(Suzy Bae as Bee)
Louis POV
Nadatnan namin si Bee na nakaupo mag-isa sa may likod ng backstage. Agad kaming lumapit sa kanya.
"Where is everyone?" tanong pa ni Theo sa kanya.
"Nasa Clinic silang lahat. Pinapunta ko sila para bantayan ang Kambal. Baka kasi balikan nina Ameer." paliwanag pa nya.
"Tss...Imposibleng mangyari yun." sabi ko pa.
"Bakit naman?! Matapos nang traydor nilang galawan kanina? Puro babae kame at pinatulan pa kame?! Kung hindi kasama ko ang kambal, sabog lahat ng mga bayag nila kung sakali. Malaking tsansa na babalikan kami nun."
"Imposible Bee...Dahil halos mapulbos ni Louis ang pagmumukha nya kanina Bee." sabi pa ni RJ. Biglang napunta ang tingin ni Bee sa babaeng kakakilala lang namin kanina, si Grace. "Ay Bee... Sya nga pala ang Number 1 fan mo. Si Grace." nabigla kami nang biglang naglabas si Grace mula sa malaki nyang bag ng isang cute na bouquet ng flowers na may maliit na stuff toy na kasama.
"Hi po... Miss Bianca. Para po sa inyo." nahihiyang usal nya habang inaabot ang regalo sa idol. Mabilis na napangiti si Bee.
"Naks... Nakaka touch ka naman. Bee na lang itawag mo sakin..." malugod na tinanggap ni Bee ang bigay nya tsaka tumingin samin. "Hey! Kayong tatlo... Nakikipagbati kayo ng walang peace offering?!? Anu yun? Pasalamat kayo nandito si Grace kung hindi makakatikim kayo sakin." humagalpak kami ng tawang tatlo. "Salamat dito Grace ha. I really love this." namilog ang mata ni Grace nung bigla syang yakapin ni Bee.
"Mamaya pa ata kayo ipapatawag muli para sa coronation. Ipagpapaalam ka muna namin sa organizer. Sasaglit tayo sa clinic." sabi ko pa. Ngumuso naman agad ito.
"Mamaya na. Nagugutom ako eh. Kumain muna tayo." yaya nya. "Grace sama ka samin."
"Ay...Idol... w-wag na po. Kelang ko po kasing balikan ang mga kasamahan ko. " tanggi pa ni Grace. "Ahm...Pwede po bang humingi ng autograph?" ngumiti si Bee at tumango. Mabilis na nilabas ni Grace ang notebook at ballpen nya.
Nung iniwan na kame ni Grace agad na kinulit kami ni Bee.
"Woi! Nakakainis kayo! Masisiraan ako ng ulo sa inyo ha!" nagmamaktol na singhal nya habang nakahalukipkip. Nagtawanan kaming tatlo sa itsura nya.
"Tama na Bee... Gutom lang yan. Nyahahaha." wika ni RJ. "Aray!" kinurot sya ni Bee sa tagiliran.
Mabilis kaming kumain kila Mamu na may stall sa tabi ng event. Aroz caldo ang inorder namin at halos maisuka namin ito sa kakatawa dahil sa itsura namin habang kumakain. Para kasi kaming mga refugees na ilang linggo nang di kumain.
"Pambihira talaga. Hoy! Umayos ka nga! Nakataas pa yang paa mo habang kumakain. Tss." saway ko pa kay Bee. Pinagtatawanan pa rin sya nina Theo at RJ.
"Nakakaturn off ka. Hahaha." sabi pa ni RJ at pinalo pa ng binti ni Bee.
"Awww! Tss! Wag jan." mangiyak ngiyak na sigaw nya.
Kumunot agad ang noo ko at dali dali kong pinunit ang stocking na suot nya.
"What the Fuck!?" napa mura agad si Theo sa nakita nya. Kulay violet ang binti sa likod ni Bee. Nakasimangot itong pinagmasdan si Bee. Sa sobrang lakas ng hampas ng baseball bat na natamo nito sa bakbakan kanila, nagkapasa at namamaga ang kanya mga binti.
"Tss. Nakuha mo pang sumayaw sa ganyang lagay?!" agad syang pinagalitan ni RJ habang umiiling.
"Lumaklak ako ng pain killers. Pero masakit pa rin sya. Nakakainis talagang Ameer na yun." paliwanag pa ni Bee samin. "Kaya ko pa naman. Patapos na rin ang pageant."
YOU ARE READING
She's All That
RomanceAko si Bianca Elise Enriquez. You can call me, 'Bee' for short. The only Rose among the thorns. I live with Four Hot Boys simula ng maulila sa magulang. Subukan mong mabuhay sa katauhan ko at makasama ang apat na hearthrob ng university sa iisang b...