Alvin's POV
Mabilis na nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko sa harapan ko ngayon.
"Papa?" hahulog ang panga ko nung bigla nya akong tinawag na papa.
"Athena?" usal ko pa. Kamukhang kamukha siya ni Athena. Ang babaeng pinakamamahal ko.
"Bat mo kilala si Mama?" tanong sakin nung isa pang dilag sa tabi nito. Kamukha ko naman ang isang to. At mabilis nang dumaloy ang luha ko. Ang kambal ko. Ang matagal ko nang hinahanap na mga kambal ko.
"Papa..." muli akong tinawag nung isa. Nabitawan ko na ang dala kong wine. Napapasalamat ako at mabilis iyon nasalo ni Bee.
"Mga Kambal ko. Huhuhu." humagulgol ako at mabilis naman tumakbo silang pareho sakin. "Ceres... Celeste...Huhuhu. Matagal ko na kayong hinahanap mga anak. Huhuhu." halos madapa na ako sa pagtakbo papunta sa dalawa. Mabilis lumapit ang tumatawag saking 'Papa'. Samantalang ang isa ay nanatiling nakatayo at nakamasid.
"Papa?"
"Mi, sya si Alvin Torres. Ang daddy natin. " mangiyak ngiyak na wika ng batang yakap yakap ko na ngayon. Marahil ito si Ceres dahil kulay itim ang buhok nito. Dahan dahan namang naglakad palapit samin ang isa.
"Celeste." pagtawag ko sa kanya. Umagos na rin ang luha nya at yumakap din sakin.
"Papa! Huhuhu."
Hindi ko inaasahan na ito ang matatanggap kong regalo sa kaarawan ko ngayon. Ilang sandali pa, matapos naming mahimasmasan umupo kaming mag-aama sa sala ng Mansion habang pinaliligiran ng mga magkakaibigang itinuring ko na ring mga anak.
"Kahapon lang naming nalaman n magkambal kame." sabi pa ni Celeste. Kamukhang kamukha ko ito. "Im so overwelmed. In less than 24hours... Nakilala ko ang totoong pamilya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang magpasalamat sa diyos." mangiyak ngiyak pang usal nya.
"Alvin... I didn't expect this would happen... But Im very happy for you." sinserong sambitpa ni Bee. Sinapo ko ang pisngi nito.
"Papa. What happen? Alam nyo po ba na nagkahiwalay din kame ng kambal ko?" tumango agad ako sa tanong ni Ceres.
"Mahigit labing limang taon ko na kayong hinahanap mga anak. Tatlong taong gulang kayo nun nung dinakip kayo ng mga armadong lalake kasama ni Athena."
"Si Mama?" tanong pa ni Celeste.
"Oo. Athena Morales ang buong pangalam ng mama mo. Seven years ago, nabalitaan ko pumanaw ito. Halos gumuho ang buong mundo ko. Hindi ko man lang sya nabawi... Huhuhu. Athena... Mahal ko... Patawarin mo ako." panaghoy ko. Humagulgol muli ako nung maalala ko ang araw ng pagdakip at pagkawalay sakin ng buong pamilya ko.
Bee's POV
Magkahalong gulat at saya ang nararamdaman ko ngayon. Halos hindi pa ako nakakarecover sa reunion ng magkakambal kahapon ay nasaksihan ko na naman ang makabagbag damdaming pagkikita ng matagal na nawalay na mag-aama. Namamasa na rin ang mga mata ko ngayon habang nakayakap kay Louis. Sobrang masaya ako para sa kanila. Ikinuwento sa amin ni Alvin ang mga nangyari mahigit labing limang taon ang nakakaraan. Labis na awa ang naramdamdaman ko para sa mag-aama. Kasalukuyan kaming kumain ngayon kasama sila.
"Salamat sa pagiging mabubuting kaibigan nyo sa aking kambal." sabi pa nito sa amin. "Tatanawin kong isang malaking utang na loob ito sa inyo."
"Pangalawang ama ka na namin Alvin. Sa lahat ng ginawa mo para sa amin, dapat ay hindi ka na nagpapasalamat pa sa amin. Bukod jan, hindi na rin iba sa amin ang mga anak mo. Itinuturing din namin silang kapamilya gaya mo." paliwanag pa ni Vaugn.
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...