Bee's POV
Nakatitig ako sa mga mata ni Vaugn. Unti-unti napalitan ang mga mata nitong galit sa awa. Lumuhod sya upang maging magkalevel kami, habang ako ay nanatiling nakaupo. Umiiyak pa rin sya. Nanatili din sina Louis at Theo sa makabilang tabi ko, nakaagapay sakin at puno ng pag-aalala ang mga mata. Kapansin pansin ang panginginig ng tuhod ko. Hindi ko alam kung dahil sa lamig ba ng ihip ng hangin o sa pagpipigil ko sa sarili kong maglabas pa ng matinding emosyon ngayon. Napakalapit nilang lahat sakin. Kahit ang tibok ng puso ko ay maririnig na nila.
Hinawakan ni Vaugn ang makabilang pisngi ko. He was holding it gently like I am a fragile object. Nanginginig ang mga kamay nito.
"Bee... You don't need to do this on your own. You don't need to hide this from us. We are your family." gumagaralgal ang boses nito. "We can protect you. We can protect each other. You should know that." pabulong nyang sinabi ang huling linya at hinalikan ang noo ko.
Tumango ako. At nanglid na ulit ang mga luha ko.
"Lingid sa kaalaman nyo... palihim kong dinadalaw si Bough sa Mental Institution." papatuloy ko. Lahat sila ay seryosong nakikinig sakin. "I need to dig deeper. Nalaman kong matagal na silang magkakilala ni Kuya nuon. Pareho silang myembro ng Mafia. Ang sabi ni Bough, sumali si Kuya upang makasagap ng impormasyon sa pagkamatay nila mama nuon, samantalang si Bough ay may sarili ding personal na dahilan. Kumikilos sila ni Kuya ng palihim upang di mabisto ng grupo. Hindi si Bough ang pumatay kay Kuya. Oo, binaril nya si Kuya, pero sa binti lamang. Yun ang usapan nila ni Kuya. Nagulat na lang daw siya nung may narinig syang magkasunod na putok at nakita na nyang nakahandusay na si Kuya Blaze sa lupa." kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila.
"Teka. Ang ibig mo sabihin frame up ang naganap?" biglanv tanong ni Vaugn.
"Oo. Ganun na nga...Nung unang araw kong dinalaw si Bough sa kulungan, sinabi nya sakin ang lahat at pinagplanuhan namin ang bawat kilos. Ako ang nag-suggest sa kanyang magpanggap na baliw upang di sya makulong at ilipat sa bilibid. Nang sa gayon ay malaya ko syang madalaw." paliwanag ko.
"Lahat ng kilos natin ay batay sarado. Kaya all these time... tinago mo?" usisa ni RJ.
"Oo. Ang nangyari sakin kanina ang patunay. They know all our weakness. Alam nilang hindi ako marunong lumangoy..."
"Pero hindi nila alam kung ano ang mga kakayahan natin." biglang sabat ni Theo. "It's our nature to protect each other... Yun ang hindi nila alam."
"Tama si Thee. Hinding hindi namin hahayaang mangyari ulit yun. Ipinangako namin yan kay Blaze." dadag pa ni Louis.
Biglang may narinig kaming kaluskos sa dilim. Alisto agad sina RJ at Vaugn, at sinugod ang nagiingay. Bigla akong kinabahan. May nakamasid samin the whole time na naguusap kame.
"Lou, ipasok nyo na sa bahay si Bee!" utos ni Vaugn bago nilamon ng dilim.
"Hindi... wag tayong maghihiwalay. Delika---" hindi ko na matuloy ang sinasabi nung magtangka akong tumayo. Biglang umikot ang paligid ko, and the next thing I saw was all black.
RJ's POV
Mas mabilis ang hinahabol namin. Mas mabilis pa kay Vaugn na isang 200-meter Dash Champion. Tinalasan ko ang pandinig ko at nilinawan ang mga mata sa dilim. Kung sino man ang hinahabol namin, wala na akong makitang bakas na naririto pa ito sa paligid. Hingal na hingal kaming bumalik sa suite. Naabutan naming walang malay si Bee sa kama habang pinupunasan ng bimpo ni Theo. Si Louis naman ay kinukuhaan sya ng temperatura gamit ang thermometer. Sumilay ang pag-aalala sa mga mukha namin.
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...