Chapter 23 - Good Old Friend

52 6 0
                                    

Bee's POV

Hindi ko alam kung papaano ko itatago ang kilig na nararamdaman ko ngayon. Ang popogi ng mga kasama ko. Medyo nainsecure at na-conscious ako bigla sa itsura ko. Babagay pa kaya akong maglakad sa tabi nila?! Inayos ko muna sarili ko bago lumabas sa salon.

"OMG! Ang cucute nyo!" mabilis akong lumapit sa kanila. Walang nagreact sa sinabi ko. Nakatulala silang tatlo sakin. Nasurpresa din siguro sa itsura ko.

"Bee?!" tanong pa ni RJ. Hindi sya sigurado kung ako ba ang kaharap nya.

"Alam ko talagang babagay ang straight hair sayo." sabi pa ni Theo, at ginawaran ako ng halik sa pisngi. Kung natutuwa kasi ito sakin, hahagkan ako nito sa pisngi o noo.

"Miss... Kamukha mo crush ko. Hehehe." biro pa sakin ni Louis. Ngumiti ito at kumindat. Punyemas. Muntik na akong mawala sa sarili sa ginawa nya.
Pinalo ko ito sa braso.

"Tsk. Tara na nga."

"Akala ko ba magshoshopping ka?" tanong pabni RJ.

"Oo, pero hindi para sakin. Para kay Bough. Wala yung damit na dala pag-uwi. At sabi ni Alvin, sati daw muna yun titira."

"No way!" angal pa ni Theo. "Ang kulit nun. Tsaka Bee, magtatampo ako sayo. Siya ipagshoshopping mo, ako hindi?!" nagtantrums ang baby boy ko.

"Sabagay wala nga ibang damit yun. Puro straight jacket at hospital gown lang ng mental institution.Hehehe." usal pa ni Louis. "Pero may point si Theo Bee. Kami nga di mo pinag-shoshoping. Tapos, yung kumag na yun,priveledge?!" sinabaya  pa nito ang tantrums ni Theo.

"Kaya ko nga kayo sinama di ba? Tsaka mas mapapabilis ang pagpipili ko ng damit ni Bough kung tatlo ang magsusukat ng mga ito. Hehehe. Dont worry... I gagrant ko ano mang hiling nyo after this."

Sumilay ulitvang mga ngiti sa mga mapupulang labi nila.

"Talaga? Pati ako ipagshohsoping mo?" tanong pa ni RJ.

"Bakit ayaw mo? kung gusto mo, umuwi ka."  nginusuan lang ako nito.

"Woi. Grabe ka. Syempre sasama ako. Minsan lang to mangyayari. Bibihisan ako ng ex-girlfriend ko." biro pa nito.

Nagpauna akong maglakad sa kanila tatlo nang biglang may lumapit sakin lalaki. Kung pagbabasehan sa itsura nya, mukhang rich kid ito. Maporma nanamit, mayabang at mukhang may class ang tindig.

"Hi. Kanina pa kita pinagmamasdan simula ng pumasok ka sa mall... Ahm... You hair makes you sexier."

Naging skeptical ako sandali bago ko pinansin ang sinasabi nya.

"Excuse me, Im in a hurry." mabilis ko itong tinalikuran pero nabigla ako sa biglaan paghawak nya sa braso ko upang pigilan ako.

"Bianca... Elise...Enriquez..." nagitla ako agad sa pagtawag nya sa buong pangalan ko. "Are you alone?"

"No she's not!" sigaw pa ni Theo. Nakita ko agad ang mga pagkunot noo nilang tatlo.

"Hey dude! Let her go!" inis na bulyaw ni RJ sa lalake pero hindi ito sumunod.

"Bibitawan mo ba sya o babaliin ko isa-isa yang daliri mo?!" banta ni Louis sa kanya.

Kinuha ko ang kamay nito sa braso ko at marahas kong binitawan.

"Oh, I'm sorry. Did I hurt you?" nagaalalang tanong nya sakin.

"Get your filthy hands off me. Sino ka ba?"

She's All ThatWhere stories live. Discover now