Chapter 44 - The Start

57 8 0
                                    

(Jan Theo above)

Theo's POV

Hindi maalis ang tingin ko sa folder na nilabas ni Bee galing sa bag nya.

"Report?" tanong pa ni Louis.

"Oo. Pagkatapos natin kumain Lou. Papanhik din si Alvin rito para sunduin ang kambal."

Sabay sabay kaming lumabas sa Infirmary. Akay akay namin ni Louis si Bee. Tuwang tuwa pa ito habang sinasadya pang magpabigat.

"Tss. Ang kulit kulit mo kahit injured ha." sita pa ni Louis sa kanya. Halik sa pisngi lang ang natanggap na sagot nito galing kay Bee.

"Namiss kita baby boy." sabi nya pa sakin at hinalikan rin ang kanang pisngi ko. "Nasakatan ako ng todo sa mga inasal nyo ha. Sinong nagturo sayong maging masungit?" napangiti ako sa sinabi nya at itinuro si Louis.

Inupo namin sya ni Louis nang marahan sa isa sa mga upuan sa dining area at pinagitnaan namin. Napakarami pa lang inorder n pagkain si Mr. Perfect. Halos malula ako. Nagsilabasan na rin ang iba pa naming kaibigan kasama ang kambal.

"Unni... Please convince Daddy for us. I wanna stay here tonight." pagmamakaawa pa ni Mica kay Bee.

"Ate Bianks... He is so mad after I told him what happen. At nasisiguro ko mas magagalit pa iyon kung makikita nya tayong tatlo sa ganitong lagay." dagdag pa ni Geneva.

"You are worrying for nothing. Ako bahala sa daddy nyo." sabi pa ni Bee sa kanila. Mabilis naman sumilay ang mga ngiti nila sa mukha.

"So... Lets eat?" yaya pa ni Vaugn. Syempre, katabi nito si Liza Noona.

"Hooray! Kanina pa nag iiyakan ang mga uod ko sa tyan! Hihihi." hiyaw pa ni Meji sabay kuha ng buong letson manok.

Napangiti ako nung nagsimula na naman si Bee sa pagaasikaso sa amin. Namiss ko to. Nilagyan nya ng puro drumsticks ang plato ko samantalang puro wings ang kay Louis.

"Napapasalamat ako dahil nandyan na si Liza... At tatlo na lang ang alaga ko." usal pa nito habang nakangiti sa amin. "Namis ko rin kayong alagaan ha. Nakakalungkot ang kumain mag-isa." dagdag pa nya. Pinisil pisil pa nito ang pisngi ko at pagkatapos ay pinagtutuhog ang thighs para kay RJ. Inilipat nya ang plato nya sa kaharap na si RJ.

"Thanks Bee."

"Hindi ka na mag-iisang muli Beybee." sabay akbay pa ni Louis sa kanya. Mabilis na napangiti si Bee sa sinabi nito.

"Kumusta nga pala ang Boracay, Oppa?" tanong pa ni Bee habang nasa kalagitnaan kami ng kainan.

"Hayun... Napakaganda, pero di naman namin nagawang magenjoy dahil may iba kaming ipinunta ron. " paliwanag pa ni Mr. Perfect sa amin.

"Hyung... mag-beach din tayo sa birthday ni Louis." suhestyon ko pa. Sa makalawa kasi ang Birthday nang pinaka malapit sa akin sa apat. Si Louis.  Jetski ang naisip kong iregalo sa kanya this year. Kasabay sa Christmas eve ang kaarawan nito, kaya hindi nakakaligtaang i-celebrate ng tropa.

"Oo ba. Bora ba ang gusto nyo o mag palawan naman tayo this time?" sagot pa ni Vaugn sakin. "This year is special...cause... I'm officially taken." nakangisi pa itong tumitig kay Liza.

"Lets end this year with a bang!" wika pa ni RJ.

"I would suggest if we just have a solemn dinner on the christmas eve and then lets head to Palawan on the 26th Oppa. I want Louis' birthday celebrated here." nakangusong usal ni Bee sa tabi ko. Ginulo naman ni Louis ang buhok niya.

She's All ThatWhere stories live. Discover now