.

"Sir ayoko po. Saka pagbalik nalang po sa Cavi-"

"Lakad na" putol ko.

"Miss yung ganito oh" dugtong ko sabay turo ko sa nakita kong model sa magazine. Wala ng nagawa si Denis. Nakaupo na siya sa harap ng isang malaking salamin at ginugupitan at inaayos ang kanyang buhok.

"Denis lalabas lang ako" paalam ko at hindi ko na siya inantay sumagot.

Naupo ako sa unahan ng sasakyan ko. Nagsindi ako ng sigarilyo.
Ayaw kasi mawala sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Seryoso ako sa sinabi ko sa kanya.

Ngayong alam ko na may nararamdaman para sakin si Denis ay dapat gumawa ako ng paraan para mas lumalim pa iyon. Kailangan mailayo ko siya kay Pj. Bwiset yang Pj na yan!

Natigil ako sa pag-iisip nung biglang tumunog ang cellphone ko.

Yvan punta kayo ni Denis nextweek. Birthday ko. Sa bahay tayo. -Luis.

Hindi ko na muna iyon nireplyan. Kahit naman umayaw ako ay pipilitin pa rin ako ng mokong na yun. Saka alam ko naman na hindi ako ang gusto niyang makita kundi si Denis. Langya. Dami ko kaagaw kay Denis ah!

Hindi ko napansin na nakadalawang sigarilyo na pala ako. Dami kasing pumapasok sa isipan ko eh. Matapos yun ay bumalik na ako sa loob ng salon.
Mukhang nasa loob si Denis at sinashower ang buhok. Iba na kasi ang nakaupo sa kaninang inuupuan niya eh. Muli kong dinampot ang magazine na binabasa ko kanina at tiningnan ko uli ang article na binabasa ko dun.

Napalingon ako sa lumabas dun sa loob ng shower room. Akala ko si Denis. Aktong ibabalik ko ang tingin ko sa magazine nung biglang tumayo yung nakaupo sa kaninang inuupuan ni Denis. Napatulala ako dun. Dun napunta ang atensyon ko.

Shit.

Totoo ba itong nakikita ko?

Si Denis ba to?

"Sir.."

Korni man o baduy mang sabihin pero.. Pero shit!!!

"Sir Yvan!" Medyo malakas na tawag niya sakin habang nakatitig ako sa buong katawan niya dahilan para mapabalik ako sa katinuan.

"Denis..." mahinang sagot ko sa kanya habang nakatingin parin ako sa mukha niya.

"Sir mahalay ba?" Takang tanong niya.

"No.. Bagay.. Lets go" medyo nautal kong sagot.

"Sir teka babayaran ko muna po" -Denis.

"Bayad na kanina pa.. Tara na.. Kakain pa tayo ng lunch" sabay hila ko sa kaliwang kamay niya.

Hanggang sa makarating kami sa sasakyan ko ay hawak hawak ko ang kamay niya. Kundi nga lang niya sinabi sakin ay hindi ko na binitawan yun.
Napapatitig parin ako sa kanya habang nakain kami. Ewan ko ba. Tangina! Ang lakas lalo ng dating sakin ni Denis.

"Sir thankyou nga po pala. Sige po ayusin ko lang po yung gamit natin. Pupunta po tayo sa ilog eh" sabi niya sakin at kaagad na siyang bumaba ng sasakyan.

Naiwan akong tulala sa loob ng sasakyan ko. Gusto ko sana hawakan ang kamay niya at pigilan sa pagbaba ngunit huli na dahil nakababa na siya ng sasakyan ko.

Tangina. Sigurado na ako.

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon