Chapter 16 - Like a Spell

49 9 0
                                    

Damang dama ko ang pagtipa nag bawat nota ngayon sa piano. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaang lokohin ang sarili ko na nagiisa lamang ako ngayon at wala ang mga manonood. Nung binuksan ko ang mga mata, agad kong nakita ang mukha nya. Nakatitig sa akin na parang may kakaiba sa ginagawa ko. Parang ako lang ang nakikita nya sa oras na ito.

Nasa pinakataas silang mga bleachers sa kaliwang bahagi ng Gym. Mula rito sa kimauupuan ko habang tumutugtog, ay kitang kita ko silang lahat. Ngunit, na kay Louis lang ang buong atensyon ko.

Spell by Marie Digby

A spotlight's shining brightly
On my face
And I can't see a thing
And yet I feel you , looking my way

An empty stage
With nothing but this girl
Who's singing this simple melody
And wearing her heart on her sleeve
And right now...

Kitang kita kong umawang ang bibig nya habang kinakanta ko ang bawat stanza ng kanta. Hindi ko mapigilang ngumiti. Parang bumalot ang matinding kasiyahan sa puso ko ngayon. Nararamdaman mo rin ba Louis? Yan ang nasa isip ko habang inaabot ko ang mataas na tono ng kanta. Kumunot pa sandali ang noo ko sa tindi ng pagpigil kong maglabas ng emosyon sa kinakanta. Oo, naalala ko na ang lahat ng sinabi ni Louis nung gabing yon, pati nung nasa Batanes kame. Naalala yun ng puso ko. At kahit anong pilit kong itanggi at kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya, kusa itong pumapaibabaw sa utak ko. Suppressing won't help but I need to endure this.

I have you
For a moment I can tell I've got you
Cause your lips don't move
And something is happening
Cause your eyes tell me the truth
I've put a spell over you...

Hindi ko na tinapos ang buong kanta. Agad kong naalala na sa entablado pala ako ngayon at maraming nanonood sakin. Naalala ko si Kuya. Kung nabubuhay kaya sya, panonoorin kaya nya ako ngayon? May maliit na butil ng luhang nahulog sa mga mata ko. Naiisip ko ring mag-alay ng isa pang kanta para sa kanya. Hinayaan ko muli ang sariling damhin ang intro ng kanta ng Evanescence. Memoriado ko ang pyesa, dahil lihim ko itong tinutugtog kung naaalala ko sya.

My Immortal

I'm so tired of being here
Suppressed by all my childish fears
And if you have to leave
I wish that you would just leave
'Cause your presence still lingers here
And it won't leave me alone

These wounds won't seem to heal
This pain is just too real
There's just too much that time cannot erase

Tumigil ako sa pagkanta at mas nagconcentrate sa pagtipa ng mga nota. Naisip kong i-shortcut ang kanta at tumuloy agad sa bridge nito. Ito kasi ang pinakagusto kong sabihin kay Kuya ngayon.

I've tried so hard to tell myself that you're gone
But though you're still with me
I've been alone all along

When you cried I'd wipe away all of your tears
When you'd scream I'd fight away all of your fears
And I held your hand through all of these years
But you still have all of me
All of me... All of me...

Kuya...kulang na kulang pa rin ang pagkatao ko kung wala ka.

Ang akala ng lahat ay tapos na ang perfomance ko pero bigla akong may naisip. Gusto ko ring maghandog ng isang kanta para sa kanilang apat.

She's All ThatWhere stories live. Discover now