Chapter 17- (GAU) God's Among Us

61 7 0
                                    

Mica's POV

Katabi ko ngayon si Unni habang naghihintay nang next instructions galing mga organizers. Lahat kasi kami ngayon ay nagsisiksikan sa deressing room dahil bawal daw kaming lumabas.

Pinagmasdan ko ang katabi ko. Wow, she's so stunning. I heard sa mga kaibigan nya babae kaninang sina Megan at Crissa na 5 minutes lang daw ang make-over nito. Nagkaproblema daw kasi ang magbabakarda at wala ni isang props at damit si Unni na dala. But Im totally amazed sa resulta ng 5minutes, ano pa kaya kung may mas itinagal pa ito?! Maya-maya pumasok ang isa sa mga organizers sa kwarto.

"Girls, ito instructions. May surprise band na kakanta ngayon, on our cue, lalabas kayo sa stage sa second song nila." paliwanang pa nito.

Dalawang minuto din ang nakalipas bago namin narinig ang boses ng host.

"Everyone, we are proud to present to you our surprise band for tonight."

Biglang sumigaw ang isa sa mga kandidata.

"OMG! Gurls, labas tayo, nasa stage yung mga hot guys na nagpunta kanina dito!"

Wait a minute?! Is she referring to Unni's friends? Nanlaki din ang mga mata ni Unni. Nagsi takbuhan na agad ang mga babae palabas ng dressing room papuntang bungad ng backstage.

"Lets Welcome... GAU!" dinig naming sigaw pa ng host.

"What the F*ck!" mura pa ni Unni. "Ano na naman ang mga pinaggagagawa ng mga yon!"
galit ito kumaripas ng takbo palabas na rin ng dressing room.

Hey, hey, hey, hey
Hey, hey, hey, hey
Hey, hey, hey, hey
Hey, hey, hey, hey

Umingaw-ngaw na ang mga boses nila sa sound system na may kasabay na tunog ng guitara. Isang sikat na kanta ng 5SOS ang tinutugtog nila ngayon. OMG! I wanna see them play! Mabilis na sinundan ko si Unni.

Bumulaga sakin ang mga inaasahan kong makita, pero labis-labis pa rin ang pagkagulat ko. Naka-Black polo shirt silang lahat at tutulo ang laway mo dahil bukas ang mga butones nito. Nanunukso ang mga Abs nilang apat!

"Unni, Anong ibig sabihin ng GAU?" tanong ko ky Bianca.

"God's Among Us. Banda namin nung highschool." paliwanag nya pa. What?!!!

Ganun nalang ang pagkawindang ko nung makita ko kung sino ang nasa drums. Si Ryan James!!! Nakabandana pa ito sa may noo, at ang astig nyang tignan. Napatalon ako nung nagsimula na syang magdrums!

Oh My Gadd!!! Super cool talaga. Nagsimulang kumanta Si Louis at nag hiyawan ang mga manunood! Maganda pala ang boses nya!

Simmer down, simmer down
They say we're too young now to amount to anything else
But look around
We work too damn hard for this just to give it up now
If you don't swim, you'll drown
But don't move, honey

Nagkagulo na ang lahat nung kinanta na nila ang chorus. Hindi ko akalain talaga. Ang gagaling nila!!!

Halos parang sardinas na kameng nanonood dito. Kaya nag-isip ako ng paraan para makapanood ng maayos. Hinatak ko si Unni para makipagsisikan sa mga ibang kandidata.

"Uy, Ano yun!? Waaah, Ipis! Ipis!" sabi ko pa habang umaarteng kunwari ay may nakita akong ipis pero ang totoo,wala naman talaga.

Nagsitakbuhan ang mga babae papuntang likod at naiwan kameng dalawa ni Unni sa kinatatayuan namin. Ngayon ay malaya na kaming nanonood ng hindi nakikipagbuno sa mga pangit naming kasama.

She's All ThatWhere stories live. Discover now