(Louis on top)Louis' POV
Pagkauwi namin sa Mansion diretso agad kami sa music room para magpraktis.
Isang medley ang kakantahin namin. Kelangan naming praktisin ang papalit palit na beat at music nito, at hindi madali yun. Anim na kanta ang naisipan naming pagisahin sa isang 15-20minutes na production number sa isang night show ng Intrams.
Dalawang oras din ang ginugol namin bago na-perfect ang lahat. Pinagmasdan namin si RJ at Bee na mag-Choreograph para sa ipapakitang talent ni Bee Pageant. Sasayaw ito. Medyo makikita mo pa rin nahirap ito sa paggalaw dahil napapangiwi ito sa mga Liftings nila. Kitang kita namin ang dobleng ingat ni RJ sa kanya. Memorize pa ata nito kung saan may tama si Bee.
"Ok kalang ba Bee?" nag-aalalang tanong ni RJ. Tumango lang ito sa kanya. Bumuntong hininga si RJ. "Ganito na lang. Ipapakita natin sa kanila ang tunay mong talento. May ipapapraktis ako sayo." kumuha ito ng itim na tela at piniringan si Bee.
"Jay? Ano to?!" tanong pa ni Bee sa kanya.
"The Blind dancer. Ikaw lang ang makagagawa nyan. Dance without sense of sight. Unique, at the same hindi maii-strain ang tagiliran mo sa dami ng Liftings. Memorize mo naman ang mga steps di ba?" paliwanag ni RJ. Tumango rin si Bee. "Kung ganun. Subukan mong sumayaw ngayon. Mas relax din dahil hindi mo makikita ang mga manunuod. Bawas kaba."
"Teka, Jay. Parang mas delikado ata yan." pansin din ni Theo. Yes it's too dangerous.
"Baka mahulog si Bee sa stage." dagdag ko pa.
"You seriously believe that would happen?" nagitla kame sa seryosong tanong nya samin pareho. "She is no ordinary dancer Lou, Thee. She has fast reflexes and upgraded senses. Kaya nya ngang magpatumba ng maraming kalaban sa dilim ng hindi pinagpapawisan. Sumayaw pa kaya sa malaking stage?" naiintindihan namin ang sinasabi ni RJ. Walang pag-aalinlangang magagawa yun ni Bee ng walang kahirap hirap. "And besides, nandyan naman kayo. You wont allow that to happen." medyo naguluhan ako sa huling sinabi nito.
"Wait? What are you talking about?" tanong ko agad.
"Kayo ang sasayaw kasama ni Bee sa Pageant." sagot nya pa ng pabulong. Iniingatan nyang hindi marinig ni Bee ang mga sinasabi. "Look, I may not be there by that time, kasi posibleng nasa Finals pa ako ng Tennis match. Tinignan ko ang schedule. Kaya kelangan ko kayo. Kelangan ko ng fall back." paliwanag nya ulit samin. Sumasayaw na si Bee ngayon at nasisiguro kong hindi nya kami naririnig ngayon. "You're doing great BeyBee!" papuri nya kay Bee, habang nagpaikot ikot ito na parang Prima Ballerina. "You need to help me guys." tumango lang kameng dalawa ni Louis pero nakakunot parin ang mga noo.
"Marunong kaming sumayaw, pero hindi kami kasing husay mo Jay." sabi ko pa.
"Oh come on Lou. Stop putting your self down. You're a Genius. Same as you Thee. Sisiw ang mga ganitong bagay sa inyo. Ipapakita ko sa inyo ang mga gagawin nyo. We well practice discreetly." he is really convincing us to participate on this. "Bee... Dont be afraid to move. Trust in your senses, trust in me. Hindi kita hahayaang madisgrasya."
"Yes Jay. Ok I'll do it one more time." sigaw pa ni Bee. Hindi nito inalis ang piring at nagsimulang muli sumayaw.
"Do you both agree now?" tanong samin ni RJ. Tumango naman kaming pareho. "Good. Thanks guys."
Kinabukasan...
Nasa Gym kami ng buong tropa ngayon at hinihintay ang laro ni Bough. Kagagaling lang rin namin sa field para suportahan si Vaugn sa 200 meter dash nito. Siya ang nagchampion gaya ng inaasahan. Nakasalumbaba si Bee habang pinagmamasdan ang basketball court.
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...