(Park Bo gum as Theo)
Louis' POV
Nagising ako sa malakas na tunog. May nagvivideoke ata sa labas. Napangiti ako nung makita ko ang maamong mukha ni Bee sa mga bisig ko. Halos hindi ito makagalaw sa pagkakayakap ni Theo sa bewang nya at ni RJ naman sa mga binti nya. Nakakatawa ang itsura namin. What a sight. Tatlong lalakeng nag-aagawan sa isang babae, kahit sa pagtulog.
"Matutunaw yan!" nagitla ako sa pabulyaw na boses ni RJ.
"Tss. Hangggang binti ka lang kasi. Hehehe." pangasar ko pa sa kanya.
Hindi lingid sa kaalaman namin ang parehong lihim na pagtingin namin sa babaeng ito. She captured our hearts with no effort at all. Hindi maiintindihan nang kahit sino ang kakaibang relasyon namin. Tulad nang ganito, kahit alam namin ang mga estado ng nararamdaman namin sa iisang babae, walang kang makikitang iringan, awayan at awkwardness sa pakikitungo naming tatlong lalake sa isa't isa. We're cool. Nakadepende pa rin kay Bee ang desisyon kung sino ang pipiliin nya sa amin. At kung sinuman ang pipiliin nya, panatag ang mga loob naming tatlo dahil bawat isa sa amin ay handang mamatay para sa kanya.
"Tss. Ang hirap pala ng lagay mo noon... Nung pinilit ka nyang syotain si Liza... Bro! Saludo na ako sayo. At naka halos 3 years pa kayo ha, sa pekeng relasyon nyo. Tss. Ano naman kaya ang gagawin ko kay Mica, Lou?!" tanong pa nya sakin.
"Malay mo Jay, ma-inlove ka in no time. At pag nagkataon... kaming dalawa na lang ni Lou ang choices ni Bee.Hehehe. Aray!" gising na pala tong Batang itlog na to. Kinurot sya ni RJ sa may hita. "Tss. Hyung naman!"
Kitams, we all cool about it. Sa aming tatlo, si RJ ang pinakamagaling magtago ng nararamdaman. Hindi sya showy tulad namin at dinadaan sa pangaasar kay Bee, ang pag-ibig nya. Nakakatawa nga eh, hanggang ngayon kasi, No clue pa rin si Bee kay RJ.
"Wag kang maingay Thee, magigising ang Reyna natin." saway ko pa sa kanya. Ngumingiwi pa rin ito sa sakit.
"Impossibleng mainlove ako dun noh?! Tss. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko dun eh. Halos walang pinagka-iba yun kay Maris. Bakit ba kasi mga baliw ang napupunta sakin?!" tanong pa ni RJ sa sarili.
"Nyahaha. Nagtaka ka pa." mahinang tawa naman ni Theo. Kita nyo kung paano kami kakomportableng asarin ang isa't isa?
"Bagay naman kayo ah? Pareho kayong baliw. Nyahaha." ginatungan ko pa si Theo. Humaba agad ang nguso ni RJ samin.
"Si Bee na lang talaga ang pag-asa ko." mahinang usal nya.
"May the best man win, Jay!" sabi pa ni Theo. Nagnakaw pa ito ng halik sa pisngi ng mahimbing na natutulog na si Bee.
"Hoy!" binatukan ko ito. "Tss."
"Hahaha." tumatawa tawa pa itong bumangon at naglakad papuntang banyo.
"Jay bumangon ka na at maghanda ng makakain." utos ko po kay RJ. Nakahiga pa rin ako sa kasalukuyan. Hindi ko maigalaw ang sarili dahil ayaw kong magising si Bee.
"Ako na lang. Gutom na ba kayo?" her voice is really a music to my ears. Gising na pala si Bee. Dahan dahan itong bumangon. Kakalabas lang ni Theo sa banyo. Ngumiti agad ito kay Bee, at ginulo pa ni Bee ang buhok nya bago sumunod na gumamit ng banyo.
"1-2...1-2...1-2." nagpupush up si RJ. Lagi nya tong ginagawa sa umaga.
"Hoy. May utang kang kwento sa amin Jay." wika pa ni Theo umupo ito sa sofa. Tama kayo ng hinala. Hindi man bisto, si Theo ang pinaka tsismoso samin. Hahaha. Daig nya pa si Boy Abunda, lalo na kung mang- hot seat.
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...