Chaptet 13 - The Challenger

76 6 0
                                    


Bee's POV

"Vaugn! Are you alright?!" nag-aalalang sigaw ko pa.

"Im ok! Focus on your opponents everyone. Walang lalabas ng may bangas bukod sakin! Understand!" utos pa samin nito.

Ang tanging maririig mo lang ay ang mga hiyaw namin habang nakikipagbuno at sigaw ng nasasaktang kalaban. Si RJ ang may pinaka-matalas na paningin sa amin. Kaya sya ang nag-aassist sa amin habang nakikipaglaban din ito.

"Fifteen sila mga tol. Bee sa likod mo!" he warned me instantly. I immediately sense the perpetrator. Patalikod ko syang sinipa at nahuli ko ang ulo nito at pagkatapos ay tinuhod ko sa mukha. Walang malay ko syang marahas na ibinaba sa sahid.

"Fouteen more!" sigaw ko pa sa mga kaibigan ko at nagbilang din sila.

Sampung minuto na rin ang nagdaan at halos wala na rin akong maramdamang kalaban sa madilim sa sinehan.

"Three!" sigaw pa ni Theo.

"Two!" boses naman ni Louis ang sumigaw.

"One!" hingal na hingal si Vaugn. "But I want to keep this one. Patutulugin ko lang." tsaka malakas n sinapak ang nakaitim na maskarang lalake.

Pinagtulungan naming inuwi ang lalake at ikinulong sa basement. Wala munang nag-open up ng nangyaring sagupaan kanina sa movie house. Ipinagpatuloy lang namin ang routine namin sa gabi.

Nagluto ako ng mga ni-request nila at kumain kaming sabay sabay na wala munang imikan. Nung matapos kaming kumain tsaka lang kami nagplano.

Pagkatapos kong maghugas ng plato ay bumaba na rin ako sa basement at pumasok sa kwarto kung saan naroon ang mga kaibigan ako at ang captive namin.

"Sinong nag-utos sa inyo?!" sigaw pa ni RJ. Galit na galit ito.

"Hindi ko alam. Binayaran lang kami dakpin kayo. Ang sabi lang samin ay isang mayamang negosyante ang nagutos pero di ko sya kilala." sagot pa ng lalake na halos maihi na sa suot na pantalon nito sa takot.

"Sinong negosyanteng yon!???" naalarma ako nung nakita kong bumunot ng baril si Theo at itinutok yun sa kokote ng lalake.

Inawat ako ni Louis at sinenyasan na wag makialam. Seryoso din ito gaya ng tatlo. Malayo sa mga nakasanayang ekspresyon ng mga kilala kong mga kaibigan ang makikita sa mga mukha nila. It was foreign. Their rage and their facial expressions. What is happening!?

"Dalawa lang ang pwede naming gawin sayo." anya ko sa lalake. "Una, kung magsasalita ka, palalayain ka namin at makakaasa kang hindi ka namin tutugisin. Papatirahin ka pa namin sa isa sa mga safe house namin." I tried to sound calm and gentle, pero nanginginig din ang mga laman ko sa inis. They tried to kill us back there. "Pangalawa. Hindi ka magsasalita at may dalawa ka ring pagpipiliang kahahantungan.Ibibigay ka namin sa pulis at makukulong ka, pero sigurado akong hindi ka magtatagal dun dahil, ipapapatay ka rin nila. O di kaya..." gumagaral at namamaos na ang boses ko. "O di kaya...Ililibing ka namin nga buhay kasama ng nalalaman mo!" kinuha ko sa kamay ni Theo ang baril at ako ang tumutok sa lalake. Inilabas ko ang magazine nito at binilang ang bala dito. "Nakikita mo kung ilan ang bala nito? Uubusin ko hanggang makalasog lasog ang bungo mo!" takot ang nakita ko sa pagmumukha na. "Kaya...Sasabihin mo ba o Ano?!!" mas idiniin ko ang baril sa temples nya.

"Si Richardo Lee! Si Don Juanito Ricardo Lee Ma'am! Maawa po kayo, apat po anak ko..." umiiyak na ito at napaihi na talaga sa salawal. Awa ang nadama ko para sa kanya. "Ma'am, wala pong utos na patayin kayo, ang sabi lang po ay kidnapin kayo at takutin. Yun lang Ma'am! Yun lang!" panaghoy pa nito.

She's All ThatWhere stories live. Discover now