( BEE on top)Bee's POV
Nung dumating kami sa gym, wala itong ka-tao tao. Alas-otso gagamitin ito para sa mga School Executive at alas kwarto na ng hapon kasaluluyan.
"Haist! Anong tingin mo samin Mr. Perfect? Superheroes?" reklamo ni RJ sa kanya. Gusto nya kasing ayusan namin at i-transform ang Gym into a Grand reception hall for the executives in just 2 hours.
"You are no different to a superhero Jay. With your genius mind and exceptional capabilities, pwede ka nang si Super RJ. Hehehe." bola pa ni Vaugn sa kaibigan namin.
"Tch. Magpapangalan ka na lang, ang bantot pa. Super RJ? Wala talagang magandang taste Mr. Perfect." angal pa nya.
"Mukha ka namang mabantot Jay ah." sinimulan na ni Louis ang mang-asar. Sabay na tumawa ang dalawa sa likod nya. Bago pa lumawig ang mga asaran ay pinigilan ko na ito.
"Oh sya, sya, tama na yan mga bata. Magsimula na tayo. We have less than 2 hours to finish the job." ngumiti ako ng nakakaloko kay Mr. Perfect. Sinuklian nya ng mas makahulugan ngiti ito.
"Wag kang mag-alala Bee. Alam kong lahat ay may kapalit sayo. Paparating na ang mga iorder kong chibog para satin. Anim lang tayong magtutulungan para ayusin tong buong gym. Kaya sisiguraduhin kong solve yang mga tyan nyo pagkatapos." paliwanag pa nito.
"Ganun naman pala eh! Ang dami nyo patumpik tumpik! Nasasayang ang oras! Magsimula na nga kayo!" sabi pa ni RJ. Binatukan ko ito. "Aray naman Bee! Mashaket!"
"Kung makareklamo ka kay Vaugn kanina, wagas! Kinumpara mo pa sarili mo sa superhero. Tapos ngayon aasta kang ganyan dahil sa pagkain?" sita ko pa sa kanya. Halakhakan ng mga naggwagwapuhang lalake sa buong gym ang tanging maririnig.
"Tch. Wala naman tayong pinagkaiba ah! Di ka naman papayag na gumalaw ng walang kapalit! " akmang babatukan ko sana ulit pero hinapit na ako ni Theo sa bewang upang pigilan.
"Pffft...Tama na nga yan. Mag simula na tayo." wika pa ni Louis.
Sa isang sulok ng gym nakasalampak ang iba't-ibang kekelanganin naming paraphernalias para sa pag-dedecorate sa gym. Kelangan pa pala naming gumawa ng sangkatutak na baloons at letterings.
Si Bough ang inassign sa paggawa ng letterings dahil forte nya yun. Dahil may kakaiba kaming mga kakayahan, nakakaya naming trabahuin ang trabaho ng pang apat na tao. Kaya pala sinarado ni Vaugn ang buong gym para walang makakita sa mga ka-weirdan namin habang nagtratrabaho. Sina Louis at Theo ang nagsabit ng mga nag-lalakihang banners ng iba't ibang colleges sa ceiling ng Gym sa may tabi ng stage. Nagtataka ba kayo kung pano nila magagawa yun sa taas ng ceiling ng Gym? Sisiw lang ang mga yun sa kanila, ni wala nga kahit ladder silang ginamit.
Si RJ ang mag-isang gumagawa ng daan daang lobo. Isang daan na ang nagagawa nito sa loob lamang ng 15 minutes. Malamya pa nga yun. Ang totoo, yun ang pinaka madaling gawain sa aming lahat ngayon.
Si Vaugn ang nag-ayos ng sound system at iba't iba pang musical instruments na kakailanganin.
Ako naman ang bahala sa sahig. Para tuluyang mag iba ang Gym at magmukha parang hotel, kelangan pinturahan ang sahig nito. Syempre hindi ko sisirain ang pintura ng buong court. Kinakailangan kong takpan muna ito ng painting fabric.
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...