Chapter 40 - Dark Days

40 7 0
                                    

(Louis and RJ above)

RJ's POV

Alas otso na pero wala pa rin si Bee. Mababaliw na ata kaming tatlo. Nakita ko pang binato ni Louis ang hawak nya bote sa kung saan. Mainit ang ulo nito. Hindi na maalis ang kunot ng noo ni Theo simula ng sumama si Bee sa kapatid ni Mica. At ako? Heto nagmamaktol din. Pare-pareho kaming hindi naghapunan. Walang may ganang kumain. Walang gustong magsalita at tangin paginom ng tahimik ang trip namin ngayong gabi. Masakit at magulo. Hindi kami makaisip ng dahilan kung bakit sumama si Bee sa lalaking yon. Walang usapan ang tropa ng kahit na anong mission. Tangin tawag lang galing kay Vaugn kani- kanina lang na hindi raw siya makakauwi ng ilang araw dahil may pinuntahan silang family gatherings ni Liza. Itong isang to, nagkataon pang wala kung kelan nagkakaganito kami.

"Pano kung biglang mapahamak si Bee?" binasag ni Theo ang katahimikan.

"Hindi ko alam. Siguro naman, kinalkula nyang kaya nyang patumbahin magisa ang mga tauhan nung lalakeng yon bago sya sumama dun." sagot ko pa sa kanya.

"Kung malalagay sya sa panganib this time, mas magagalit na ako sa kanya." sabi pa ni Louis. "Choosing him over us?!" sya ang pinakagalit kay Bee sa aming tatlo. "This is unbelievable. Extremely crazy. Hahaha." parang baliw na nagpakawala ng mapait na tawa habang lumuluha. Nabaliw sa pag-ibig.

Matatawag kong Team Sawi ang grupo naming ngayon. Heto kaming tatlo, nagpapakalasing habang hinihintay ang nag-iisang pinakamamahal naming babae na bumalik sa amin. Ang tanong, babalik pa kaya yun?

Biglang tumunog ang telepono ni Louis. Mabilis nito sinagot ang tawag sa pagkakaalam na baka si Bee ang tumawag.

"Hello! Bee!" mabilis na nagrelax ang features nya ng ilang sandali. "Alvin. Sige." at pagkatapos ay ni-loud speaker niya ito.

"Guys. Nasaan si Bee?" tanong ni Alvin sa kabilang linya.

"Sumama sa asong yun." mahinabg sagot ni Theo.

"Ehem." tumikhim muna si Alvin bago nagpatuloy. "I believe she's doing her part in the mission."

"What mission?!" sabay sabay naming tanong.

"This is her sacrifice. And its time that you also do your share. I'll explain everything tonight."

Ipinaliwanag ni Alvin ang lahat sa amin, nung una ay wala ni isa sa amin ang sumangayon. Halos maibuhos na nga namin kay Alvin ang lahat ng galit namin dahil sa ipinagawa nya kay Bee, ngunit sa huli ay nakumbinsi rin nya kaming pumayag sa plano nya. After all... Kami ang magbebenefit nitong lahat sa huli.

Alas otso imedya na ng buksan ni Theo ang tablet nya. Konektado ito sa CCTV ng buong bahay. Nagitla pa kaming tatlo ng makita namin na nasa control room si Bee at kasalukuyan kaming pinapanuod tatlo sa screen.

"Baket!? Sa anong dahilan!" biglang sigaw ni Louis. Tinitigan niya kameng pareho ni Theo na parang may mensaheng ipinaparating. Nakuha naman namin agad yun. Aarte kame habang pinapanuod kame ni Bee sa camera.

"Lou, hindi ko rin alam. Pero ang sinasabi ko lang ay sana bigyan natin sya ng pagkakataong makapagpaliwanag!" sagot ko pa sa kanya. I tried hard to sound very effective.

"Sumama sya sa kalaban." mariin sambit ni Theo. May galit sa mga mata nito. Hindi mo makikitaan ang mukha nito na pinepeke namin ang mga sandaling yun. Pwede na nga siguro kaming maging artista kung sakali.

"Mas pinili nya ang kalaban. Mas pinili nyang sumama sa asong yon! I told her not to get near that asshole again! She's so hard headed." sabi pa ni Louis. Woah... Lou... Hindi mo sinabing pang best actor pala yang talent mo sa pagaarte. Bigyan ng jacket yan! Hahaha.

She's All ThatWhere stories live. Discover now