Powell Jake PoVIsang linggo ng nakakaraan simula nung pasukan. Pagkatapos nung first day ay sumabak na sa gyera ang mga prof namin sa discussion. Takte! Nakakatuleg! Kung memory card nga lang ang utak ko ay siguradong memory full na ako o di kaya ay naghahang na ako. Di ata kaya ng utak ko i-save lahat yun. Nakakaloko!
At ang masaklap pa - may quiz na agad kami bukas. Monday. Hindi ba naaawa ang mga prof saming mga estudyante? Tapos kapag bagsak kami sa exam magagalit samin at palaging sinasabi na wala kaming natutunan sa discussion nila. Dapat maglaan naman sila ng oras para marelax ang isipan namin. Haaay... Buhay kolehiyo nga naman.
Habang tinotorture kobsa isipan ko ang lahat ng prof ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Notification tune. Hindi ko muna agad in-open yun - pinagmasdan ko muna yung wallpaper ko. Picture naming dalawa ni Danica nung six monthsary namin. Magkadikit ang dalawang labi namin at pareho kaming nakanguso. Astig noh? Ang sweet. Naka-center pa talaga sa cellphone ko yun.
Bhe hindi ako mkkacmba. Bglaan kse kming ddalaw kina Lola sa Batangas eh pro uuwe rin kmi mmyang gabi. Sumimba k kht ndi mo ak ksama ah. Labyu.
Sender: BheAyy! Kainis naman! Nasanay na akong magkasama lagi kami sumimba tapos for the first time ay hindi kami makakasimba. Hindi ko naman siya pwedeng pilitin. Sabi nga niya pupunta sila kina Lola. Haaaay..
Huwag nalang kaya ako magsimba?
Ayy! Bad yun. Sisimba parin ako kahit ako lang mag-isa.
Ok cge Bhe. Ingat kyo sa biyahe ah! Labyutu po.
Reply ko agad sa kanya.
Nanuod muna ako ng onepiece. Maaga pa naman kasi eh. 4pm ang simula ng misa eh 12 palang naman.
Pagkatapos kong panoorin ang tatlong episode ng onepiece ay kumain na ako at naligo.
Si mommy nga pala ay isang supervisor sa isang campany at si daddy naman ay manager sa bangko. Kapatid? Wala. Solo lang ako. Kaya nga naibibigay sakin ang lahat kahit hindi ko naman hinihingi sa magulang ko. Syempre dahil din yun sa pagiging goodboy ko. Ako pa!
Binili nga ako ng kotse ni daddy kaso hindi ko iyon ginagamit kapag napasok ako sa school. Malapit lang naman din kasi. Saka low profile. Naks! Lakas maka-low profile noh? Hahaha!
"Dy! My! Simba muna ako. Paalam ko sa kanila habang busy sila sa panunuod ng movie sa Netflix.
"Sige anak. Ikamusta mo kami kay Danica ha!" -Mommy.
"Hindi ko siya kasama ngayon mommy. May pupuntahan daw sila" sagot ko.
"Alis na ako" dugtong ko at mabilis na akong lumabas ng gate namin.
Pumara agad ako ng tricycle at sumakay na agad. Ang init kase. Kahit 3:30 na ng hapon ay ang sakit parin sa balat ng sinag ng araw. Ayoko kaya masira ang magandang kutis ko noh! Bawas pogi points yun. Baka maturn off sakin si May Bhe bhe Danica. Hahaha! De joke lang. Kahit na ano itsura ko alam kong mahal na mahal ako nun.
Quarter to 4pm ako dumating dito sa simbahan. Marami narin ang taong nandito. Karamihan ay mga estudyante ng highschool. Required kase silang sumimba ng 4pm dahil may mass card sila. Sa ESP atang subject yun. Values Educ ang tawag dati dun. At dahil sa k12 na, ayun iba iba na ang tawag sa mga subjects at hinati hati pa. Pahirap noh?
Kumuha ako ng isang upuan sa gilid at ipinuwesto ko ito sa gilid ng karo ng patron ng bayan namin. Si Tata Usteng (St. Agustin) dito kasi kami palaging napwesto ni Danica. Mas komportable kasi dito eh.
Naupo na ako. May limang minuto pa bago magsimula ang misa kaya kinuha ko ang cellphone ko at nagtext ako kay Danica. Sinabi kong nandito na ako sa simbahan. Sinabi naman niyang nasa Batangas na sila ng Papa at Mama niya. Ang bilis ng biyahe nila noh? Sana sumama nalang ako sa kanila para kasama ko siya. Parang kulang kasi ang buong araw ko kapag hindi ko siya nakakasama at nakikita.
