Chapter 1 - The Only Exception

375 16 0
                                    

Bee's POV

Nagising ako dahil sa ingay sa loob ng kwarto. Simula umaga ay masama na pakiramdam ko. Nanakit ang puson ko at laging naduduwal. Dymenorrhea, pinakamatinding kalaban ng kababaihan.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Napakagulo ng kwarto. Halos nasa baba ng kama lahat ng mga unan ko.

Nag-wrerestling sina Vaugn at Louis, habang si RJ ay nakatutok sa harap ng desktop ko at naglalaro ng DOTA. Nang subukan kong bumangon, bigla nahinto ang aking paggalaw.

Napangiti ako ng makita kong mahimbing ang tulog ni Theo sa tabi ko. Yakap yakap nya ang braso ko at isinisiksik ang ulo sa leeg ko.

"Hoy...may natutulog, manahimik nga kayo. Tatamaan kayo sakin." Banta ko sa iba. Ayokong magising tong katabi ko dahil sigurado akong pagod to sa byahe.

"Bee...gising na please... nagugutom nako. Kinain ni Louis lahat ng pasalubong ni Theo." pagsusumbong sakin ni   Vaugn.

"Tsk. Ilang oras lang akong natulog, nagkakagulo na kayo?! Jay, bumili ka nga ng pasta sa 7/11 para mayari ko na ang Spaghetti." dahan dahan kong inalis ang pagkakapit ni Theo sa braso ko. Maingat akong bumangon para di ko ito madistorbo.

Hindi ko nakuha ang atensyon ni RJ, kaya nagsimula na akong mainis. Pinatay ko ang CPU at sa wakas napasin na rin nya ako.

"Naman Bee." angal ni RJ, halos mangiyak ngiyak na.

"Bibili ka ba ng pasta o ipapakain ko na lang tong  kamao ko sayo?" 

"Oo na!Oo na! Anak ng pucha na naman oh." padabog pa itong kumilos.

Buong akala ko ay umalis na si RJ nang bigla naman itong nagsisisigaw sa iba. "Guys! Red alert!"  kinuna nya pa ang towel ko at tinakpan ang pangibaba kong katawan.

"Gising Theo, nasa Red Sea ka!" ginigising ni Louis ang natutulog na si Theo pero parang mantika itong matulog.

Nawindang ako ng nakita ko ang mga pulang mantsa sa hinigaan ko sa tabi ni Theo.

"What the F*ck! Everyone! Get out!"
Napabaliwas si Theo sa sigaw ko. Agad naman syang hinila ng tatlo palabas.

Potek. Natagusan na naman ako!

Normal na pangyayari nalang to sa aming magkakaibigan. Syempre kahit one of the boys ako, buwan buwan pa ring may nagpapaalala na babae pa rin ako.

Ako si Bianca Elise Enriquez.

Ulila na ako sa magulang.  Kuya Blaze, my only brother died 3 years ago. Ganun pa man, di ako iniwan ng mga kaibigan ko. Sila ang tumayong pamilya at sandigan ko ng nawala sakin ang lahat.

Tumunog ang alarm ko.  4:30 ng umaga, araw ng Lunes, pinakiramdaman ko muna ang paligid ko. 

Nakasiksik ako sa kili-kili ni Louie, habang si Theo naman ay akap akap na parang unan ang bewang ko. Si RJ ay nakahiga ng pahalang sa  paanan namin habang si Vaugn ay nasa baba na ng king size bed ko. Ito lagi ang itsura namin sa umaga. Siksikan kami sa kama ko simula pa nung mga paslit pa kami.

Tahimik akong bumangon. Pagkatapos kong maligo, nagsimula na akong magluto ng almusal.Sa loob ng maraming taon naming pagsasama, memoriado ko na ang lahat tungkol sa mga matalik kong kaibigan. 

Paborito ni Louis ang  bacon. Mahilig naman si RJ sa sausages. Ang gusto ni Theo ay half cook lang at perfect shape ang sunny side up nya. Samantalang si Vaugn ay ok na sa brewed coffee.

Pagsapit ng 6am, lalabas na ng banyo si Vaugn, at sinisimulan ko ng gising ang iba. Para magising sina Theo at Louis, ilalagay ko lang naman sa mismong mga tenga nila ang mga cellphones nila. Mag aalarm ito sa highest volume ng 6:15.

She's All ThatWhere stories live. Discover now