Chapter 42 - Love and Rage

51 9 0
                                    

RJ's POV

"Oh Meg...What?!" hindi na pinatapos ni Louis ang sinasabi ng kausap nito sa kabilang linya at nagmadaling tumakbo. "Bee's in trouble." sigaw pa nya sa amin habang hindi pa nakakalayo.

"F*ck!" malutong nagmura si Theo habang tumatakbo kasabay namin ni Louis. Halos hindi ako huminga habang tumatakbo.

Bigla naming nasalubong sina Liza, Bough at Vaugn sa may pathway. Mabilis na humarang si Vaugn samin.

"Si Bee!" yun lang ang naisigaw ko at agad na automatikong sumunod sila ni Bough saming tatlo.

"Loves, go to the grand stage, wait for us there!" utos pa ni Vaugn sa syota bago humabol samin.

"Please take care!" sagot ni Liza sa kanya.

Sa di kalayuan nakita namin ang mga lalakeng nagkukumpulan. Shit! Mga walang bayag! Nananakit ng mga babae! Agad na nahanap ng mga mata ko si Bee. Apat ang napatumba nito sa isang galaw. Galing talaga ng prinsesa ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mamataan ko rin si Mica at may lalaking  hahampas ng ulo nya sa likod. Mabilis ang pangyayari. Natunugan ni Mica ang lalake at nahataw nya to nang baseball bat, pero...

"Bee!" sigaw pa ni Louis. Malayo pa kame sa pinangyarihan kaya hindi nila kami maririnig.

Napaluhod nang ilang segundo ang babaeng mahal ko, tsaka pumormang susugod muli. Nananangis na ang aking damdaming pagmasdan siya. Nahagip ng mata ko si Geneva. Dalawa ang kalaban nito. Papalapit ng papalapit na kame sa pinangyarihan pero halatang hindi parin kami napapansin nila Bee o ng mga kalaban. Isang pamilyar na Van ang humaharurot papunta sa gawi nila Bee.

"Waaaah! Twinie!" umalingaw ngaw ang sigaw ni Mica. No! Hindi ko masigaw ang kahit na ano dahil mas bumilis ang pagtakbo ko. Tatlong lalake ang sabay sabay na sumusugod sa kanya. Mabilis syang dinaluhan ni Geneva at napatumba ang mga kalaban nya ngunit hindi nito napansin ang paparating na lalaki hahampas na ng ulo nya ng Bat!

"Genie!" sigaw pa ni Bough sa kapatid. Kitang kita nya rin, katulad ko ang nangyayari ngunit, ilang metro pa ang layo namin sa kanila.

Sa isang galawan napatumba ni Bee ang apat na lalake at mabilis sinipa ang lalaking mananakit kay Geneva. Ganun na lang ang gulat namin nung Tamaan sya ng suntok ng isa pang lalaking nasa kaliwa nya.. Nadapa ito sa sahig. Ilang segundo pa ay biglang tumigil ang Van sa gawi nina Bee. Mabilis syang tumayo at malakas na pinagsisipa ang mga kalaban.

"Girls! Sakay, Dali!" sigaw pa nya. Sumakay din sya at mabilis na humarurot ang Van paalis.

"Ameer! Hayop ka!" sinugod agad sya ni Louis at pinagsasasapak!

Mabilis din akong gumalaw at pinatumba ang mga alagad nya. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas ay hindi na makilala ang mukha ni Ameer sa suntok ni Louis. Makikita mo rin ang galit sa mga mukha nina Theo at Bough. Bawat kalaban na mahuli nila ay hindi nila tinitigilan hanggang sa tuluyang mawalan ito ng malay.

Limang minuto lang ang tinagal ng sagupaan namin. Tulog lahat ng mga kalaban at tanging si Ameer na lang ang natitira. Sa huli ay pinigilan na ni Vaugn si Louis sa kakasapak kay Ameer.

"Tama na Lou! Baka mapapatay mo sya!" sigaw pa ni Vaugn sa kanya.

"Papatayin ko talaga sya!"

Nakita kong kumuha ng malaking bato si Theo at akma nang ipapalo sa ulo ni Ameer!

"Wag!Wag! Tama na! Hindi ko na uulitin! Lulubayan ko na kayo! Wag nyo akong patayin!!!" pagmamakaawa ni Ameer sa kanila.

Mabilis na inagaw ni Vaugn ang bato sa mga kamay ni Theo.

"Ano ba kayo!? Hindi ba kayo nagiisip?! Paano nyo pa maproprotektahan si Bee kung nasa kulungan na kayong lahat!!!" galit nito sigaw. Nagtingin agad kami sa kanya. "Louis! Stop now!" makapangyarihan nya utos. Tumigil naman si Louis.

She's All ThatWhere stories live. Discover now