(RJ on top)
Bee's POV
Mabilis dumami ang mga tao sa Gym. Nabigla rin kame sa Surprise Friendly match ni Theo at Chase. Nasa assigned room kame kasama si Louis para tulungan syang maghanda. Mukhang kabado ito.
"Hey Thee... Relax. Nagawa mo nang talunin sya noon, mas lalo ngayon." kanina pa sya ini-encourage ni Louis.
"Wag tayo pakasisiguro Lou."
"Wag mo masyadong isipin Thee. Mag-enjoy ka lang sa laro. Ano man ang kalalabasan ng game, ok lang. Just try your best. Ok?" sabi ko sa kanya. Ngumiti ito sakin at inakbayan ako.
"Wag kayong mawawala ni Lou sa paningin ko ha." pakiusap nya samin.
"Oo naman." sagot agad ni Louis at tinapik tapik pa ang balikat ni Theo. "Kami ang coaches mo di ba?" mas napangiti na ito.
"So...Tara na?" yaya ko pa sa dalawa.
Nung lumabas kami sa kwarto, grabe ang tilian ng mga manonood! Nasa bleachers sina Vaugn, Bough at RJ. May dalang banner ang mga ito. Tinuro ko ang kinaroroon nila para makita sila ni Theo. Agad nagcheer ang mga to. Natawa pa si Theo sa mga itsura nila. Hinanda na ni Thee ang mga tako nya at iba pang kailangan sa laro. Hindi namin napansin ang pagdating ni Chase Lobregat.
"I'm really looking forward to this day Black Knight. Natutuwa akong makakalaro kitang muli." wika pa nya at lumapit sya upang makipagkamay kay Theo. Tinanggap agad ni Theo ang kamay nya.
"Hindi maganda ang pagkikita natin nung isang araw, pero sinisiguro kong bibigyan kita ng maganda at di makaklimutang laro Chase." napangiti ako sa sinabi ni Theo. Ang astig talaga nito.
"I'll expect that." then Chase eyes suddenly darted on me. "Bianca, I'm so sorry, I startled you last time. Nakalimutang sabihin ni Blaze nuon na delikado ka pala pag nagugulat."
"Nakaligtaan ding sabihin ni Blaze na may ibang kaibigan pala sya. You should be more polite to strangers Chase. Or shall I say, Kuya Chase, because you're older than me." sarkastikang usal ko.
"You can also call me Oppa, Bee. Hehehe."
"No, I wont."
"What ever pleases you. In time, makakapagusap din tayo nang maayos pati ng buong barkada mo. We have a lot of serious stuff to talk about." nadistorbo ang usapan namin ng biglang nagsalita na ang announcer at nagsimula na ang laban.
Mahigpit ang labanan nila ni Theo, pero sa huli, si Theo pa rin ang nanalo.
"Congratulations Black Knight. Wala ka pa ring kupas pagdating sa bilyar." bati pa ni Chase sa kaibigan namin. "Queen Bee, I'll be watching your game later." sabay kindat pa sakin bago ito naglakad palayo.
Kinakabahan ako habang nagbibihis ngayon sa locker room. The Team welcomed me nicely, pero itong sugat ko ang prinoproblema ko. Paminsan minsan kasi ay kumikirot ito. Hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko dahil baka pigilan pa nila akong maglaro ngayon. Masyado rin akong excited na makalarong muli, makalipas ng dalawang taon.
I fish tail braided my hair. Mas madali itong iterintas dahil mas maiksi na sya ngayon. Medyo maiksi pala talaga ang uniform namin. Tsk. Magwawala talaga sila nito. Nagsuot ako ng kulay maroon na knee support at arm band. Sinuot ko rin ang makasaysayang head band na bigay ni Kuya sakin.Lumaklak ako ng pain killers and then I'm set.
Pinupulong na ni coach ang buong team nung dumating ako. Nakangiti silang lahat nung sumali ako sa briefing.
"Uy! Si Bianca tol Oh! Astig."
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...