Miguel's POV
She gave me an expressionless eyes. Mas hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Parang di ko na kilala sarili ko. Anong nangyari sayo Miguel Luis Sanchez? Tanong ko ngayon sa sarili ko habang napapamaang.
Kilabot ako ng kababaihan sa Ilocos. Ang Dakilang Ilocano Heartbreaker. Yan ang bansag sakin ng lahat duon. Kahit sinong babae, mapa taga-roon o turista ay nahuhumaling sakin, except this girl. I can't get enough of her. She's really way too far different from others. Parang isang limited edition ng isang pabango o mamahaling gamit na hindi mo makikita o maaamoy ng madalas. I can't stop starring at her. Tinamaan talaga ako ni kupido. Her expressive eyes, the perfection of her nose, pink luscious lips...parang ikamamatay ko kung di sya magiging akin balang araw.
Tumalikod ako bago pa nya makita ang reaksyon ng pagkadismaya sa mukha ko. Mahirap na baka ma-misinterpret nya at lalo pa ng nga kaibigan nya. She's like Cinderella. Parang nababalot ng mahika ang pagkatao nya. Misteryosa, tahimik at di madaling makuha. Hindi sya tulad ng ibang babae na playing hard to get. Kakaiba sya sa lahat dahil she is genuine and unique at all cost. Napabuntong hininga ako habang naglalakad palayo sa kinaroroonan nya at ng barkada nya. How to get next to you, Bianca Elise Enriquez?
Louis' POV
Hindi mawala sa isip ko ang mga titig ng ulul na Miguel na yon kay Bee. Kanina sa tambayan, kung hindi mismo si Bee ang nagtaboy sa kanya ay mababangasan ko talaga ang gagong yon. He's too dangerous, hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang kaba ko pag nakikita ko yong lumilitaw sa paligid namin.
"Tss. Ipapa-background check ko talaga yun." biglang usal ni Theo. Mahina ang pagkasabi nito pero hindi nakatakas sa matalas kong pandinig. Napangisi ako.
"Gagawin mo talaga yon?" na-surpresa sya sa tanong ko.
Di siguro nya akalain na narinig ko ang halos pabulong nitong sinabi. Nakasalubong ang mga kilay nito at naglalapat ang mga labi. Kokonti na lang magiging kamukha nya na ang isang charcter sa Sanrio, Si Badzmadz Maru. Huh?! Bat ko nga ba naisip ang mga bagay na iyon. Namamangha na naman ako sa sarili kong pag-iisip. Iba ka talaga Louis, daig mo pa tong si Theo. May sarili ka ring mundo.
"Sa tingin ko tama naisip mo...Ako ang una mong babalitaan tungkol sa resulta ng profile checking na yan." sabi ko pa sa kanya. Lumiwanag bigla ang mukha nito. Tss. Paraning talaga to.
"Oo naman, bukas na bukas, may balita na tayo agad. I hate see him near Noona." usal pa nya habang tinitipa ang Iphone nya. "There. It's done!"
Kaya kami ni Theo nakakapagusap ng mga ganitong bagay ay dahil wala si Bee ngayon sa upuan nya. Ibinalik namin sa harap ulit ang atensyon naming dalawa.
Kasalukuyang nasa harap kasi ng pisara si Bee at sinasagot ang mga Math problems ng nantri-trip namin Professor. Pambibira. Wala talaga itong kakupas-kupas pagdating sa Math. Nasa 35th problems na sya ngayon. Halos mailuwa na ng Professor namin ang mga mata niya dahil hindi ito makapaniwala sa nakikita. Pffft. Kasalanan nya, kung mangtritrip na lang naman sya, sana sinigurado nyang hindi Math Genius ang mapipili nya. Yan tuloy, Boom Panes! Hahaha.
Pigil ang tawa namin dito ni Theo sa kinauupuan namin. Nung lumingon ako, hindi ko na napigilan ang talaga ang mga tawa ko.
"Nyahahaha." epic ang mga itsura ng mga kaklase namin. Nakabukas ng mga bunganga at nakaluwa ang mga mata. Ngayon lang ba sila nakakita ng Math Genius? "Hoy! Itikom nyo nga mga bibig nyo... baka pasukan yan ng langaw." Mahinang usal ko sa mga nasa likod ko.
"Wow Lou... Tao ba yang kaibigan mo? Tingin ko kasi Diyosa sya." tanong pa ni Gener, isa sa mga classmate namin.
"Akala ko talaga Si Theo lang ang Genius mong barkada... Tatahimik tahimik lang si Bianca pero.... Woah! Ang astig!" dagdag pa Yules. Umiiling iling pa ito.
YOU ARE READING
She's All That
RomansaAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...