Oh Marcus natahimik ka diyan!?

577 30 3
                                    

Til I met you

Yvan Marcus PoV

"Kahit ano po Sir..." Sagot sakin ni Lindsey. Tinanong ko kasi siya kung ano ang gusto niyang pagkain.

Napagdisisyunan muna namin ng mga kaibigan ko na kumain muna sa isang reataurant bago tuluyang magpunta sa lugar na titigilan namin.

Matapos namin umorder ng mga kaibigan ko ay naupo na agad kami.

"Denis tikman mo to - masarap ito" alok ni Marvin kay Denis.

"Bakit mo po alam pangalan ko Kuya?" Takang tanong naman ni Denis.

"Palagi ka kasing kinukwen-"

"Bilisan niyo kain para hindi tayo ma-late sa venue" pagputol ko sa usapan nila.

Langya tong si Marvin!
Sasabihin pa niyang palagi kong kinukwento si Denis sa kanila. Pamahak din tong lokong to eh!

"Alam mo Denis may naalala ako kapag nakikita kita. Katulad mo din siya at mabait din - kaso naunahan ako ni Kuya sa kanya" singit naman ni Luis sabay tawa.

"Ano po pangalan niya?" -Denis

"Huwag mo na nga ako i-po. Pinapatanda mo naman ako eh. Chriden pangalan niya. Den ang tawag namin" sagot naman ni Luis.

"Lahat talaga ng may Den ang pangalan - mabait at malakas ang apil noh?" Singit uli ni Marvin sabay tingin sakin dahilan para magtawanan sila.

Mga abnormal!
Lagot kayo sakin mamaya!
.
.
.
.
.
.
.
.
"Denis magpalit ka muna ng suot mo. Malamig sa labas" sabi ko sa kanya nung dumating na kami dito sa venue.

Nasa isang resort kami.
Magkasama kami sa room ni Denis.

Sila Marvin, Kurt, at Wilbert naman ay may sari-sariling kasamang iba.

Si Luis? Mag-isa sa room. Ewan ko ba sa lalakeng iyon. Loner ang ganap sa buhay.

"Eto ang suotin mo oh" sabay lapag ko ng jershey shorts ko at jacket na dinala ko talaga para kay Denis.

"Ayy Sir may dala din po akong jacket. Kaya okay lang po" tanggi niya.

"Mas makapal yang jacket na yan. Malamig sa tabing dagat baka di makaya ng katawan mo" pamimilit ko sa kanya.

Ayoko naman kasi masayang ang effort ko sa pagdadala ng damit ko para lang suotin niya. Wala na siyang nagawa. Sinuoy niya rin. Sabay na kaming lumabas ng room at nagpunta sa tabing dagat.

Nakaready na ang isang malaking bonfire para saming magkakaibigan.
Ewan ko ba - pero sa twing mapupunta kami sa isang resort at hindi nawawala ang paggawa namin ng bonfire. Masarap kasi sa pakiramdam.

Dumating narin sila Marvin kasama ang mga chicks nila. Dala dala ang gitara at beatbox.
Naku! Walang panama sa chicks ko yan! Hahaha!

Pumaikot na kami sa malaking bonfire habang may kanya kanya kaming hawak na bote ng sanmig light.

Nagpakilala isa-isa ang mga kasama ng mga kaibigan ko at ganun din kami sa kanila. Ito namang katabi kong si Denis - halatang naiilang at nahihiya.

"Sige na! Sipra na Marvin!" Udyok ni Wilbert tukoy sa hawak hawak na gitara.

Nagsimula ng tumugtog ng gitara si Marvin kasabay sa paghampas sa beatbox ni Wilbert.

Nais ko ay magpakilala sa iyo
At ipahiwatig ang nilalaman ng puso ko
Maunawaan mo kaya
O baka sampalin mo lang ang akong mukha - nagdadalwang isip na

Panimula ni Marvin sa kanta habang panay ang pagsipra sa hawak niyang gitara.

Huwag nalang - kaya
Huwag nalang kaya?