Narinig ko na ang tunog ng bell na senyales na kailangan ng tumayo para sa pambungad na awit. Tumayo agad ako at nakisabay ako sa kanta pero sa isip ko lang.
"Ahmm... Excuse me po" sabi nung lalake na may bitbit na dalawang upuan. Umurong ako ng kaunti oara makadaan siya. Sila pala. Dalawa kasi sila. Hindi ko na sila tiningnan. Nasa unahan na kasi si Father at nakikisabay narin sa kanta.
"Palit tayo Denis ng pwesto dito ka" narinig kong sabi nung kaninang may bitbit na upuan kausap yung kasama niya.
Ang ingay naman ng neto!
Nawawala tuloy ang atensyon ko sa misa.Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo
"Amen"
Pagsisimula ng misa.
Naktutok lang ang atensyon ko kay Father at sa choir habang kinakanta ang Papuri sa Diyos.Naupo na kami pagkatapos at nagsimula ng basahin ang mga nakasulat sa Sambuhay.
First reading.
Second Reading.
Tumayo para sa Gospel.
Umupo para pakinggan ang Homily.
Hanga talaga ako sa mga Pari. Ang galing nila magbigay ng halimbawa at naikokonek nila agad iyon ukol dun sa nilalaman ng mga pagbasa. Naipapaliwanag nilang maigi para mas maintindihan ng mga taong nasimba ang tunay na pinapahayag ng bible.
Tumayo na muli kami para Panalangin ng bayan.
Matapos yun ay ang pagbe-bless ng bread and wine at magkasunod itinaas iyon ng pari. Natatandaan ko oa nga dati sabi samin nung teacher namin sa values education ay sa tuwing itataas daw ng parin yung bread and wine at dapat daw nakapokus kami dun dahil yun daw ang time na bumababa ang holy spirit at bine-bless yung bread and wine. Kaya simula nun ay palagi na akong natitig sa part ng misa na iyon.
Sa tagubilin ng nakagagaling na utos.
Hawak kamay.
Haaay. Kung kasama ko sana si Danica e di kaming dalawa sana ang magkahawak ng kamay ngayon. Kakalungkot naman.Naramdaman ko nalang na hinawakan ng katabi ko ang kamay ko. Hindi ako nalingon sa kanya at nakatingin lang ako sa unahan - Kay Father.
Babae siguro ang katabi ko. Ang lambot ng kamay. Parang bulak. Parang marshmallow.
Ang weird lang kasi parang kakaiba yung pakiramdam ko. Hindi ko ma-explain. Parang nanginginig na ewan ang kaliwang kamay ko habang hawak hawak ng katabi ko.
Matapos yung kanta ay binitawan agad ng katabi ko ang kamay ko.
Sumainyo ang Panginoon.
At sumainyo rin.
Magbatian kayo ng kapayapaan sa isa't isa. Peace be with you. Sabi ni Father.
Nauna akong nag-peace sa unahan - kay Papa God. Sa harapan ko, sa kanan ko, sa likuran ko at sa.. Teka! Kilala ko to ah! Ayy hindi ko pala kilala, nakita ko na siya ah.
Nakayuko lang siya at hindi siya nakikipagpeace kahit kanino.
May sayad ba talaga itong taong ito?Sayang! Nakalimutan ko yung panyo niya sa kwarto ko. Nasa ibaba ng drawer ko yun eh.
Saka ko na siya kakausapin kapag dala ko na yung panyo niya. Saka mukhang may sayad siya. Kaya siguro napagtitripan sa school ay palagi siyang ganyan.
Tapos na ang misa. Kaya nagsimula ng maglabasan ang mga tao. Lilingunin ko pa sana yung katabi ko kanina nung napansin ko sa bintana na nakalabas na sila.
Madala na nga bukas yung panyo niya at baka sakaling magkita kami.
Ano nga kayang pangalan niya at course niya?
Para maipadala nalang kung sakali sa mga kaibigan ko.
Author: please. Sana magustuhan niyo. :)
BINABASA MO ANG
Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong Love
RomanceMagandang Araw! Eto po yung susunod na story na gagawin ko pagkatapos ng AMKB. Chapter I lang po muna ang ipa-publish ko. Kapag po marami nagka-interes po dito - itutuloy ko po. Maraming Samalat po!