Bakit? Nagseselos ka dun?

662 36 4
                                    

Out of reach.

Powell Jake PoV

"Oh mukhang good na good ata ang morning natin ah!?" Puma sakin ni Lorenze habang panay ang kalikot konsa cellphone ko.

Paano hindi magiging maganda ang umaga ko - katext ko si Lindsey. Ewan ko ba - kinikilig ako.

"Excited ka na bukas noh? May pinaplano ka kay Danica noh!" Singit naman ni Mike habang nakain ng tacos.

Plano?
Ano naman ang maiisip kong plano para kay Danica?

"Siguro sosolohin mo si Danica at iiskor ka no!" Panunukso ulit ni Lorenze.

"Tumigil nga kayong dalawa diyan! Puro talaga kayo kalokohan!" Saway ko sa kanila at ibinalik ko ang atensyon ko da cellphone ko.

D2 n ak sa may gate. Ppsok. Ksabay ko si Sir. May aayusin kse ak sa sched niya.
Sender: Lindsey

Matapos kong mabasa ang reply niya sa text ko ay mabilis kong idinako ang mga mata ko sa way ng gate. Wala naman kasing ibang dadaanang gate si Lindsey kundi dito sa may harapan namin.

Nakikita ko na siya.
Para ngang may kung ano sa kalooban ko na nagbibigay ng kakaibang kiliti sa katawan ko.
Ang cute ng height ni Lindsey. Hanggang balikat lang siya ni Yvan.

Nkita n kta. Ang cute mo. Namimiss na agd kta.

Text ko sa kanya.
Napansin kong tinuon niya ang atensyon niya sa cellphone niya.
Ngumiti niya.

Shiiiiiiit!
Bakit ba ako nagkakaganito!

"Okay ka lang Pj?"
"Ahh.. Oo. Okay lang ako. Ano nga ba yung pinag-uusapan natin kanina?" Mabilis kong sagot sa kanya.

Malapit na siyang dumaan sa harapan ko.

Ngingitian ko ba siya?
Papansinin ko ba siya?
Baka magtaka itong mga kasama ko kapag bigla ko siyang kinausap.

"Hi bhe! Maaga kami pinalabas ng prof namin. Ano san tayo kakain?" Bati sakin ni Danica at mabilis humalik sa pisngi ko at kinuyabit ang kamay sa braso ko.

Ilang hakbang nalang at nasa harapan na namin si Lindsey. Nararamdaman ko ngang bumibilis ang tibok ng puso ko eh. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko.

"Ayy teka! Kilala ko to ah!" Biglang sabi ni Danica dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakadako kasi ang tingin sa dalawang taong padaan sa harapan namin. Kay Lindsey at kay Yvan.

"Ayy tama! Kuya!" Pagtawag ni Danica.

Napatigil sa paglalakad si Lindsey at Yvan.

"Maraming salamat nga pala dun sa extra pen na pinahiram mo sa grupo namin" nakangiting sabi ni Danica.

"Its okay. No problem" tipid namang sagot ni Yvan.

Magkakilala pala itong dalawang ito. Paktay tayo diyan! Baka maikwento nitong Yvan na ito na pinuntahan ko si Lindsey sa kanila.

"Nga pala, I'm Danica. Ito nga pala - boyfriend ko si Pj at itong dalawang ito naman ay si Lorenze at si Mike" pagpapakilala ni Danica.

Napakaliit talaga ng mundo. Ang dami daming pwedeng makilala nitong si Danica ay ito pang si Yvan.

"I'm Yvan Marcus and he is Denis" plain tone na boses ni Yvan.

Ngumiti si Lindsey at tumingin sa bawat isa samin.

"Tama! Naalala kita!" Biglang singit ni Mike.

"Ikaw yung -"
"Wag mo na ikwento kuya. Nakakahiya" putol ni Lindsey at nagbigay ng napakalawak na ngiti dahilan para hindi na maituloy ni Mike ang sasabihin.

