Chapter 45 - Christmas Eve

38 5 0
                                    

(Vaugn and Louis above)

Bee's POV

Nagpapasalamat kaming galos at bali sa braso lang ang tinamo ni Alvin sa pagkakaaksidente nya dalawang linggo na ang nakakaraan. Mabilis lumipas ang araw. Bawat araw na nagdaan simula nung araw na iyon ay ginugol namin sa pagpaplano at paghahanda sa mga sakuna na maaaring harapin namin sa hinaharap. Dahil sa pinagsama samang impormasyong nanggaling sa kambal at sa ibinigay ni Miguel, nakabuo kami ng konkretong plano. Dalawa ang hinahangad naming mangyari. Ang mapagbayaran ni Ricardo Lee ang lahat ng mga nagawa nyang kasalanan at ang paglabas muli ni Kuya Blaze, na matagal na naming pinaniniwalaang buhay pa. Hindi rin nasayang ang effort nila Vaugn sa pag matyag sa Boracay dahil malaki ang naitulong nyon sa pagplaplano. Sa mga sumunod na araw ay namuhay muna kami ng tahimik at normal ngunit nanatiling alerto sa anumang bagay na kabaha-bahala sa paningin.

Nasa roof deck kami ngayon habang pinatutulungang ayusin ang maliit na party na pagsasaluhan ng buong pamilya. Halos hindi ako nun umalis sa ospital upang makumbinsi si Alvin na dumito na muna pansamantala sa Mansion kasama ng mga anak nya. Hindi kami mapalagay dahil baka maulit muli ang banta sa buhay nito. Tutal marami namang kwarto, pansamantala ring nanirahan ang mga malapit naming kaibigan kasama namin. Nakakapanibago pero masaya naman. Kung dati ay tanging kulitan naming lima lang ang maririnig sa bahay, ngayon ay umaalingaw ngaw madalas ang boses ni Meji sa apat na sulok ng Mansion. Pinuno rin ni Vaugn ang maids quarter at pinanatili muna ang mga kasambahay namin upang magsilbi sa mga bisita namin. Still, pinangunahan ko pa rin ang pag-aasikaso sa kanila. Ako ang madalas magprepare ng meals sa tulong na rin nila Theo at Louis. Samantalang nawili si RJ sa pagbabake at pagtuturo na rin kay Mica nito. Vaugn and Liza kept the guest entertained in their entire stay. Sa bagay... kung nandyan naman si Meji, halatang sagot na nito agad ang entertainment.

"If I would be born again... I want to be a princess." pahayag pa nito.

"Pffft. Princess Fiona." pangaasar pa ni Megan sa kanya. Sumabog ang halakhakan sa roof deck.

"Excuse me!? Hipon!" pinandilatan ni Meji si Megan at ipinaypay ang palad sa sarili. "Pwede na sakin yung kasing ganda ng friendship kong si Bianca Elise. Kasing sexy ni Geneva at kasing hinhin ni Liza."

"Tss. Mej... Napaka ganda nila para pangarapin mo. Pumili ka naman ng feasable. Hahaha!" gatong pa ni Crissa.

"Na-iingit lang kayo dahil hindi mga Hipong katulad nyo ang napili ko." maarteng sagot sa kanila ni Meji. "Tsaka if I would be born again, nga diba? So libre mangarap ang froglet na katulad ko! Mga impakta!"

Humagalpak muli kami ng tawa lahat. Kasama ko sa kasalukuyan sina Louis at Theo sa pagtutuhog ng mga marinated Barbique.

"Gusto kong buhayin ang Fraternity." biglang usal ni Louis na katabi ko sa may kaliwa. Nakatayo kaming sa prep table habang pinatutulungang ihanda ang mga iihawin. Ang itinutukoy marahil nito ay ang binuong samahan ni Kuya Blaze.

"I'll help you with that." presinta pa ni Theo na nasa kanan ko. "Nasa akin lahat ng mga contacts ng lahat ng membro Lou. It's not that hard to do that."

"They'll be a great help when the time comes. Besides, lahat sila ay sobra ding minahal bilang parang kapatid si Blaze. They won't mind lending a hand." dagdag pa ni Louis. Nginitian ko lang sila pareho.

"I want to continue the foundation. Gusto ko pang mas marami itong matulungan." sabi ko naman sa kanila. Napangiti silang awtomatiko sa akin.

"That's also a good idea Bee." sabat pa ni RJ. Nakatayo ito sa likod ko at nagulat ako ng bigla nya akong subuan ng ginawa nitong cupcakes. "Masarap?!"
ngumuwi muna ako bago ngumiti at tumango sa kanya. Nagkalat kasi ang icing ng cupcake sa mukha ko. Tss. Napapikit ako dahil sa biglaang flash ng camera.

She's All ThatWhere stories live. Discover now