Huwag ka na ngang mag-inarte pa diyan! Halika na!

761 36 2
                                    

Yakap sa Dilim.

Yvan Marcus PoV

Pagkatapos kong magbayad sa cashier ng tuition fee ay naglakad lakad muna ako dito sa loob ng school at nung nakaramdam ako ng pagod ay naisipan kong magpunta sa canteen. Marami rin palang mabibili dito sa loob. May mga stall ng tacos, hotdog sandwich, pizza at kung anu-ano pang short order para sa mga estudyante.

Malaki talaga pinagkaiba ng school dito sa school ng Canada. Sa Canada kasi walang uniform. Kahit ano pwedeng isuot. Dito ang daming arte. Kung hindi nga lang dahil kay Daddy ay hindi ako babalik dito eh.

Sabagay, kasalanan ko rin naman dahil naging wild ako dun. Pero normal lang naman yun sa mga kagaya kong teenager diba? Kung ikukwento konpa kasi ang dahilan kung bakit bigla akong pinabalik ni Daddy dito sa Pilipinas ay baka maka-sampung PoV pa ako. Shortcut nalang. Nagkaroon ng gulo at sangkot ako - kickout ako. Oh ayan - siguro naman nakapag-imagine na kayo ng katarantaduhan na maaring nagawa ko.

Habang patuloy akong naglalakad ay napansin ko yung katulong namin. Denis ata pangalan nun. Nakaupo siya at nakaharap sa laptop. Kaya siguro ang kapal ng salamin nun dahil laging nakatutok sa kalaki laking laptop na yun! Malaki talaga! Old model na yun sigurado. Yung laptop ko kasi ay yung bagong labas ngayon ng accer. Yabang ko nu? Totoo naman kasi.

Iniwas ko ang tingin ko nung napansin kong may lumapit sa kanyang lalaki. Ano ba namang klaseng pag-iisip tong si Denis at naisipang pumatol sa lalaking yun! Mukhang aso! Di hamak naman na mas gwapo ako dun!

Habang patuloy akong naglalakad ay inilabas ko ang cellphone ko. Fb lang. Ka-chat ko rin kasi si Aaron. Yung tropa kong pinoy din na nasa Canada. Nabanggit niyang uuwe din daw siya dito sa Pilipinas at pinag-uusapan namin na magkita kami para makapagkwentuhan.

Bigla ko nalang naramdaman na may bumangga sakin. Ang yabang nga eh. Pinandilatan niya ako ng mata ay may sinasabi. Di ko na pinatapos pa ang sinasabi niya. Sinapok ko na agad siya dahilan para bumulagta siya sa sahig.

Siya na nga nakabangga siya pa galit! Naglapitan ang mga kaibigan ng lalaking nakabangga sakin. Tiningnan ko sila ng tingin na anuman ang naisip nilang gawin ay lalaban ako. Di ko sila uurungan noh!

Sinulyapan ko ang pwesto ni Denis. Nawala siya. Tiningnan ko ang daan papuntang bleachers, wala din. Napansin kong lalapit na ang guard samin kaya mabilis na akong tumalikod at naglakad papalayo dun. First day na first day ko dito - gulo agad.

Ilang sandali ang lumipas ay napagpasyahan ko ng umuwe. Nagsimula na akong maglakad papalabas ng madako ang atensyon ko sa mga naglalaro ng basketball sa isang open court ng school. Pinanuod ko muna sila habang nakatayo ako sa harapan ng isang pintuan. Di naman siguro ako makaka-istorbo dito kasi may nabasa akong nakasulat na - DO NOT ENTER. AUTHORIZED PERSONNEL ONLY. Wala nanaman sigurong papasok pa dito kasi hapon na hapon na.

Nasa kawilihan ako ng panunuod nung bigla kong naramdaman na may bumangga nanaman sa katawan ko. Buti nalang ay di gaanong kalakasan. Babae siguro kaya mahina.

"Ayy puke!!!" Malakas na sigaw niya.
"What the fu!! You!!? What are you doing there!?" Takang tanong ko nung makita kong si Denis iyon.

Tinuro ko sa kanya yung signboard ng pintuan. Nagdahilan kasi siyang naghahanap siya ng comfort room. Kadami daming namang comfort room sa canteen at sa bawat floor ng building. Bakit dito pa niya naisipang maghanap?

Mabilis na siyang nagpaalam. Magtatanong pa nga sana ako pero nagdire-diretso na siya palabas ng gate.
Matapos yun ay may lumabas din na isang lalake sa pintuan. Nagpalinga linga muna siya bago tuluyang magpunta sa hagdanan papuntang second floor.

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon