Chapyer 37 - Family Reunion

67 8 0
                                    

Mica's POV

Nagising ako sa di kilalang kinsame ng bahay. Wala ako sa kwarto ko. Agad bumalik ang lahat ng nangyari sa akin kagabi. Napangiti ako nung makita ko ang kakambal kong nakayakap sakin. Pinagmasdan ko ang mukha nito. Marami kaming pagkakapareho pero hindi mo mahahalata na kambal kame. Syempre maganda syang tulad ko, Hehehe. Lakas ng apog! Mas soft lang ang features ko sa kaniya. Ofcourse, she's fiercer than me. Braver than me and much stronger, because she've been through hell. Hindi pa rin ako makapaniwalang napagdaanan nya iyon lahat dahil sa kinilala kong amang si Ricardo Lee. 

Dahan dahan akong gumalaw upang hindi ko sya magising sa pagbangon ko. I am a morning person. Maaga talaga akong nagigising. Ngunit ngayon na nasa ibang tahanan ako, ano naman ang gagawin ko at saan naman ako pupunta? Ilang sandali pa, matapos kong maligo at mahbihis ay napagpasyahan ko nang lumabas at bumaba. Nagpapasalamat ako sa magagandang damit na ipinahiram sa amin ni Unni. Ang swerte ko na may nakilala akong kaibigang tulad nya. Pinasadahan ko muna ng tingin ang kakambal ko bago ko ito hinalikan sa pisngi. Napakasarap pala ng pakiramdam ng may totoo sa paligid mo. Totoong kapatid at mga totoong kaibigan. Biglang sumagi sa isip ko, panu kaya kung may natira pa kaming totoong magulang. Wala na siguro akong mahihiling pa.

Nasa ikalawang palapag ako ngayon ng mala-palasyong bahay ng magtrotropa. Super laki talaga nito. As in, malulula ka sa laki! Parang bahay lang nina Dao Ming Tse sa Meteor Garden. Mawawala ka talaga kung tatanga ka. Katulad na lang ngayon, Hehehe. Hindi ko na malaman kung san ako liliko dahil sa lawak ng hall at dami nang mga pasilyo dito. Isang kwarto ang nabuksan ko. Kulay dark blue at puti ang loob nito. Cool.Malinis at mabango. Sa unang tingin pa lang, alam na alam ko nang kay Louis Oppa ang kwartong ito. Nakumpirma ko nga ang aking hula nung makita ko na ang isang napakalaking portrait ni Louis Vincent. Napakagwapo nito sa Dark blue na suit sa portrait. Katabi ng portrait ay isang kasing laking litrato nilang limang magkakasama. Nakaupo si Unni habang nasa likod nya ang apat. They look so elegant and powerful. Para silang mga maharlika, mga prinsipe at prinsesa sa isang kaharian na nakasuot lamang ng modernong kasuotan. Unni was wearing a maroon off shoulder dress. She' always stunning. Mabilis kong inikot ang kwarto at pinangatawanan na ang pagiging invader ko. Sa tabi ng maliit na sala nya ay may nakaset up na iba't-ibang string instruments. Tsanta ko, puro mamahalin ang mga guitara niya. Sa kaliwang bahagi ng kwarto ay ang study table nya. Hmm... Ang dami nyang books. Mini library na ata ito. Dalawang minuto rin ang itinagal ko sa loob ng kwarto ni Louis Oppa at lumabas na rin agad.

Sumunod na napasok ko ay isang kwartong leafy green naman ang tema. Ang ganda nito rin tulad ng nauna. Nung makita ko ang malaking Billiard table sa kanang bahagi ng kwarto, mabilis ko nang nahulaan ang mayari nito. Tulad ni Louis, may portrait din si Theo Oppa at sa tabi nito ay ang kaparehong litrato nilang lima.  Tulad ni Louis din, puno rin ng string instruments ang kwarto niya. Nagsimula akong magtaka sa linis at ayos ng mga kwarto napasukan ko. Para bang hindi ito nagagamit. Wala man lang akong makitang kahit isang alikabok roon, pero yung ambiance kasi nang bawat kwarto ay parang uninhabited. Lumabas ako roon at nagpatuloy sa paglalakad sa hallway. Napangiti ako nung mapansin ko ang uniformity ng mga kwarto. Kahit kasi yung door rug ay may temang kulay. Dark blue at puti para kay Louis, Green para kay Theo Oppa, at ang dalawa pang kwarto duon ay nasisiguro kong  ganun din.

Hmmm... Saan kaya dito sa dalawa ang kwarto ni Ryan James?

Una kong pinasok ang mapormang door rug na black and yellow. Mabilis kong nakita  ang portrait ni Ryan James.  Ang pogi talaga nito. Walang wala sa kanilang apat ang mga matinee idols at celebrities. Bukod dun ay idagdag mo pa ang mga marami nilang talento at ang napaka gandang mga katawan. Mga diyos na bumaba sa lupa.

Iginaya ako ang paningin sa buong kwarto. May isang drum set sya sa kwarto, isang cello at may mini gym. Woah, kaya pala ganyan ang katawan nya. Sarap! Hehehe.

She's All ThatWhere stories live. Discover now