Bee's POV
Naunang nagpaalam ang mga girls para matulog. Tatayo na sana ako ng biglang pigilan ako ni Louis.
"Isa ka ba sa mga girls? Ambisyosa. Umupo ka. Di pa tapos ang laro."
"Anong laro? Truth or Dare? Magsi-tigil na nga kayo. Tara na tulog natayo." pagiwas ko. pero magkakunstaba sina Louis at Theo, pinigilan din ako nito. sa huli ay wla akong nawaga kundi sumunod.
"Ibahin natin ang rules. If you choose Truth and you answer it with a lie. 3 shots ang iinumin mo. If di mo naman sinagot. 3 shots din. No follow up questions allowed. kung Dare naman at di nagawa 3 shots. Kung nagawa pero di kami satisfied, 2 shots." paliwanag pa ni Mr. Perfect.
Pinaikot ni Vaugn ang bote at tumama iyon sa kanya.
"Mahal mo ba si Geneva?" Mabilis na tanong ko.
Hindi sumagot si Vaugn at uminom agad ng 3 shots. Pinaikot muli ang bote at si naman Louis ang tinamaan
"Sinong pipiliin mong sagipin sa sinking ship. Si Bee o Si Liza?" tanong ni RJ.
Gaya ng ginawa ni Vaugn uminom din ito ng 3 shots. Ang dadaya nila. Ako ang sumunod, pero inako ni Theo ang shots ko.
Nung turn na ni Theo.
" Dare." mabilis nitong desisyon.
" Kiss Bee in front of us." hamon ni Vaugn.
" Woi." reklamo ko
NABIGLA AKO NG MARAMDAMA KO ANG PAGLAPIT NG MUKHA NI THEO SA AKIN.
Napapikit ako. Kasunod nuon ay narinig ko ang halakhakan nila. I opened my eyes slowly. Theo's face still so close to me. Centimeter lang ang layo ng labi nya sa lips ko. I froze. Ngumti ito at hinalikan ako sa pisngi. Mas naghalakhakan ang mga gago.
"How dare you make fun of me. Lagot kayo sakin!" usal ko habang namumula sa inis at pagkapahiya.
At nagtakbuhan ang mga ito papalayo sakin
"Humanda kayo kung mahuhuli ko kayo!!!"
♡ Kinabukasan ♡
Nagising ako dahil sa higpit ng kapit ni Theo sa braso ko. Nasa lapag pala kami. Bigla ko naramdaman ang pananakit ng likod at ulo ko. Sobra lasing ako kagabi at wala man lang akong maalala sa mga nangyari. Nakahiga ako sa mga bisig ni Louis, at halos halikan na ni RJ ang mga paa ko. Nung subukan kong bumangon, halos sumigaw ang anit ko sa sakit, nahihigaan pala ni Vaugn ang buhok ko at na sa uluhan ko ito.
Dahan dahan kong kinalas sila isa isa sakin. Nang makawala na ako sa kanila, nagsimula na akong kumilos. Nung makaluto na ako ng agahan, una kong ginising si Vaugn.
" Awww. Sakit nang ulo ko." inabutan ko agad ito nang aspirin at Orange juice. " Thanks Bee." pikit pa
Hinila ko sya patayo. arggh.Ang bigat nya.
Si RJ naman ang target ko. Lalapitan ko na sana sya nang bigla itong magsalita.
"Gising na ako Bee. Give me 5 minutes." bumangon ito, tapos humiga ulit, tapos bumangon at humiga ulit. Piningot ko tenga nya. "Aray!Aray!Aray! Bee naman! Mashaket"
"Akala ko ba gising ka na?!"
"Oo, gising na! Bitawan mo na tenga ko please..HuHUhU." pagmamakaawa nito.
"Woi...Ang ingay nyo...May natutulog." saway samin ni Louis. Pinalo ko ito sa braso nang maraming beses.
"Ikaw! Ikaw! Gumising ka na rin! Baka tanghaliin tayo sa road trip!"
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...