Chapter 22 - Incoming

48 8 0
                                    

Bee's POV

Nahihilo ako sa palakad  lakad ni RJ sa tambayan. Nanatiling nakabusangot ang itsura ni Theo habang nakahalukipkip sa isang tabi. Hindi kasi sila pwedeng tumabi ni Louis sakin simula ngayong araw. Isang linggo ang usapan namin ni RJ sa pagpapanggap ko bilang girlfriend nito. Hindi ko alam kung magiging effective ba ito sa pagtaboy sa loka lokang si Maris, pero tutulungan ko pa rin ito sa abot ng makakakaya ko, dahil matalik ko tong kaibigan. Ilang buwan na rin kasi itong nagtitiis sa perwisyong hatid ni Maris.

Kasalukuyang hinihintay namin ang pagsugod ni Maris sa tambayan. I expect that she will throw her rage to us today. Klaro ang pangamba sa mukha ni RJ. Naririto rin ngayon si Liza para umalalay samin. She knew about the plan. Ang sabi nya, tetestigo daw sya sa pekeng pag-iibigan namin ni RJ. Hindi ko maiwasang mapabungis-ngis sa tuwing binabanggit nila yun. Imposible pa sa imposible na maging totoong lovers kame ni RJ, dahil sa apat, sya ang laging kong inaasar sa lahat ng bagay. Mas itinuturing ko pa nga itong parang kakambal kesa kaibigan. Magkasalungat kami sa lahat ng bagay kung tignan pero ang totoo, kami ang pinaka nakakaunawa sa isa't isa. Minsan eye contact lang ang kailangan namin upang maintindihan ang isat isa. Hindi man sya ganun ka touchy gaya ng dalawa, I don't flinched when he act super sweet to me at times. Gaya ng sabi ko nuon pa, normal saming magkakaibigan ang sweet sa isa't-isa, dahil lumaki kaming magkakasama since like...forever?

Hinila ko si RJ at pinaupo sa tabi ko. I hold his shaking hands to calm him down. Im so glad that it's effective.

"Hey... Chill. Mabibisto ang front natin nyan kung ganyan ka ngayon." sabi ko pa, tsaka ngumiti at inayos ang magulo nitong buhok.

Gaya ng iba ko pang kaibigan, RJ is also a god-like being. Kwela man ito tignan pero, sa apat, sya ang pinaka nakakahatak ng atensyon ng kababaihan. Kaya naman nasiraan ng utak yung Maris na yun sa kanya. He has an angel-like handsome face, kahit mala-demonyo ito kung inaasar ako. His smile is like a struck of lightning. He could peirce your heart with his stare. Napakaganda din kasi ng mga chinitong mata nito, parang laging ngumingiti. Kaya napapaiyak rin ako kung nakikita ko tong lumuluha paminsan minsan. Higit sa lahat, he also have this kissable lips. Wait?! Bianca what the hell are you thinking now!? Hindi ko pinagnanasaan tong mokong na to ha. Im just describing him.

"Haist. I'm sorry Bee...For bringing you in this situation." . malungkot na usal nya.

"Its ok Jay. Just pay your debts after ok? Joke lang... what friends are for!?"  ginulo ang buhok nito at inayos mila. Sira ulo din ang peg ko today noh?

Bigla ngang dumating itong si Maris na nag-aalboroto na ang pagmumukha kahit malayo pa.

"I Knew it! You big pretentious b*cth!" akmang sasampalin nya sana ako pero sinangga ito ni Liza.

"Hey, could you lower your voice. You're making a scene. And this is not you're school by the way." malumanay pero may diin na sabi pa ni Liza. Agad na pumunta si RJ sa harapan ko para protektahan ako, samantalang sina Louis at Theo ay naka- stand by pareho sa tabi ko.

"At kinukunsinti mo ang kawalanghiyaan ng dalawang yan? Kayo?! Kayong lahat? Eh di ba parang magkakapatid ang mga turingan nyo?! So tell me what happen?!" she glared at me from head to foot. "Ano?! Binigay mo na ba? Ha?! Yun ba?! Kaya nagkakandarapa si RJ sa---" hindi na nito natapos ang sinabi nya dahil sa mabilis at malakas na pagdapo ng palad ni Liza sa pisngi nito. Agad kong nasilayan ang dugo sa labi nito dahil sa impact ng sampal. Nanggilid agad ang mga luha nito.

"How dare you mock on Bee in front of us?! Nasaan ang tamang asal mo?! Ang kitid naman ng utak mo! Indeed, you really a crazy bitch!" sigaw pa ni Liza. Hindi ko alam kung bakit tumulo ang mga luha ko sa sinabi nya. Dahil ba sa na-touch ako sa pagtatanggol nya sakin o dahil nasasaktan ako sa iniisip ni Maris sakin. Ganun din ba ang mga tingin ng iba sakin, that I sleep with them?! With my bestfriends?!

She's All ThatWhere stories live. Discover now