(Vaugn A.K.A Mr. Perfect on top)
Theo's POV
Nasa open field kami ngayon ng University namin. Pagkatapos ng isang araw na pahinga ng buong barkada, pumasok na ulit kame para sa Intrams. Nakahiga si Bee sa mga binti ko. Mahimbing ang tulog nito dahil tinatakpan ni Louis ang sikat ng araw para sa kanya. Nakaupo ito sa tagiliran nya at nakaangkla pa ang kaliwang kamay nito sa bewang ni Louis. Na-imagine mo ba ang posisyon naming tatlo? Buti sanay na ang madla sa mala-P.D.A. naming trip. Nasa ganun kami posisyon nung dumating ang iba pa naming kaibigan.
"Hoy! Bawal matulog dito!" sigaw pa ni RJ kay Bee at piningot pa nito ang ilong ng kaibigan naming babae.
"Tch." inis na singhal naman ni Bee. Sinipa nito ang binti ni RJ habang nakahiga. Naka jeans ito kaya hinayaan ko ring humiga.
"Woi. Wag mo nga mun yan kulitin Jay. Kahit injured yan, nakakabasag pa rin yan ng mukha. Kaya mag-ingat ingat ka pa rin." banta sa kanya ni Louis.
"Bat nga ba nandito kayo? At panay pa ang tingin nyo sa mga naglalakad na tao, may inaabangan ba kayo?" pansin pa ni Bough samin.
"Inaabangan namin ang manyakis na kapatid ni Mica." direktong sagot ko sa kanya.
Mabilis na napabalikwas si Bee sa pagkahiga. She really has the cutest face on earth kahit bagong gising pa ito. Nasisilaw pa ito sa liwanag at half-opened ang mga mata. Ang cute cute nya, kaya di ko matago ang ngiti ko.
"What the F?! Hayaan nyo na nga muna yun. Pag bumalik na ang lakas ko, ako mismong Ha-hunting dun." usal pa nya. Parang mas maton pa minsan kung magsalita sa amin. Walang ka-demure demure. Kinuha nya ang kasalukuyang kinakain na Egg sandwich ni RJ at isinubo agad ito. Napamaang si RJ at hindi na nakapag-react sa ginawa ni Bee. "Bat ba sobrang lakas ng appetite ko today?! Tss. PMS. Ampotek. Haist." bulong pa nito sa sarili habang panay buntong hininga. Bigla itong nabilaukan, kaya inabutan agad sya ni Vaugn ng Juice at mabilis na uminom. Matapos nun ay humiga ulit sa mga binti ko at pinikit ang mga mata. Inangkla nya ulit ang mga kamay sa bewang ni Louis. Tss. Possesive talaga ito sa aming dalawa. Kaya naman wala ring nakakalapit saming babae pag nandyan sya. Kung hindi sya pagkakamalang syota ng sino man samin, ma-iinsecure lang ang sino mang babae sa mala-dyosa nyang katauhan.
Pinagmasdan ko ang natutulog nitong mukha. Hanep. Parang natutulog lang si Sleeping Beauty sa mga binti ko. Napakahaba ng pilik mata nito. May maganda at singkit na mga mata. Makinis at mala-bondpaper sa puti na balat. Flawless talaga. Maliban na lamang sa mga ilang peklat nito na tinamo sa ilang beses na pag-aagaw buhay nito. Her hair was one of my favorites, makakapal ang hibla nito at buhay na buhay. You will love to hold them because it's softer than your skin. My gaze darted to her supple lips. Hanggang titig ka na lang Theo.
"Theo?!" bumalik ako sa realidad nung tinawag ni Vaugn ang atensyon ko. Nakangisi ito sakin.
"Oh?"
"Anong oras game nyo mamayang hapon?"
"Two-thirty, pero, One-thirty dapat nandun na kami. May briefing pa kasi si coach." sagot ko sa kanya.
"Isasama namin to." patukoy ni Louis kay Bee. "Sinong Free sa inyo para samahan nga pala to? Baka kasi lapitan ng gagong manyakis na yun."
"Nandun din ako kaso kalaban nyo ako Bro. At dinig kong team mates ko yung P.I. na yun." sabi pa ni Bough
"Papagitnaan namin yan ni Vaugn. 5PM pa naman ang Tennis match ko." sabi pa ni RJ.
"Paupuin nyo na lang kaya sa bench ng team nyo, tutal candidate naman yan ng department nyo." suwesyon pa ni Vaugn.
"Hyung, mamanyakin lang yan ng mga team mates namin. Diyosa ang tingin ng mga yun sa kanya." angal ko pa.
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...