"Nga pala Yvan, were going to have simple night out tomorrow. Outing. Baka free kayo - join na kayo samin. Para naman maging magkakaibigan tayo" -Danica.

Oh shit!
Ano ba itong mga naiisip ni Danica!

"Tamang tama. Konti lang kasi kami kaya mas magiging masaya kapag sumama kayo" dugtong naman ni Lorenze.

"Okay. What time and where's the venue?" Malumanay nanamang sagot ni Yvan.

Takte naman oh!

"Ahh... Sir, pasensya na po. Hindi po ako makakasama, marami pa po kasi akong gagawin sa bahay bukas. Kayo nalang po" narinig kong sabi ni Lindsey.

"You need to come with me. Ako na bahalang magpaalam kay Daddy" -Yvan.

"Sir?" Takang tanong ni Mike at nakatuon ang atensyon kay Yvan.

"Ahh kasam-"
"So, we'll see you guys tomorrow. Here's my #." Putol ni Yvan sa dapat na sasabihin ni Lindsey at mabilis naglabas ng calling card at ibinigay kay Danica.

"Okay. Thanks" nakangiti namang sagot ni Danica at nagsimula na ulit maglakad papalayo si Yvan at Lindsey.

"Bhe bakit mo naman niyakag yung mga yun?" Mabilis kong tanong sa kanya.

"Bakit? Nagseselos ka dun?" Sagot ni Lorenze.

"Tangnaka! Hindi ikaw ang tinatanong ko" sagot ko.

"Haay naku bhe. Para naman magkaroon tayo ng mga bagong kaibigan. Mukha namang mabait si Yvan saka yung kasama niya eh. Denis ata pangalan" sagot niya habang nakakuyabit sakin at naglalakad na papunta sa canteen.

Mabait? Talagang mabait si Lindsey noh! Hindi lang mabait - malambing pa at... Haaay... Ewan ko ba.

Nandito na kami ngayon sa canteen. Magkatabi kami ni Danica at si Mike at si Lorenze naman sa kabilang bahagi ng lamesa. Nakaorder na kami ng pagkain.

Nakatuon lang ang atensyon ko sa deans office na nasa bahagyang harapan ng pwesto namin. Ako talaga ang pumili ng pwesto dahil nakita kong dun pumasok si Lindsey at si Yvan.

"Bhe oh! May nagtext sayo. Lindsey" sabi ni Danica at awtomatikong kinuha ko agad sa kanya ang cellphone ko.

"Ayy sorry.. Excited lang... May pinapabili kasi ako sa pinsan ko sa Manila, limited edition kaya excited akong malaman kung meron pa" mahabang pagpapalusot ko nung napansin kong medyo nag-iba ang pustura mg mukha niya.

"Naku Danica! Pagdududahan mo yang lalakeng yan? Eh kulang na nga lang magpari yan eh!" Kantyaw ni Mike at pagkatapos nun ay tumawa.

"De noh! May tiwala ako diyan kay Bhe bhe ko" ngiting bawi naman ni Danica.

Nilagay ko sa kaliwang bulsa ko ang cellphone ko. Mamaya ko na babasahin ang text ni Lindsey. Baka kasi maisipan ni Danica na hiramin itong cellphone ko at baka mabasa niya pa ang messages ko. Hindi kasi ako nakapagdelete kanina.

Lumabas na ng deans office si Lindsey at si Yvan at naglalakad papunta dito sa canteen. Okay na siguro yung schedule ma inayos nila.

"Hey! Yvan! Dito na kayo pumuwesto oh! May bakante pa. Sabay sabay na tayong magmerienda" yaya ni Danica sa kanilang dalawa.

Author: sensya po. Late update. Namatay po kasi tita ko last wednesday kaya natulong po kami sa pag-aayos.

Penge pong likes and comments.
Salamat po.

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon