Denis Lindey Point of View
"Rose oh! Bbq bagong luto" sabay salpak ko sa bibig niya.
"Araaaaaaaay! Ang init!" sigaw niya nung naipasok ko sa bibig niya ang bbq.
"Talagang papasuin ko yang bunganga mo Rose!" banta ko sa kanya. Buti nalang ay naglakad na papunta sa cottage si Sir Yvan at nakihalubilo na kina Kuya Fred.
"E ano naman kung malaman ni Sir Yvan? Wala naman magagawa si Sir sa kung anong desisyon mo eh" sabi ni Rose habang naglalakad kami papunta kina Kuya Fred.
"Basta. Ikaw na bahala bukas ng gabi ha. Tulungan mo ako sa pagtakas sa bahay. Ilalagay mo na agad ang mga damit ko dun sa likod ng basurahan para hindi masyadong halata" mahabang paliwanag ko sa kanya.
"Oo na. Palaging mag-iingat ha..." -Rose.
"Halika na kayo dito Rose, Denis. Para naman maging masaya itong kwentuhan namin" ani ni Kuya Fred at nilapagan agad kami ng tagay.
"Dito ka maupo Sir oh" paggiya ni Rose kay Sir at itinabi niya sakin si Sir.
"Yieeeeeee! Kinikilig talaga ako" irit ni Rose at itinulak si Jovert.
Nagpatuloy na muli ang pagtatagay ni Kuya Fred. Sa tuwing nakakalimang ikot ng baso at nalusong kami sa napakalamig na tubig ng pool. Galing pala talaga sa batis ang tubig nito. Sobrang lamig at napakalinaw ng tubig.
"Sir Yvan shot mo po" pagtawag ni Kuya Fred.
"Sir ganda ng chikabeybs oh" sabay nguso ni Jovert sa mga babaeng umahon mula sa pool.
"Ayy hindi mo type Sir?" panghihinayang na tanong ni Jovert.
"Hindi talaga maaakit ang puso kapag may natatanging laman na" makahulugang singit ni Kuya Fred.
"Diba Denis?" Kuya Fred.
"Po?" -Ako
"Wala. Sabi ko shot na!" kasunod nun ay ang pagtawa ni Kuya Fred. Napansin ko ring ngumiti si Sir Yvan.
"Hindi mo maiintindihan iyon Denis kaming mga lalake lang nakakaalam nun" dugtong pa ni Kuya Fred at nag-apir silang dalawa ni Sir Yvan.
"Marami rin kayong hindi naiintindihan samin" singit naman ni Rose.
"Oo. E mga pabebe kasi kayo!" kantyaw naman ni Jovert at nagtawanan sila.
Lumipas ang ilang oras na napakasaya naming lahat. Habulan, paunahan sa paglangoy, kwentuhan at asaran ang nangyari saming lahat. Pati nga sila Sir Anton ay nakisali na rin sa mga kalokohang naiisip namin eh.
"Alam mo Denis hindi bagay sayo yang suot mong singsing... Mas bagay yan kung pure gold" puna ni Sir Anton sa suot kong singsing nung aktong ininom ko ang inabot na tagay ni Kuya Fred.
"Mas bagay sa mga katulad namin Denis yung ganito oh" sabay pakita ni Maam ng suot niyang napakagandang singsing. Pure gold at kinang na kinang ang dyamante sa gitna nito.
Napangiti nalang ako sa narinig ko sa kanila.
"Hindi naman po mahalaga yung itsura ang importante po ay yung taong magbibigay at yung pakiramdam habang binigay po" nakangiti kong sagot sa kanila.
"Mukhang inlove na inlove talaga si Denis. Napakaswerte naman ng taong iyon" dugtong ni Sir Anton.
"Mas swerte po ako sa kanya Sir" malawak na pagkakangiti kong sagot sa kanila.
"Basta Denis ang pinaka-importante sa lahat ay yung susundin mo ang puso mo. Dun palang panalo ka na" huling narinig ko sa mommy ni Sir Yvan at sabay na silang tumayo ni Sir Anton.
BINABASA MO ANG
Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong Love
RomanceMagandang Araw! Eto po yung susunod na story na gagawin ko pagkatapos ng AMKB. Chapter I lang po muna ang ipa-publish ko. Kapag po marami nagka-interes po dito - itutuloy ko po. Maraming Samalat po!