(RJ above)
Vaugn's POV
Nagising ako sa masarap na simoy ng hangin. Tama. Nasa Boracay nga pala kami. Naiwang nakabukas ang terrace kagabi. Napangiti ako nang masilayan ko ang babaeng pinakamamahal ko na yakap yakap ko ngayon. Mahimbing ang tulog nito sa mga bisig ko. Ilang minuto ko rin syang pinagmasdan at nagising na rin ito. Napakaganda talaga nya.
"Goodmorning Loves." bati ko pa tsaka hinalikan sya sa labi. Tinakpan nya agad ang bibig nya.
"Loves naman. Di pako nagto-toothbrush!" pinalo pa ako nito sa braso.
"I don't mind." tsaka ninakawan muli sya ng halik sa labi.
Nauna akong bumangon. It's past 8 in the morning. I think everyone's awake. Mabilis kong kinuha ang wireless phone sa kwarto at tinawagan ang reception para magpahanda ng private breakfast para sa lahat. Nagulantang ako nung patakbong tinungo ng kasintahan ko ang banyo.
"Arghhhh." dumuduwal ito. Bigla akong tinamaan ng hysteria.Could it be?!
RJ's POV
Nagising ako dahil para bang may nagmamasid sa akin. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Naaninag ko agad ang batang Bee. Napangiti ako. Nakapatong ang baba nya sa mga brasong nasa kama. Ang cute cute nya talaga. Hahaha. Maya maya ay lumipat ito ng pwesto at si Theo naman ang pinagdiskitahan. Mas lumawak ang ngiti ko. Nung nagising na rin si Theo, si Louis naman ang nilapitan nya. Natatawa ako sa itsura ni Erica. Sa kilos at manuerism, kuhang kuha talaga nya ang Tita nya. Pambihira. Hinalikan nito sa labi ang tyahin upang magising ito. Dahan dahan namang iminulat ni Bee ang kanya mga mata.
"You all wake up late." sambit pa ni Erica. Parang nakakatamda na pinapagalitan ang mga nakababata.
"Pffft." pigil na tawa namin ni Louis.
"I'm sorry baby. Wait here, I'll be right back." humingi ng paumanhin si Bee sa pamangkin. Bumangon na ito at tinungo ang banyo.
Tinungo ni Theo ang terrace samantalang si Louis at humilata sa sofa habang hawak hawak ang guitara nya. Kinuha ko ang pagkakataon upang mag push-up.
"1,2...1,2..1,2..." nagitla ako nung umupo sa likod ko si Erica. Nakita ko ang nakakalokong ngiti ni Louis. Inutusan siguro nito ang bata.
"Tito Louis said, you will become more stronger if I sit here, Tito Ryan."
"Arghh... Yes baby girl. He's right. Stay right there. I will be finish in a minute...Arghhh." hirap na hirap ako sa pag pupush-up. Walang hiya talaga tong Mr. Sungit na to.
Ilang sandali pa ay lumabas na si Bee sa banyo. Nakaligo at bihis na ito. Halos di ko maisara ang bibig ko sa pagkamangha sa kanya. She was wearing a lavander maxi dress. Naka Wayferers at nakalugay lang ang buhok. Nakalimang lunok din ako nung masilayan ko ang batok nya. Such a turn on. Oh God...
I came to my senses when I realize that I was pumping so fast."1,2...1,2...12...1,2...1,2...12...1,2...1,2...12..." magdidileryo ata ako mamaya sa pagod. Putakte!
"Wow Tito Ryan! It is really true! You became stronger!" puna pa ni Erica na nanatiling nasa likod ko pala.
"Erica... You come here. I'll fix your hair while we are waiting for the maidens." malambing na yaya ni Bee sa bata. "Baka kasi matatagalan ang mga dalaga sa pagbibihis." sarkastikang usal na. Tumayo na rin ako at huminga ng malalim ng ilang beses. What a morning! "Yah! Papasok ba kayo ng banyo o sisipain ko kayo isa isa dun! Magugutom na ang bata sa tagal nyo!" hasik ni Bee sa amin. What a turn off. Hahaha. Amazona.
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...