(Theo on top)
Theo's POV.
"Thee! Put her here." utos sakin ni Louis. Sinarado agad nito ang kurtinang nakapaligid sa OR table. Namamangha ako sa kanya. Dahil gaya ni Bee nung sya ang nasa ganitong situation, alam nito ang ginagawa nya. Kung ako ang nasa lugar nya ngayon, baka hindi na ako makagalaw. "Dont just stand there! Check her vitals!" sigaw pa nito sakin. I told you, halos hindi ako makagalaw sa sobrang pagkabigla. Ni tignan si Bee sa ganung situation at ganung karaming dugong bumabalot sa kanya ay nanghihina na ako. But I can't be like this. Ang pinakamamahal kong tao ang nasa OR table na to. I need to move. Nilabanan ko ang takot at lahat ng mga nararmdaman ko ngayon at sumunod sa mga utos ni Louis. Yes, I'll just follow Louis' orders. Gaya nung nasa Ilocos kami at nag-CPR kameng dalawa sa babaeng mahal naming pareho. I respected his judgements.
"Pulse is 90, breathing is at 21, taking the BP. 110/70. Stable.But Lou... She still profusely bleeding." halos mamutla ako nung makita kong sumisirit pa rin ang dugo sa tagiliran ni Bee. Agad ko ito hinawakan at diniinan. Wala pa ring malay si Bee.
"Vaugn!" sigaw pa ni Louis.
"Bough's type A, kinuhuhanan ko na sya ngayon. Theo... I also need you here." mabilis na sagot ni Vaugn.
Pumasok sa loob ng Theater si RJ. Di gaya kanina na panay iyak, mas kalmado na ito ngayon.
"Ako muna dito Thee. Kailangan ka ni Vaugn dun." sabi pa nya. Nagtitigan muna kami bago ko nilabas si Vaugn.
"How are you feeling? Kunan muna kita ng BP." mabilis ding kumilos si Vaugn. Tulad ni Louis, parang alam din nito ang ginagawa nya. "You're BP is ok, Thee. Kukuhanan na kita ng dugo, relax ka lang." kitang kita ko kung panu mabilis nyang sinet-up ang blood letting pack. Wala pang limang minuto ay nagsimula na ang pagkukuha ng dugo sakin. Matapos nya akong asikasuhin ay ginamot at tinahi nya ang dumudugong daplis ni Bough. Wow. Louis and him are both doing advance lessons. Parang PRO ito kung tumahi ng sugat, gaya ni Bee. Samantalang ako, puro mga gamot lang ang minemorize ko. Walang wala akong skills bukod sa basic nursing skills na natutunan ko sa PreMed ko at ang BLS na kinuha naming lima bago mag PreMed.
Hinayaan kong marelax ang isip ko. Tiwala ako kina Vaugn at lalong lalo na kay Louis. Hindi nila hahayaan mawala si Bee sa amin. Nakaramdam ako ng konting pagod sa wakas, ngunit ayaw pa rin tumigil ng isip ko sa pagaalala para sa kaisa isang babaeng minahal ko.
Louis' POV
Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mawawala si Bee sakin ngayong gabi. Marahil ay hindi narin ako mabubuhay kung nagkataon. Hinahanda ko ang lahat ng pangangailangan para sa pag-alis ng bala sa tagiliran nito. Reckless crazy girl. Pinapagalitan ko sya sa isip ko pero walang halong galit, kahit katiting man lang, ako dito. I love this girl and I will not allow her to die on my watch. Nagpapasalamat ako kay Theo dahil kinabit nya sa Cardio Respi monitor si Bee bago umalis. Hindi ako mahihirapan sa pagbabantay ng Vital signs nya. Pinagmasdan ko Si RJ. Tulala pa rin ito. Maya maya ay gumalaw na rin sya. Magtaka ako nung una kung anong gagawin nya. Nung nakita kong kinuha nya ang IV trolley, lihim akong napangiti. May nalalaman din pala ang mokong na to. Seryoso sya sa pagkapa sa mga ugat ni Bee. Panay ang buntong hininga. Sinimulan ko na ring linisin ang sugat ng pinakamamahal ko. Sinimulan ko sa pagtanggal ng upper dress nito. Sorry Liz. Usal ko pa sa isip ko habang sinisira ang damit na likha ng pekeng girlfriend ko. Tumambad sakin ang katawan ni Bee. Agad ko itong kinumutan bago pa makkta ni RJ. We saw her in bikinis many times, she was always magnificent. But this is different. She was covered with her own blood. Not a good sight to see especially to the people who love her most. Muli kong binalikan si RJ. He successfully inserted a good IV line and is now starting to run a Normal saline. He is doing great. "Nice job." puri ko sa kanya. Malamya nya akong nginitian. Puno pa rin ng lungkot ang mga mata. "We can do this Jay." tinapik ko sya sa balikat.
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...