Pagpapatuloy naman ni Wilbert.
Bakas sa mga mukha ng mga kasama nilang babae ang mangha sa kanilang naririnig mula sa dalawang kaibigan ko.

Ano tingin nila sakin? Papatalo? De noh!

Nais ko ay - ialay sa iyo
Ang puso ko na umiibig sa iyo
Ngunit di mo na yata kailangan ng ganyan
Meron ka na yatang kasintahan
Naninikip ang tiyan...

Pagkanta ko sabay palihim na sumulyap sa taong katabi ko.
Takte! Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko?
Bakit ang dami dami naman mg tao sa paligid ko pero bakit sa taong ito pa?

Ang hirap naman ng kalagayan ko.

Una may boyfriend na siya...
Pangalawa tatay ko pa ang amo niya...
At pangatlo - alam kong di niya ako magugustuhan.

Huwag nalang kaya
Huwag nalang kaya?

Pagtatapos ni Wilbert sa kanta.

Nagpalakpakan ang mga babaeng kasama ng mga kaibigan ko pati si Denis.

Sarap sa pakiramdam na mapansin niya yung talento ko ah!

"Teka teka.. Di naman pwedeng tayo lang ang kumanta... Oyy Denis sample naman diyan" ngiting sabi ni Wilbert kay Denis habang nakatuon ang dalawang mata sakin.

"Oo nga Denis! Baka sakaling pareho kayo nung taong sinasabi ko sayo kanina" gatong naman ni Luis na nasa harapan ni Denis.

"Hala! Kakahiya! Tagal na po ng huling kanya ko" pagtanggi naman niya.

"Okay lang yan.. Minsan lang to oh" singit naman ni Marvin.

"Okay po. Pero walang mang-aasar ha" sagot ni Denis na medyo namumula ang mukha dahil sa iniinom na alak. Ganyan ganyan din siya nung nag-inom kami dati sa bahay eh.

Sinabi ni Denis ang kakantahin niya at nagsimula ng sumipra sa gitara ni Marvin.

I never dream
Coz I always thought that dreaming was for kids
Just childish thing

And I could swear
Love is just a game that children plays
And no more than a game

Tangina men! Boses ba talaga ni Denis itong naririnig ko?

Narinig ko na boses niya sa cellphone pero tangina!! Shit!

Bakas din sa mukha ng mga kaibigan ko ang pagkamangha sa kanilang naririnig, lalo na si Luis.

Napansin kong pinindot ni Denis ang cellphone niya - call button. Nahagip din ng mata ko kung sino ang tinawagan niya. Si Pj.

Till I met you
I never knew what love was
Til I met you
This feelings seem so grow more everyday
I love you more each day...

Para na akong timang habang nakanta siya. Natuon ang buong atensyon ko sa kanya. Hindi ko alam pero damang dama ko ang kanta niya.

Denis... Hindi ba pwedeng ako nalang?

I believe in you
I believe in every word that you say
I love you all the way

Now I could swear
Love is not a game that children play
So tell me you'll stay

Till I met you
I never knew what love was
Til I met you
This feelings seem so grow more everyday
I love you more each day...

Pagtatapos ni Denis sa kanta.

"Wooooww!"
"Shitttt...." Reaksyon ng mga kaibigan ko.

Si Luis?
Speechless at napatulala lang kay Denis.

"Denis ang gan-"

"Oh di ka na nakapagsalita diyan!" Sabi ni Denis nung aktong tinapat ang kanyang cellphone sa kaliwang tainga niya dahilan para di ng pagputol ng dapat na sasabihin ko sa kanya.

"Oyy Denis mamaya na yang cellphone! Shot!!!!" Malakas na sigaw ni Marvin.

"Shhhhh!! Wag! Bad yon!" Nakangising senyas ni Denis habang takip takip ang cellphone para di marinig ng kausap.

"Oh Marcus natahimik ka diyan!?" Biglang pagpuna saken ni Luis.

Author: Sensya late update.
Medyo laseng na ako. Hahaha!
Tara teks tayo - kwento ko sanyo yung next part :)

BubeiYebeb

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon