(Vaugn and Louis above)
Bee's POV
Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. 4:45AM. Mabilis kong naalala na Intrams nga pala ngayon at walang klase. Kailangan lang magpakita sa class president at magsign ng attendance. Nagtaka muna ako kung bakit wala ako sa kwarto ko, at nung mag sink in sakin ang mga kaganapan kahapon, agad akong nakadama ng matinding kalungkutan. Umiiyak na naman ako. Ilang sandali pa ay nagpasya na akong bumangon. Tinungo ko agad amg kwarto ko. Malinis ito. Kahit isang gusot sa mattres ko ay walang makikita, ibig sabihin, walang natulog dito. Malungkot akong umakyat muli pataas at natulog.
Alas diyes na nung nagising ulit ako. Matinding gutom ang maramdaman ko kaya tinungo ko agad ang kusina at nagsimula ng magluto. Nakakabaliw ang katahimikan sa bahay. I feel so lonely and helpless. Hindi ko man lang mawari kung may kasama ba ako sa pamamahay na to sa oras na ito. Nakakapanghina. Nakakapanglumo. Nagsimula agad akong magluto ng tanghalian. Gaya nang dati, marami akong niluto kahit hindi ko alam kung sasaluhan ba ako ng tatlo matapos ang nangyari kahapon. This is our first big fight. Nangangapa ako sa mga gagawin at kung papaano ko sila susuyuin. Unang-una sa lahat, paano ako magpapaliwanag sa mga kilos ko kahapon at paglilihim ko. They will surely put me on hot seat. Sa oras na malaman nila ang totoo ay mas ikagagalit nila iyon. Oh God. What can I do? Si Vaugn lang ang bukod tanging makakresolba sa lahat ng nangyayari ngayon.
Saktong 12 noon sila nagpakitang tatlo sa akin. Hindi ko na nakayanan ang gutom ko kaya kasalukuyang nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko.
"Kain na." yaya ko sa kanila. Tinignan lang ako ni Louis ng ilang sandali at nag walk out bigla ito. Hindi ko mapigilang malungkot. "Theo... Niluto ko ang paborito nyo."
"Wala akong gana." yun lang ang sambit nya at iniwan akong laglag ang panga.
"Jay?" sinubukan ko ring yayain ito. Kumpara sa dalawa, hindi matalim ang tingin nya sakin.
"Busog pa ako Bee. Galing kaming bachoyan kanina eh. Sige lang. Enjoy your lunch." malamya nito sagot sakin. Sinubukan nya pang ngumiti pero bakas sa mukha nya na napipilitan sya. "Alis na muna kami." paalam pa nya. Nung hindi ko na makita ang mga likod nila, agad na bumubos ang luha ko.
Pasadong alas dos na ng hapon nung dumating ako sa university. Nagpapasalamat ako sa kambal at mabilis silang tumugon sa pagtawag ko. Hinihintay nila ako sa entrance gate nung dumating ako.
"Unni!" bakas ang lungkot sa mukha ni Mica nung sinalubong nila ako ni Geneva. "Are you Ok?!" ikinuwento ko sa kanila ang lahat. Kailangan ko kasi talaga ng makakausap. Tumango lang ako sa kanila. Magkakasama kaming pumasok sa university.
"Uy tol, walang kasama si Bianca oh... Lapitan mo na." dinig ko pang usal ng isa sa mga kalalakihang tambay sa may entrance.
Hindi ko sila pinansin at naglakad lamang. Nung makarating ako sa sinasabing attendance room, agad akong pumirma at umalis din. Sinamahan din ako ng dalawa at nanatiling tahimik.
"Ate Bianca... Ayokong nakikita kang ganyan." nakakunot noo usal ni Geneva sakin. Makikita mo ang sobrang pagaalala sa mukha nya. Kumakain sila ng meryenda ng kambal nya samantalang ako ay hindi man lang ginalaw ang pagkain binili nila para sa akin.
"Busog pa ako guys eh. Kumain lang kayo." sabi ko pa at nginitian sila ng malamya.
"Alam mo Mi... Dapat hindi ganito eh. Dapat pasayahin natin to. Hmmm. Mag pa Spa tayo, may alam akong bagong bukas lang." yaya pa nya.
"Ay gusto ko yan kambal! Waaaah! At sa ayaw at sa gusto mo Unni, sasama ka." hirit pa ni Mica. Pareho nila akong hinila papunta sa kotse nila.
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...