One More Chance

537 17 1
                                    

Silip tayo sa Book 3 ng
"One More Chance"

Ashton Clarence Castillo PoV

Kainis naman! First day of school ako agad ang natawag sa "Any idea about this subject". Current Issues pa naman ang subject namin. Wala pa naman akong nasasagap na tsismis mula kay Buloy kaya wala akong ideya tungkol don! Buset!

Tama! Junior College na ako/kami. Dalawang taon nalang ay makakaalis na ako dito sa San Sebastian College Recoletos de Cavite. Oh ayan! Buong buo nanaman ang pangalan ng alma matter ko. Puntahan ko kaya bukas ang mga namumuno don at humingi ako ng bayad. Hahaha! Jokelang. Di ako mukhang pera noh!

Di ko na kailangan magpakilala uli. Nabasa niyo nanaman siguro ang Book 1 and 2 neto kaya hindi ko na kailangan idescribe pa ang sarili ko. Ang hirap kaya idescribe ang kagandahan diba? Hahaha! Kapal ko noh?

Nandito ngayon ako sa canteen. Broken time kasi kami nila Tin. Ang hirap nga eh. Mas mahaba pa ang vacant time namin kesa sa time ng bawat subject.

Marami narin akong kakilala dito. Syempre naman nakatiis ako ng dalawang taon dito eh. Alangan naman na sila Tin lang ang kakilala ko. Nakakasawa kaya ang peslak ng mga kaklase ko. Mga wirdo pa! Oo na! Kasama na ako don!

"Ashton tingnan mo yun oh, ang gwapo!" Talanding sabi ni Tin sabay turo sa lalakeng naglalakad papunta dito sa canteen.

"Bengol! Si Yvan Marcus yan! Classmate natin yan sa Theology" sagot ko sa kanya habang kumakain ako ng tacos.

"Tingnan mo rin yung mag-couple oh! Ang sweet!" Sabay turo niya ulit dun sa upuan sa hallway katabi ng chapel.

"Ahh.. si Pj at si Danica" sagot ko uli sa kanya.

"Tangnamo! Bakit ba kilala mo lahat ng tinuturo ko!" Balahurang tanong niya.

"E ikaw lang naman ang tanga! Pinanuod kaya natin yung laro nila ng basketball! Si Pj pa nga ang escort!" Malakas na sagot ko sa kanya dahilan para mapatingin samin ang nasa kabilang table.

"Sorry na! Daig mo pa comelec! Kilala lahat!" -Tin.

"Oh wag mong sabihin na kilala mo rin yun?" Sabay turo niya sa maliit na lalakeng naglalakad papunta rin dito sa canteen.

"Syempre naman. Nakasabay ko sa faculty yan nung kinausap ko si Maam Cudia. Pareho kasi kaming incomplete sa eco. Si Denis yan" nakangiti kong sagot sa kanya.

"Teka! Bakit ba tanong ka ng tanong!? Turo ka pa ng turo! Kumain ka na nga!" Dugtong ko.

"Hey hey! Mukhang mainit ulo ng cheekbone ko ah!"

Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Hindi nga ako nagkamali.

"PaJoin kami" nakangiting sabi ni Marcus. Pero nakaupo na sila ni Vincent bago pa matapos ang sinasabi niya.

"Cheekbone nuod ka ng live band namin mamaya... please..." pacute na pakiusap ng boyfriend kong si Leonard.

Oo na. Naging official kami matapos ang scenariong nangyari samin sa airport. Agad eksena nga kami don eh. Buti nalang ay nagawa ni Leonard na hindi ipa-upload sa mga social media sites ang pictures namin at nagawa din niyanh hindi ipabalita ang nangyari. Kung nagkataon - paktay ako!

"Oo nga Ashton. Manuod ka na. Baka bigla nanaman yang umalis sa set namin dahil sa sobrang pag-aalala sayo" pang-aasar ni Marcus sabay tawa.

"Oy oy! Marcus! Masama lang pakiramdam ko nun!" Pagtanggi ni Leonard.

"Oo na. Manunuod na ako. Wala din naman ako gagawin mamaya sa bahay" nakangisi kong sagot.

Hindi na nga pala ako nakatira sa bahay ni Mark. Napilit ko narin kasi si Mama na sa dati naming bahay ako dahil may part time job narin ako. Pahirapan pa nga bago ko napapayag si Mama. Pero dahil sa nagpumilit ako - pumayag narin siya.

Saka ko na ikukwento si Ace. Pero ang huling kamustahan namin ay nung isang araw.

Bigla ko nalang naramdaman na umakbay sakin si Leonardo at sinadya niyang inilapit ang upuan niya sa upuan ko.

"Dito tayo Mark oh! Sakto limahan!" Malakas na sigaw na narinig ko.

Pasimple akong lumingon at nahagip ng dalawang mata ko si Mark kasama sila Sean at ang ibang tropa nito.

Alam kong napansin ako ni Leonardo kaya mas lalo siyang dumikit sakin.

"Promise ha.. papanuorin mo ako" nakangiting sabi ni Leonardo sakin dahilan para humarap uli ako sa kanya.

"Aww! Napakasweet naman!" Panunukso ni Marcus

Si Vincent naman, wala parin pagbabago. Tahimik parin. Kung hindi kakausapin ay hindi magsasalita. Minsan nga naiisip ko baka may sayad tong lalakeng to eh.

"Oyy Leonardo ano na nga pala balita sa pinsan mong si Paul?" Pag-iiba ni Marcus ng usapan.

"Naku! Siguradong masaya na yun. Ang kwento kasi saken ni Paolo ay okay na sila ni Den. Teacher na nga pala si Den ngayon" -Leonard.

"Talaga!? Astig! Gusto ko ulit siya marinig kumanta!" Excited na sabi ni Marcus.

Biglang tumayo si Vincent at nagsimula ng lumakad.

"Oyy! Vincent! San ka pupunta?" Pagtawag sa kanya ng katabi kong si Leonardo.

Hindi iyon nagsalita bagkus tinuro lang ang itaas tukoy sa rooftop.

"Oh pano? Time na kami cheekbone. I'll see you later. Labyu!" Sabay halik niya sa noo ko.

"Peter!" Malakas na tawag na narinig ko kay Marcus.

"Hindi lang pala ikaw ang maraming kakilala Ashton! Pati pala yang si Marcus" sita ni Tin habang nakatuon sa sandamakmak na pagkain na dala ng tatlong magkakaibigan.

"Musta pre?" Tanong nung Peter.

"Okay lang. Nuod kayo mamaya nila Matthew ha. VIP table kayo" sagot naman ni Marcus.

"Try ko pre. Wala kasi kasama sa bahay si Samuel kapag umalis ako eh" -Peter.

"Ikaw talaga! Masyado mo naman binebeybi si Sam! Kaya hindi nagkakaboyfriend eh" pang-aasar ni Marcus.

"Tumigil ka nga Marcus! Osya text nalang kita kapag makakapunta ako" kaagad na sagot nung Peter at mabilis narin umalis.

"Oyy cheekbone! Hintayin kita mamaya ha. Wag mo ako iinjanin. Labyu!" Malakas na sigaw ni Leonardo sabay takbo nilang dalawa ni Marcus.

Pinagtinginan tuloy ako ng mga estudyante. Buset!

Author: Malapit na po ang Book 3 ng One More Chance at ang Continuation ng Anghel sa Lupa.

Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa sa mga stories ko po.

Bubei Yebeb

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon