Vaugn's POV
Mabilis akong tumakbo para maabutan sya. Parang tambol ang pintig ng puso ko. Nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa mga mata ko habang mas binibilisan ko pa ang aking pagtakbo. Hindi mo kami matatakasan ngayon. Kailangan mo kaming harapin. Ilang dipa na lang ang layo ko sa kanya .
"Kuya?!" sigaw ni Bee na humihikbi na.
Huminto sya. Dahan-dahan itong lumingon. Mas lumala ang kaba sa dibdib ko. Isang malakas na pagsabog ang narinig ko. Kasabay nun ay ang paglabas ng napakaraming usok. Tear gas.
"Guys, wag tayong maghiwa-hiwalay. Bee hold on to anyone of them." utos ko pa. "Kelangan ko syang habulin."
"Vaugn, wag na. Si Bee, we need to bring her to the hospital!" nagitla ako sa sinabi ni Louis. Nung halos mawala na ang bumabalot saming usok, tsaka tumambad sakin ang walang malay na si Bee na buhat-buhat na ni Louis. Mabilis ko silang dinaluhan.
"What happened?"
"Over fatigue." sagot ni Theo.
"We'll go ahead. Tinatawagan na ni Theo si Alvin. Sundan nyo na yung lalake. Isama mo si RJ." usal ni Louis.
"No. We need to stick together. Everything tonight is weird. It bothers me. Kung si Blaze ang nakita natin, hindi nya tayo tatakbuhan. Patay na si Blaze, 4 years ago. We need to keep that in mind. Jay ikaw muna magdrive dahi---" hindi ko na natuloy ang sinasabi dahil nagulat ako kay RJ. Nakasalampak ito sa lupa at parang wala sa sarili. "Jay!?" mabilis ko syang nilapitan.
"Blaze? Vaugn si Blaze yun! Si Blaze yun. Im not hallucinating. I saw his face before he left." sabi pa nito. Nanlaki ang mata ko.
"Jay, hindi si Blaze yun. Pinaglalaruan tayo ng kalaban. They're just messing up with our emotions. Alam nilang magugulo utak natin sa ganitong paraan."
"No Vaugn. Si Blaze yun. He's Alive!" sigaw nya sakin habang umaagos na ang luha sa mga mata.
"Listen to me Ryan James! That's not Blaze. Hindi tayo lolokohin ni Blaze. Patay na sya. Matagal na. If He's alive, he should have come out long time ago para hindi na natin dinadanas ang stigma na dinulot ng pagkawala nya!" napayuko si RJ matapos kong sabihin yun.
"You're right. Hindi nya tayo pagtataguan ng ganito." mahinang usal nya. Lumapit ito kila Louis na kasalukuyang naka-upo ngayon sa damuhan habang akay akay pa rin si Bee na wala pa ring malay. Nakita kong pinupunasan ni Theo ang maduduming paa ni Bee. Nung makalapit na si RJ sa kanila, mabilis itong lumuhod sa tabi ni Bee. Hinagkan nito ang noo ni Bee. "Im sorry Bee. He isn't real." usal pa nya habang umiiyak. At hindi ko na nakayanan pa ang kanina pa ang naka-ambang mga luha na mahulog ng tuloy-tuloy. Humahagulgol si RJ habang paulit ulit ang paghalik sa kamay at noo ni Bee. Napansin kong umiiyak rin pala si Louis ng tahimik habang pinagmamasdan si RJ. Habang si Theo ay nanatiling nakayuko. This is driving me insane.
"Tara na. Masyado tayong napagod lahat at kailangan ng pahinga. I'll drive." yaya ko sa lahat.
It was past eleven o'clock nung makarating na kame sa Mansion. Naroon na sina Alvin at Peachy, at sinalubong agad nila kame sa bungad pa lang ng pintuan.
"Kumusta si Young Miss?!" natatarantang tanong ni Peachy. Maluha luha itong lumapit samin.
"Alvin, sobrang pagod lang kaya sya nawalan ng malay, pero, tignan mo pa rin sya." wika ni Louis.
Ibinaba nya ng maingat si Bee sa kama nito. Nakita kong pinapainom ni Theo si RJ ng pangpakalma. Nagsimula ng tignan ni Alvin si Bee.
"She'll be okay. Tell me, Vaugn... What happened?"
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...