Vaugn's POV
Naka semi formal attire kaming lahat nang lumabas ng Mansion. Bee is wearing a black body hugger dress. She was wearing heels this time kaya halos kasing tangkad namin sya. She is so quiet tonight. Tinali nya ng maayos ang kanyang straight hair. Nagpapasalamat ako kay Liza dahil na-train nya si Bee na magmake up ng sarili. Nakaangkla ang kaliwang kamay nito kay Theo habang hawak ni Louis ang kabilang kamay nya. Pinagbuksan sya ng pinto ng coaster ni RJ at pumasok silang lahat sa loob. Sinamahan naman ako ni Bough sa front seat dahil ako ang magmamaneho.
"You all ready?" tanong ko pa sa kanila. Tumango lang silang lahat.
Eksaktong alas otso ng gabi kame dumating sa sinabing resto ni Chase. Space and Gravity. Ito ang pangalan ng resto. Sa itsura pa lang at pangalan ay mahuhulaan mo na agad ang consepto nila.
"Are you Vaugn? Im Alfonso, I'll be escorting you inside. Please come with me." isang lalaking parang may lahing banyaga ang bumati samin sa harap ng resto. Sumunod agad kami sa kanya.
Nung pumasok na kami sa loob, nahulog ang mga panga namin. Napakaganda ng interior nito. Halos mapamura ako sa pagkamangha. Bago kami pumunta dito ay nagresearch ako ng konti tungkol sa restaurant na to. Sikat pala ito sa mga high profile na tao at magaganda ang mga review nila. Medyo may kamahalan din daw ang pagkain dito. Kaya pala mahal kumain dito, dahil parang nagdinner ka sa outer space. It was like you where sitting next to a star and walking on the asteriods. 4-D sya. Napakaganda ng konseptong naisip nila Blaze.
"I'm glad you all came." binulaga kami ni Chase nung nasa kalagitnaan kame ng pagmamasid sa buong resto. "This was all Blaze's idea." parang na babasa nito ang mga laman ng isipan namin. "Come with me."
Pumasok kami sa isang privadong silid. Magugulat ka itsura ng simpleng silid na iyon nung pinatay na ni Chase ang ilaw. Mas mararamdaman mong parang nasa kalawakan ka.
"Please sit down." utos pa ni Chase sa amin. "Dinner will be serve shortly. Gusto ko magsimula sa pagpapakilala ko ng maayos ng sarili ko. Hindi naging maganda ang una nating pagkikita sa mall Louis, Theo, Ryan James and Bianca Elise." napatingin agad sa kanya ang apat kong kaibigang pinangalanan nya. "I'm Chase Grey Lobregat. CL ang bansag sakin ni Blaze at madalas ay Left hand ang tawag nya sakin. We were classmates in U.S. sa kuraong Engineering and we also graduated together. Ikaw Bee ang dahilan nya para umuwi ng Pilipinas matapos naming makapagtapos at nahirang na mga engineers. He wanted to be with you and his friends. He wanted to see you all grow. Hindi madali ang pinagdaanan namin ni Blaze sa Amerika at sabay naming nalampasan lahat ng unos na dumating sa ibang bansa. He was also a family to me. Sya ang naging sandigan ko nung namatay ang buong pamilya ko sa 9/11 bombing. He was a good friend and a good person."
Dumating ang mga pagkain at halos lumuwa ang mga mata namin sa dami ng ipinahanda ni Chase para sa aming magkakaibigan.
"I prepared all the food in the menu. Gusto kong matikman nyo yan lahat." maikling paliwanag ni Chase. "Lets eat."
Tahimik kaming kumain. Papalit palit ang tingin naming magkakaibigan sa isa't-isa habang ngumunguya ng napakasarap na pagkain nakahanda sa harap namin.
"Lou, Noona, taste this. This is Blaze's cooking." biglang usal ni Theo. Nilapit nya ang isang sa putahe sa kanilang dalawa. Tinikman agad ni Bee yun. Nagulat kami ng bigla na lang itong umiyak. Agad syang niyakap ni Louis.
"Vaugn, this is Kuya's stir fry beef." humuhikbing usal pa ni Bee sakin. "I tried so many times na gayahin ito pero hindi ko magawang kopyahin ang lasa."
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...