(Blaze and Theo Above)Flashback
(Christmas 2015)
Bee's POV
Halos maduling ako sa mga nagkikislapang Christmas lights na pinalilibutan ang buong roof top. Napakaganda nila. Pinagmamasdan ko ang mga ito habang nakapatong ang mga braso at mukha ko sa mesa. Ilang sandali lang, biglang nagdilim ang paningin ko nang may nangahas na takpan ang parehong mata ko. Malamig ang mga kamay nito. Napangiti ako nung nahulaan ko na agad sa isipan ko kung sino ito.
"Nahirapan ako sa paghahanap ng ireregalo sayo this year." sabi pa ni Louis.
"Ako rin naman... nahirapang maghanap nang ireregalo sa inyong apat. tsk. Tama na yang pabitin, alisin mo na ang pagkakatakip ng kamay mo sa mga magaganda kong mata." tugon ko sa kanya. Narinig ko agad ang malamig nyang tawa. Napangiti akong muli. Sarap pakinggan ng tawa ni Louis.
Isang halik sa pisngi ang gumulat sakin. Syempre wala pa rin akong makita dahil parang trip ni Louis na mas maging makulit at nanatili pa rin sa pagtatakip ng mga mata ko.
"I'm sure you will like my gift this year Noona." dinig kong boses ni Theo. Ngumiti na naman ako. Kinapa ko ito sa tabi ko at hinila para umupo. "What's with you bro? Bat ayaw mong alisin yang mga kamay mo sa mata ni Bee?" tanong pa niya kay Louis.
"Hehehe. Kunwari ka pang hindi alam..." mapagbirong usal ni Louis.
"Bee... Aalisin na ni Louis ang kamay nya pero papalitan nya ito ng piring ok?" boses ito ni Vaugn.
"Hoy Amazona! Subukan mo lang sumilip, talagang malilintikan ka sakin!" banta pa ni RJ sakin.
"Shut up Jay! Just get over with this guys... Pabitin pa kayo. Tss. Mabilis na nag-iinit ang ulo ko!" nagkunwaring nagagalit ako.
"Tsk. Christmas na christmas nagsusungit ka?!" syempre, walang tatalo sa kasungitan ni Louis.
Maya maya, narinig ko na ang background music na parang isang familiar na christmas song.
"Tanggalin mo na ang piring mo Bee!" sigaw pa ni Vaugn. Nanlaki ang mga mata ko at kinuha agad ang cellphone ko para videohan sila.
Jingle bell, jingle bell
Jingle bell rock
Jingle bell swing
And jingle bells ring
Snowin' and blowin'
Up bushels of fun
Now the jingle hop has begun"Nyahahaha!" halos sumakita ng tyan ko sa kakatawa. Pano ba naman kasi, sumasayaw sila nang suot ang custome na pangbabaeng santa. Naka black stockings pa ang mga ito at boots. Idagdag mo pa ang mga makukulay nilang wigs!
What a bright time
It's the right time
To rock the night away
Jingle bell, time
Is a swell time
To go glidin' in a
one horse sleighGiddy-up, jingle horse
Pick up your feet
Jingle around the clock
Mix and mingle
In a jinglin' beat
That's the jingle bell rockHalos gumulong na ako sa kakatawa sa kinauupuan ko. Mabuti at mag-isa lamang ako nandito. Hahaha. Ito ba ang sinasabi nilang Christmas gift? I could say... This is the best Chrismas present ever!
Matapos nilang sumayaw ay nagpost pa ang mga ito at bigay na bigay sa pag-eemote sa kanilang mga outfits. Pffft. Hindi matapos ang tawa ko. Matapos silang magbihis ay regalo ko naman ang dinistribute ko. I made a charm bracelet for them. Isa isa kong sinuot ang mga pinaghirapan this past few days. As usual, tuwang tuwa ang mga ito.
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...