Bee's POVPresent Time
All eyes on me. Nakaabang sa sasabihin ko. Halos maubos ko ng tunggain ang Jack Daniels nila. I need this. Pangpalakas ng loob. Louis and Theo are looking intently at me. Sina Vaugn at RJ ay di maitago ang pag-aalala sa mga mukha.
"Hindi si Bough ang pumatay kay kuya." Yes, I've been hiding it for such a long time. Pero, nitong mga araw, nagiging delikado na ang aking kaalaman. "Hindi si Geneva ang may kagagawan sa nangyari sakin kanina." dagdag ko pa. Napalitan ng pagkagulat ang mga mukha nila. "Yung lider ng goons, buhay pa nung iniwan natin, may nagpatahimik sa kanya." Nawindang silang lahat sa huling sinabi ko.
"Anong...anong sinasabi mo Bee?" nauutal na usal ni RJ.
"There's someone out there who wants me dead." I declared. "Tinago ko sa inyo ang mga nalalaman ko dahil akala ko ay pwede ko itong solusyonan ng mag-isa. But after what happened this day... I've decided to tell you."
"That's Bullshit!!!Bat ngayon lang?!!" tanong ni Vaugn na may galit sa mga mata. I'm expecting this. Their Wraths. "Bat ngayon mo lang sinabi sa amin?!" mabilis syang pinigilan ni RJ na lumapit sakin. "Nakita mo ba ang mga itsura namin nung nag-agaw buhay ka kanina?! Si Theo at Louis, simula ng isalba ka nila hanggang magising ka, umiiyak! Si RJ sinisisi ang sarili sa nangyari sayo! At AKO... Wala akong magawa! Bat ngayon lang Bee?!" unti-unting sumilay ang mga luha sa mga mata nya. Ngayon ko lang nakita ang ganito side ni Vaugn. His outburst was like a time bomb, at ako ang nag-detonate nun.
Isa-isang bumalik sakin ang mga alala ni Bough.
4 years ago
Ngayong hapon, nawawala ang lahat ng mga kaibigan ko. Hindi ko maintindihan. Kung kelan Birthday ko tsaka ako nababadtrip ng ganito. Sa paghahanap ko sa kanila, nakita ko Bough na sumakay ng tricycle. Sinundan ko ito gamit ang motor na hiniram ko kay Kuya. Bumaba si Bough sa palengke at pumasok sa loob. Sanay ako sa palengke dahil sa mahilig akong bumili ng sarili kong ingredients sa pagluluto, kaya hindi mo ako makikitaan ng pagiging maselan sa pagpasok sa lugar.
Maya maya nakita ko syang nagmano sa isang may edad na babae.
"Mano po nay."
"Kaawaan ka ng diyos. Kumusta pagaaral mo?" tanong pa umano ng nanay nya.
Sobrang nagtaka ako. Ang alam ng buong school ay mayaman ang pamilya ni Bolbough. Pure chinese ang tatay nito at kilala bilang isang business tycoon sa manila. Pero sino ang babaeng ito na tinatawag nya inay? Nagmasid pa ako para mas maliwanagan.
"Magkwento ka nga anak tungkol sa nililigawan mo." tanong pa ng nanay nya.
"Hindi sya ordinaryong babae, inay. Saksakan sya ng tapang."
"Talaga? Mataray iho? Naku mahirap suyuin yan...Ahahaha"
Habang tinitignan ko sila, I saw the other side of Bough. Nasisiguro kong tunay nya ina ang kausap yan, dahil magkamukha sila. Ibang tao pala si Bough pag kaharap na ng nanay nya, malayo sa Bolbough na kilala ko.
"Nay, alam mo ba, pumayag sya isayaw ko sya sa JS namin. Inaamin ko, sobrang nahirapan ako nay, pero determinado ako sa kanya. Hindi ko sya susukuan." sabi pa ni Bolbough.
"Naku... ang anak ko, binatang-binata na. Siguro ay maganda sya kaya nagkakaganyan ka."
"Hindi lang sya saksakan ng ganda nay... May mabuting puso rin, natatakot nga ako baka di sya bumagay sakin... Kaya nagpapakabait na ako ngayon inay."
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...