RJ's POV
Hinihintay namin ang paglabas ng team nila Bee. Volleyball Championship ngayon. College of Nursing VS College of Education. Medyo maganda ang labanan. Ito ang kalaban ng last year champion na College of Engineering. Walang mintis sa pagpapamalas ng galing ang aming Queen Bee.
"Woooh! Queen Bee!" malakas na sigaw ko habang winawagay way nila Louis at Theo ang napakalaking banner na ginawa namin sa kanya. Napagaling nitong mag serve ng bola. Halos lahat nga ay puntos nya.
Hot Spiker Goddess
Queen Bee
Yan ang nakasaad sa banner. Katabi ko ang ayaw na akong lubayan ngayon na si Mica. Simula ng umuwi kami galing Laguna, nakadikit na sya sakin. Tss. Ewan ko ba, mas matindi ata ito kay Maris. Harapan nyang ihihahayag ang damdamin nya sa harap ko at mga kaibigan ko. Unbelievable!
"Yohooo!!! Unni!!!" halos mabingi ako sa tili nya.Tss. Nagulat ito ng biglang may tumawag sa cellphone nya. "Hello?! What?! I said I don't want to go home! No! Just leave me alone!" sigaw pa nito sa kausap sa phone. Halata ang inis sa pagmumumka nito. Magkasalubong ang mga kilay at magkalapat ang mga labi. Hindi ako nagpahalata na pinagmamasdan ko sya. Bigla itong tumayo nung nag-ring na naman ang cellphone nya. Padabog pa ito umalis ng Gym pero hindi napansin ng iba ko pa naming kasama. May nagudyok saking sundan ito.
"Lou, Jejebs lang ako." paalam ko pa. Tumango lang si Louis saken at nanatiling tutok sa panonood.
Nakita kong papunta si Mica sa parking lot. Tahimik ko itong sinundan habang magmamatyag sa paligid.
"Why are you here?!" sigaw pa nya mga lalakeng naka-itim.
"Maam Mica. Utos po ng daddy nyo na iuwi ka namin sa anong klaseng paraan."
"No! Hindi ako uuwi! Sabihin mo yan sa kanila ni Kuya! Sinabi ko na sa kanya diba... Hanggang hindi sila tumitigil sa lahat ng mga kasamaan nila, forget me as their FAMILY" hindi sya pinakinggan ng mga lalake at pinilit na isakay sa kotse. "Let go of me!"
"Hoy!" sigaw ko sa mga body guards ni Ricardo Lee. Nagitla sila sa bigla kong pagsulpot! "Sino kayo ha?! Ayaw sumama sa inyo ng babae! Bitawan nyo sya!"
"Kayo nang bahala jan!" sabi pa ng umaasta parang lider ng mga men-in-black. Mabilis naman akong sinugod ng mga kasamahan nya.
Dumampot ako ng bato at binato ang mga may hawak kay Mica. "Mica! Takbo!" mariing sigaw ko. Tulog agad ang dalawang tinamaan ng bato. Isa-isa naman akong sinugod ng iba. Wala na akong nagawa kundi ang makipagbuno sa mga ito.
Sipa duon, suntok dito, tadyak sa kanan, siko sa kaliwa. Dinaig ko pa ata si Jackie Chan sa action scene na to. Sinadya ko pa silang dalhin sa tabi ng mga sasakyan upang mas mapadali silang mapatumba. Umakyat ako sa bubong ng kotse, tumalong at sinipa sa ere ang dalawang men-in-black sabay sapak sa pinakamalapit sakin. Hindi nila ako mahuli huli dahil sa bilis ng reflexes ko. Sa madaling salita... Wala silang sinabe saking lahat. Halos maubos ko na sila ng biglang umalingawngaw ang sirena ng pulis.
"Tol, mga parak! Sibat na tayo! Mas malalagot tayo kay Boss nito!" sigaw pa nung isa. Hirap na hirap silang nagsitayuan at nagsipasukan sa Van na dala nila.
"Hoy! San kayo pupunta?!" hinabol ko pa ang mga ito. "Mica?!" tawag ko pa sa kanya. Agad naman ito lumabas sa pinagtataguan nya. Umiiyak ito.
"Huhuhu. I'm sorry to drag you on these." niyakap ko ito ng hindi ko na rin namamalayan. Siya namang dating naman ng mga kasamahan namin.
"What happen?!" tanong agad ni Bee. Agad nya iniharap si Mica sa kanya. "Mi, what happen?!"
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...