Hiding inside myself
Denis Lindsey PoV
Sumama ako kay Tangkad. Ewan ko ba pero kusa ng kumilos ang katawan ko at nagpaubaya ako sa kanya. Nandito ngayon kami sa rooftop. Nakaupo si Tangkad sa lapag at ako naman ay nakadungaw sa pasilyo.
"Upo ka" tipid niyang sabi sakin.
Bahagya akong umurong at naupo. Magkatabi na kaming nakaupo habang nakapatong ang bag ko hita ko.
"Nga pala, Powell Jake "PJ" for short" sabay lahad niya ng kamay saken.
"Denis Lindsey" pagpapakilala ko rin sabay abot sa kanyang kamay.
Hindi naman ito ang unang beses na nahawakan ko ang kamay ng Tangkad na to. Sa simbahan yung una, pero bakit parang naiilang ako? Normal ba yun?
"Salamat nga pala sa pagtatanggol sakin kapag pinagtitripan ako nung mga yun" tukoy ko sa grupong laging nangtitrip sakin.
"Ah.. Wala yun. Kahit naman sino gagawin yung ginawa ko kapag nakakita ng ganon" nakangiti namang sagot niya.
Nagkwentuhan kaming dalawa. Naikwento ko sa kanya na bago lang ako dito sa Cavite at nasabi ko rin na kasambahay kami ni nanay ng isang pamilya. Hanga nga siya sakin eh. Napagsasabay ko raw ang trabaho at pag-aaral.
Nagkwento rin siya ng tungkol sa kanya. Basketball player pala siya. Sabagay, sayang ang pagkatangkad niya kung hindi niya magagamit sa sports.
"Ikaw? Anong hilig mong sports?" Ganting tanong niya sakin.
"Billiard..." -Ako
"Talaga? Marunong ka nun? Laro tayo minsan!" Masayang reaksyon niya sa sinabi ko.
"Oo ba! Kapag may freetime" ngising sagot ko naman.
Kinuwento niya sakin yung mga kaibigan niya. Si Lorenze at si Mike. Bestfriends daw niya yung dalawang yun. Mababait daw kaya sana daw makilala ko siya. Nabanggit din niya yung pangalan na Danica pero di sya masyado nagkwento tungkol dun - bukod sa nasabi niya mabait daw yung babaeng yun. IT pala ang kurso niya.
"Pwede patingin?" Sabi niya sabay hubad sa suot kong salamin.
"Nakakalula naman tong grado neto.. Malabo talaga mata mo dati pa?" Tanong siya sakin.
"Oo. Matagal na itong salamin na to. Kapag nakaipon na ako - magpapagawa ako ng bago" ngiting sagot ko sa kanya sabay kuha ng salamin at sinuot ko ulit.
Naging magaan na ang loob ko kay Powell. Nakakawili palang siyang kakwentuhan. Parang di nga nauubos eh. Di nababakante ang oras laging may kasunod at naiisip na tanong.
"Yung kasama mo sa Jollibee nung isang araw..."
"Ahh.. Si Edward. Kaibigan ko yun. Actually kakakilala ko palang din sa kanya nung bagong dating ako dito" mabilis kong putol sa sinasabi niya. Nakita ko rin kasi sila sa jollibee nung oras na iyon. Di pa kami magkakilala ni Powell kaya di ko siya pinapansin. Tinatanong nga ako ni Edz kung bakit nakatingin sakin si Powell eh. Nagtaas balikat nalang ako.
"Oh pano? Una na ako. Baka pagalitan ako ni nanay kapag ginabi ako ng uwe. Baka matrapik sa tejero" paalam ko sa kanya at mabilis na akong tumayo at pinagpag ang suot kong pantalon.
"Wait..." Sabi niya at tumayo rin.
"Kunin ko number mo" mabilis niyang sabi nung matapos niyang kunin sa kaliwang bulsa ang cellphone niya.
"091796870**"
"Sakto globe! Sige... Ingat ka" nakangiti niyang sabi sakin.
Nginitian ko siya at nagsimula na akong bumaba. Wala palang ibang napunta ditong estudyante. Tahimik na tahimik kasi at sa totoo lang nakakatakot. Kung anu-ano nga pumapasok sa isipan ko habang nababa ako ng hagdan eh.
BINABASA MO ANG
Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong Love
RomanceMagandang Araw! Eto po yung susunod na story na gagawin ko pagkatapos ng AMKB. Chapter I lang po muna ang ipa-publish ko. Kapag po marami nagka-interes po dito - itutuloy ko po. Maraming Samalat po!