Chapter 8 - Batanes ( Part 2)

102 9 0
                                    

Bee's POV

Naalimpungata ako. Nasa kama na ako ngayon ngunit wala akong mga kasama. Nasaan kaya sila? Bukas ang bintana at nilalamig ako sa hangin na nanggagaling dun ron kahit na naka-comforter ako.

"Nagiinuman pa kaya ang mga yun?" tanong ko sa sarili ko.

Lumabas ako ng suite pagkatapos mag-suot ng jacket. Hindi ako mapakali kung hindi ko sila nakikitang tulog o di kaya ay nasa tabi ko na. Hindi ko maiwasan ang mag-alala ng lubusan pagkatapos ng mga nangyayari these days. Muntikan na ako kanina.

Natagpuan ko sila na nasa isang cottage. Tama ang hinala ko. Nag-iinuman pa rin ang mga unggoy na to. Nakapagtataka lang dahil seryoso silang lahat. Anong nangyayari? Naisip kong wag nang lumapit  masyado at mag matiyag na lamang sa isang tabi.

Si RJ ay umiiyak ngayon, parang naglalabas ng sama ng loob sa mga kaibigan. Napilitan akong mas lumapit para marinig ang mga usapan nila.

"Tol, kung alam nyo lang ang naramdaman ko nung makita ko si Bee sa ganung situation kanina... Naalala ko si Blaze! Ayokong mawalan ulit ng kaibigan. Lalong lalo na si Bee!" mararamdaman mo ang pighati sa mga salita na. Halos madurog ang puso ko. Masyadong malaking epekto sa kanila ang dinulot ko sa maling desisyon ko kanina. Parang binuhusan akong ng nagyeyelong tubig, lalo na nung maalala ko ang mga itsura nina Louis at Theo pagkatapos nila akong ma-revive.

"Jay tama na. Hindi naman natin hahayaang mangyari yun." sabi pa ni Vaugn. Pinipilit na pakalmahin ang kaibigan.

Nakita kong inilibing ni Louis ang mukha nya sa mga palad nya. Ilang sandali lang ay umagos din mga luha nito, kasabay din ng mga sarili kong luha. Gaya ng dati, wala kang maririnig na hikbi o kahit anong tunog ng pagiyak nito. Masyado syang marunong magkontrol sa emosyon nya at tanging ang mga luha lang ang nagsasabing sobra syang nasasaktan ngayon.

"I thought we lost her for a second. Hindi ko alam ang gagawain ko kung nagkataon." tanging sambit nya habang nakatingin sa kawalan.

Hindi po maiwasang maalala ang mga pagkakapareho ng mga pangyayari ngayon sa nangyari noong tatlong taon na ang makalipas sa batanes habang nag-iinuman din sila.

Flashback

3 years ago...

Hindi ko inasahan ang pagbibreakdown ni RJ. Hanga ako sa ginawa nya. Buong akala naming magkakaibigan, ay ok lamang sya. Sa kanilang apat, si RJ ang pinaka malapit kay Kuya Blaze. Sinasamba nya ito.

Nung mahimasmasan na sya, umasta na ulit ito na parang walang nangyari.

"Oi, tagay ulit!" alok nya pa samin.

"Dahil umiyak ka, dalawang shots ang sayo." sabi pa ni Louis.

"Ako iinom ng isa nya." at kinuha ko ang unang inihandang shots para kay RJ. Hindi po pa man ito naabot ay pinigilan n ako ni RJ.

"Bee naman. Tirhan mo naman ako ng dignidad bilang isang lalake. Pagkatapos mo kong paiyakin?! Akin na nga yan Lou! TATLO iinumin ko!" he declared. At sunod sunod na nilagok ang 3 shots. Mayabang talaga tong kumag nato! Tss. Akala nya ba nilalagok lang ulit ang nawalang dignidad?

"Ulul!" sabi ko pa. Nagitla ako sa biglaang paghatak ni RJ at pagkulong nito sakin sa mga bisig nya.

"Tss. Amazona. Gagantihan din kita balang araw." bulong pa sakin.

"Bee. Date naman tayo paguwi natin." biglang usal pa ni Theo.

"Wow. Bat bigla kang nagalok?... Sure basta ba ikaw taya."

She's All ThatWhere stories live. Discover now