Maam English

1.1K 38 2
                                    



Powell Jake PoV

Potek! Yung quiz namin sa calculus tangkahirap! Parang board exam. Bakit kaya kapag nag-e-explain ang prof sa unahan ang dali daling intindihin? Pati yung example nila, madali. Pero nung nasa test paper na, langya! Magkaiba ng given! Sana lang makapasa ako sa quiz sa calculus sumabay pa kasi ang Physics eh. Kaya kurtang kurta na ang utak ko.

Nandito ako ngayon sa room. Nag-aantay ng susunod na subject. EFL (English Foreign Language). Makikita ko nanaman ang teacher na dahilan kung bakit dumudugo lagi ang ilong ko sa ganitong oras. Wala kasing humpay ang pag-e-english niya. Ultimo pagtawa ay kailangan english.

Hindi ba nila alam na English is only a dialect - its not a knowledge.

Tama ba yang grammar ko?
Nagmamarunong nanaman ako. Haha!

"Oh umayos na kayo. Nandiyan na si Mam English" sabi nung classmate ko.

Haaay... Eto nanaman. Ano nanaman kaya ang itatalak nito sa unahan? Kalimitan kasi puro kwento siya tungkol sa history. Naisip ko nga dapat World Lit nalang ang tinuturo niya samin.

"Okay class this is the correct pattern in writing a poem" tukoy niya sa imahe na nanggagaling sa projector.

Parang boses nga ni looney toons ang naririnig ko eh. Yung ang bilis bilis tapos wala akong naiintindihan. Ganon yun! Naranasan niyo narin ba?

"Okay so I am giving you 30 minutes. Write your own poem"

Halos sabay sabay kaming napatingin kay Maam. Yung tingin na nagulat dahil sa bigla niyang sinabi.

"Uyy PJ ano ba yung poem?" Kalbit sakin ni Mike.

Hindi ko alam kung tatawa ako o maiinis sa tanong ni Mike. Tangna college na hindi pa alam ang poem. Hahaha!

"Ang alam ko dun yung parang gagawa ka lang ng kanta, yung ikaw ang composer" nagmamagaling kong sagot sa kanya.

"Marunong ka?" Seryosong tanong niya ulit sakin.

"Hinde" ipit tawang sagot ko sa kanya.

Totoo naman eh! Ano ba malay ko sa paggawa nun? Tapos English pa! Baka maiga dugo ko dito!

Ahh! Alam ko na! Hindi naman siguro mahahalata ni Maam kung kokopya ako sa google. Hind naman siguro chinecheck ni Mam o kinukumpara yung ginagawa namin sa iba, diba? Utakan lang yan!

Palihim kong kinuha ang cellphone ko sa kaliwang bulsa ko. Ni-tap ko ang google at nagsearch ako.

Jakpat! Ang daming lumabas! Kaso - tangna ang hahaba! Mangangalay ako sa pagkopya dito.

Ni-tap ko ang pangatlong lumabas sa google. Masyado naman kasing obvious kung yung pang-una yung kokopyahin ko.

Denis Lindsey Blancaflor

Yan ang lumabas. Wattpad pala tong nai-tap ko. Basta ko nalang ni-tap yung isa sa mga list ng poem.

Ayos! Kokopyahin ko na to.

Your first message got me panicking
You caught me by surprise
I saw it as a threat
Something that I gain - will regret.

But now you're crawled your way up to my walls
I don't know what to do

Your corny jokes your cheesy pick-up lines;
Your lopsided smiles, your dorky sentiments

The silly note-passing, the lingering glances
Things that make me illogically infatuated with you

This is me pretending to be detached
As you pass me by
With flowers in your hands
You walked straight to my side

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon