Chapter 20 - The Infiltration

42 7 0
                                    

RJ's POV

Halos di ako makaconcentrate sa ginagawa ko dahil sa naririnig kong mala-anghel na boses ni Bee. She was singing Sara Barielles song Breath Again.

All I have, all I need, he's the air I would kill to breathe
Holds my love in his hands, still I'm searching for something
Out of breath, I am left hoping someday I'll breathe again
I'll breathe again

Sinubukan kong mas magseryoso sa ginagawa ko. Kasalukuyang nasa kwarto ako ngayon ni Mica. Kung pano ako napunta dito sa kabila ng maigting seguridad ng Mala-palasyo nila bahay, yun ay dahil  sa aking karisma. Pinapasok ako ng isa sa mga katulong nila. Hindi ko na idedetalye pa ito dahil mas mahalagang matapos ko na ang ipinunta ko dito.

Tahimik kong ginalugad ang kwarto, bukud don, hindi ako ngiwan ng fingerprint at ibinalik ang lahat sa ayos. Malaki ang kwarto. Isang typical na kwarto ng isang bratinella. Sa mga dingding nito ay may nakapaskil na iba't-ibang larawan ng magkapatid. Ang nakapagtataka ay bakit wala akong makita kahit isang litratong kasama nila ang sinasabing ama. Hanggang ngayon kasi, nanatiling isang misteryo samin kung sino si Ricardo Lee. Kahit ang kwarto ng sarili nitong anak ay wala maiihahayag tungkol sa pagkakakilanlan nito. May nakita akong isang maliit na Photo Album. Maingat ko ito isinilid sa bulsa ng aking suit. Ganun kaliit ito kaya nagkasya. Wala akong mahihita dito, kaya nagpasya na akong umalis. Tumalon ako mula sa bintana gamit ang kakaibang kakayahan ko. Nagpalambitin ako sa mga puno malapit dun ng hindi gumagawa ng ingay. Oo, parang Ninja. Sumunod nun ay bumaba ng puno ng hindi napapansin ng kahit isa sa mga guwardiya sa baba nito, at naglakad malapit sa kanila ng hindi rin nila napapansin kung san ako galing.

"Uy, mga bossing, nag-eenjoy ba kayo sa party? Meron sana akong itatanong. San ba may CR dito? Taeng-tae na ako eh." tanong ko pa sa isa.

"Naku ser, bumalik po kayo sa party at magtanong sa mga serbidora dun. Ituturo nila ang palikuran sa inyo." mabait na usal nya.

"Oh sige salamat mga bossing." inayos ko sarili ko bago bumalik sa party.

Maririnig pa rin ang magandang boses nang aking kaibigan. Kahit sino ay hihinto sa paglalakad pag nasilayan mo na ang kumakanta. Her back is exposed due to her sexy dress. She looks so lovely tonight. Mala-diyosa kung ikukumpara. I can see that everyone's attention is on her. They were all under her spell. Walang kumakain, walang nag-uusap, lahat ay tutok sa napakagandang babae sa entablado. Tinapos nito ang kanta at tumayo. Nagpalakpakan ang mga tao.

Halos mabingi ako sa sigaw ni Louis sa earpiece ng communication device namin.

"Listen Guys! We have a situation. There's bomb in yhe premises, secure Bee and Liza now!!" sigaw pa nito.

Nagmadali akong maglakad patungo sa kinaroroonan ng ni Bee, ang entablado.

Theo's POV

Nasa taas ako ngayon ng bubong ng bahay nila Mica. Mula dito ay kitang kita ang lahat. Sabi sa blueprint, nasa baba ng mismong kinatatayuan ko ang master's bedroom. Mabilis kong sinuot ang mga gloves at nagumpisang bumaba roon. Hindi ako kasing galing ni  Louis sa parkour pero hindi mahirap sakin ang maglambitin at gayahin si Spiderman habang hindi napapansin ng sino man. Hiding our presence is one of our common skills. Parang mga modern ninjas, at si Bee ang pinaka-malupit saming lahat.

Nagawa kong makapasok sa kwarto ng walang kahirap-hirap at walang bakas. Tahimik kong sinuyod ang madilim n kwarto. Tsk. Mas mahihirapan ako nito. Sinuot ko ang night vision goggles ko. May finger print locator din ito.  Mabilis kong ginalugad ang mga lugar na may finger prints, lalo na sa pinakamarami nito. Ang safe ang pinaka maraming prints. Buti na lang ay may talento sa pagbubukas ng mga safe. I'm the right guy for this job.  Puro folders ang mga naroon. Tsk. How will I know the right one I need. Mabilis kong pinagtitignan ito. Kinuha ko ang isang manipis na folder na kumuha ng atentyon ko at mabilis na inayos ang mga kinalat kong gamit. Bago pa ako umalis, naglagay ako ng invisible  camera sa kwarto. Nung nakalayo na ako sa lugar na iyon, mabilis kong tinanggal  ang body suit ko at nagbihis ng party outfit ulit. Wew. It took me ten minutes and fifteen seconds, sino kaya ang pinakamabilis sa aming apat?

She's All ThatWhere stories live. Discover now