Louis' POV
Ineksamima ni Alvin ang sugat ko. Kumikirot pa rin ito pero nakakatulong ang analgesic para maibsan konti ang sakit.
Dalawang araw na ring ang dumaan pagkatapos ng panloloob sa Mansion. Umayos din agad ang pakiramdam ko dahil sa maayos na pahinga. Weekends kasi. Isa pang dahilan ay ang magaling na pag-aalalaga sakin ni Theo at Bee. Sabi pa nga nila RJ at Vaugn, kinaiingitan daw nila ako. Tsk. Pagbabarilin ko kaya sila?!
"Hmm... Magiging magaling na surgeon ka Bee." puri pa ni Alvin kay Bee na kasalukuyang inihahanda ang mga antibiotics ko. "Maganda ang pagkakatahi mo sa sugat ni Louis. Konting doctor lang ang may skills na ganito. At ang nakakatuwa pa dun, hindi ka pa doctor. Isang nursing student pa lamang. San mo natutunan to?"
"Sa Youtube."
"Pffft..." pigil kong tawa. Halos bumuka ulit ang sugat ko.
"Ano?!" sabay sabay na nag-react ang tatlo.
"Paminsan minsan kasi, hindi lang pornsite ang bisitahin nyo! Tsk." sigaw pa ni Bee sa kanila. Nyahahaha.
"Pwede na palang magdoctor gamit ang Youtube?" biglang nag-isip si Theo.
"Thee, wag mong gagayahin ang ginawa ko. I have a bad feeling about that. Hintayin mo na lang na makatungtong tayo ng Medicine."
"Memorize ko na nga lahat ng gamot sa Drug List eh." pagyayabang pa nito.
"Magaling din akong mag-suture ng wounds Bee. Kaya ako ang magtatahi ng sugat mo ha, pag nagkataon." presinta ko pa.
"At pinananalangin mo pa ha na magkasugat ako?!" Hahaha.
"Sa buong buhay mo Bee, sigurado akong magkakasugat ka." biglang singit ni RJ.
"At kelan naman yun?" mataray na tanong pa ni Bee.
"Pagkatapos mong manganak. Bwahahahah!"
Binatukan sya agad ni Bee. Nyahaha. Laughtrip.
Nanatili silang naka-antabay sa lahat ng pangangailangan ko. Sinusubuan ako ni Bee sa tuwing kakain dahil hindi ko magamit ang kanang kamay ko. Ang totoo ay kaya ko namang kumain gamit ang kaliwang kamay, pero umaarte lang ako, sayang kasi ang pagkakataon. Hehehe. Nagagawa ko pang utuin si Theo at nauutusan ng kahit anong gusto ko. Hahaha.
Araw ngayon ng lunes at pasukan na naman. Medyo balik sa dati na rin ang kanang braso ko. Kasalukuyan kaming nasa classroom at nag-uusap nila Bee. Katatapos lang ng NCM ay Anatomy and Physiology ang susunod na klase namin. Hindi na kami lumabas dahil parehong room din naman ang gagamitin. Nagulat kame ng biglang pumasok sina Vaugn at RJ.
Nakangisi pa si RJ. Naghiyawan ang mga kaklase namin nang dahil sa kanila."Oh, bat nandito kayo?" usisa ni Bee.
"Makiki sit-in kame. Wala na kameng klase eh, at wala kaming matambayan." si Vaugn ang sumagot.
"Thee! Sure ka?... Reproductive system ang topic nyo ngayong araw?" biglang tanong pa ni RJ. Pambihira! Kaya pala nakakangisi ang gago! Hahaha.
Binatukan sya agad ni Bee. "Tsk! Kayo talaga! Subukan nyo lang manggulo sa klase namin, sisipain ko kayong dalawa palabas." Hahaha. May Period ba to? Ang sungit nya kasi buong araw.
Nakita kong bigla syang inabutan ni Theo ng Buscopan at tubig. Hahaha. Sabi ko na nga ba, Red Alert! Ininom agad ito ni Bee at pagkatapos ay ipinatong ang ulo sa armchair nya sabay hawak sa puson. Haist. Tsk. Kahit mas astig ka samin Bee, BABAE ka pa rin. Hinagod ko ang likod nito.
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...