Bee's POV
"San?" sabay sabay naming tanong lahat.
"Secret. Tinignan ko lahat ng schedules nyo. Wala kayong laro lahat bukas. I made a reservations long ago. Pinaayos ko rin kay Peachy lahat ng gamit nyo at parating na si Sebastian para sunduin tayo." paliwanag pa ni Mr. Perfect. Si Sebastian ang butler namin.
Halos tatlong oras din ang binyahe namin papuntang private hotspring na nireserve ni Vaugn. Napaganda ng lugar kahit sa gabi. Matapos mag dinner, hinatid kame ng staff sa tutuluyan namin. Tumambad samin ang isang hotspring pool, at may jacuzzi pa ito. May mga kwarto rin ito at isang malaking multi purpose hall sa tabi ng pool. Parang halos isang buong bahay pala ang nirenta ni Vaugn. Sinet-up nila Vaugn ang mga gamit, sound system at ihawan. Ang dami pala nilang dala.
"Wow. This is so cool Oppa." sabi ko pa sa kanya habang inilalapag lahat ng mga dala naming lutong pagkain sa napaka laking buffet table.
"Hahaha. I know you'll say that." sabi pa nya.Nakita ko agad na naghubad ang mga boys maliban kay Vaugn ng damit at mga nakashort na tumalon sa mainit init na pool. Pambihira.
"Wooooh! The best ka talaga Oppa!" sigaw pa ni RJ na umaastang parang bakla. Dirty finger lang ang sinagot ni Vaugn sa kanya. "Nyahaha."
Pumasok muna kami ng mga girls sa loob ng kwarto kasama si Meji at nagbihis. Syempre, siguro ngayon ay ok lang mag-bikini dahil kami kami lang.
"Hoy Meji! San ka pupunta!?" ponigilan sya agad ni Louis.
"It's a girl thing Oppa!" sagot pa ni Meji. Nagtawanan kame. Papasok na rin sana si Meji ng hinarang din sya nina Theo at RJ.
"Hep, hep , hep!" sabi pa ni RJ pa nito kay Meji habang hawak ang damit nito.
"Where to Mej?" tanong pa ni Theo. Inakbayan pa nya ito.
"Mga Oppa, magbibikini din ako! Ayokong sumama sa inyo. Baka molestyahin nyo lang ako." sabi pa nito. Nagtawan ulit kami kasama pa sina RJ at Theo.
"Hayaan nyo na yan. Woi Meji! Siguraduhin mo lang na 100% kang bading ha." naniniguradong usal ni Vaugn
"Excuse me Oppa! 200% akong dugong Berde! I'm a descendant of Dugong!" sabi pa nito habang kumikembot kembot pang naglakad papasok.
"Hahaha." dinig pa rin namin ang tawanan nila kahit nasa kwarto na kame.
"What the---. Unni ang dami mong Bikini?" sabi pa ni Mica sakin.
"Oo eh. Si Peachy nag-ayos ng gamit ko. Tss. Medyo gusto nun na maging girlie ako eh. Pili na! Wala pa akong naisusuot jan. Kasi naman, alam nyo strikto ang apat sakin. Ngayon pa nga lang ako magbi-bikini."
"Oh Yah. Nung nagpunta kami Mi sa Ilocos, kaming mga girls naka bikinis, si Bee, naka rush guard!" dagdag pa ni Geneva. Nakakatuwa talagang parang magbestfriend agad ang dalawa. Kanina pa silang nagchichismisan sa coaster.
"I'll take this one." kinuha ni Liza ang violet na Bikini ko.
"Bagay yan sayo kambal. This Black one looks good on you Genie, At yung yellow ang sayo Mi."
"We have our own Bee. Hehehe at suot na namin. Hahaha!" sani pa ni Crissa at nagsimula silang maghubad ni Megan sa harap namin nag bigla nilang tinignan si Meji.
"You. Get out!" taboy pa ni Megan kay Meji.
"Ewww Meg. Anong akala mo? Mapapatuwid mo ako sa alindog mo?!" sabi pa ni Meji. Hahaha.
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...