Chapter 9 - Bolbough's First Love

75 7 0
                                    

Present Time...

Theo's POV

Malalim na ang gabi pero walang gustong tumapos sa usapan namin. Nakakamangha na pagkatapos ng seryosong usapan namin kanina ay nagbibiruan na kami ngayon.

"Siguradong ako na naman ang sisisihin ng Amazonang yun?" nakangusong sabi pa ni RJ.

"Hindi naman siguro Jay. Ako magpapaliwanag nito sa kanya." sinisiguro ko sa kanya.

"Anong ipapaliwanag nyo." halos tumalon kaming lahat sa kinauupuan namin sa biglang pagdating ni Bee.

"Ahhh...." I'm tongue tied. Anong idadahilan ko?

Mabilis nyang napansin ang dumudugong kamao ko. Tinignan nya din ang wasak na parte ng mesa.

"Tsk. Kawawang mesa." sabi pa nito habang umiiling. Hinablot nya ang kamay ko at ineksamina ito. "Masakit ba?" puno ng pagaalala ang boses nya.

"Hindi naman." pagsisinungaling ko. Sa katunayan ay kumikirot ito ngayon.

Ngayon ko lang napansin ang buong itsura nya. Namumutla ito at mukhang nanghihina pa.

"Gamutin natin yan mamaya... Tsk. Nagiging mainitin na ang ulo mo ha." sabi pa nya at ginulo ang buhok ko. Inalis nya ang panyong nakatalis sa buhok nya ngayon at binasa ito ng tubig tsaka nilinisan ang dumudugong kamay ko. 

"Bat gising ka pa?" tanong ni Louis sa kanya. Hinubad nito ang suot nya jacket at sinuot kay Bee. "Malamig dito."

Hindi nito pinansin ang sinabi ni Louis at tinungga ang bote ng Jack Daniel's. Halos mahulog ang panga ko sa gulat.

"May mumu sa kwarto, ayokong matulog mag-isa...hehehe... baka tabihan nya ako eh." biro pa nito samin. Umarte pa tong takot na takot at sumiksik sa mga bisig ko. Bigla ako natawa.

"Hmft..." pagpigil ni RJ sa tawa nya.

"Inom pa. Tsk. Sayang to Oh..." yaya samin at tumungga ulit ng alak.

"Hoy tama na yan! Parang di galing sa hukay kanina ha." saway ni Louis sa kanya.

"May kukwento ako..." she paused "Tungkol kay Bolbough." and all our eyes on her. Hindi madalas mag open up samin si Bee, kaya ipinagtataka namin to. We are all worried.

I tried to remember what happend back then. Paano na-inlove si Bough kay Bee. Paano humantong ang lahat sa ganito.

Nung junior year namin sa highschool, nakilala ni Bee si Bolbough.

Si Bolbough ay lider ng sikat na gang sa loob ng university namin. Halos aso't pusa ang dalawa kung magpatayan. At nagising na lang kami ng isang araw, umamin si Bolbough na may malalim na pagtingin ito sa kaibigan namin. Dahil sa laging pagsunod sunod ni Bough kay Bee nun, naging malapit na rin ito sa amin na parang kinakapatid.

Bukod sa pagiging siga, kilalang hearthrob sa school si Bough. Tulad naming apat na pawang heartbreaker, matinik din ito sa chicks. Ngunit nagbago ang lahat nung nakilala nya si Bee.

Nung muntik na mahulog si Bee sa kanya, bigla naming natuklasan na si Bolbough pala ang walang awang pumatay kay Blaze. Ngunit hindi yon tinanggap ni Bee. Hindi raw magagawa ni Bough yun kahit pa matitibay ang mga ebidensya laban sa kanya.



Flashback

4 years ago...

Pauwi na kami sa school nung pinahinto ni Bee ang SUV namin.

She's All ThatWhere stories live. Discover now