Chapter 6 - Blaze of Glory

89 5 1
                                    

Louis' POV

Habang naglalabasan kami nang saloobin ukol sa mga nangyari tatlong taon na ang nakalipas, parang movie sa isip kong nag-flash back ang lahat. It was just more than 3 years ago. Bawat detalye ay memoryado ko pa.

Flashback

3 years ago...

Mabilis kong napatumba ang kalaban, ngunit hindi pa rin namin nangalahati ang bilang nito. Pagod na pagod na sina Vaugn at RJ.

Nakita ko si Blaze na hawak ang kwelyo ng dalawang lalake at pinag-uuntog nito. Sipa dito, suntok duon. Daig pa si Bruce Lee.

"Big Boss, tumawag na tayo ng back up!" sigaw pa ni RJ.

"Nababakla ka na naman ba, Jay? 14.....15...16... " asar ni Blaze ky RJ habang binibilang nito ang lahat ng mga napatumba nya.

Si Theo lang ang wala sa min ngayon. Malamang, parang anino yung nakabuntot kay Bee. At kung ituring naman ni Bee yon ay parang sariling nyang kapapanganak na sanggol.

Dahan dahan akong napaatras nang sunod sunod ang pagsugod ng mga kalaban. Natigil ang hakbang ko ng magtama ang likod namin ni Big boss. Na-corner na kameng apat at kasalukuyang naka back to back kami sa isa't- isa ngayon.

"Blaze sa tingin ko, kailangan na nating ng back up." pagsanguni ko sa lider at tinuturing namin nakatatandang kapatid.

"Siguraduhin nyo lang na may maganda kayong rason kung bakit kelangan nyo ng back up. Kung ayaw nyong mabugahan kayo ng apoy nang babaeng dragon." banta pa nya sa amin. Parang hindi nya kapatid ang tinutukoy.

"Tsong, parang lampas kuwareta pa tong kalaban ah. Mag-tatatlong oras na rin tayong nakikipagbakbakan." sabi pa ni RJ.

"It'a 53 actually, to be accurate RJ. At maliit ang tsansa natin manalo." sabi pa ni Vaugn habang sinisipat ang kalaban.

"Sige. Kayong bahala." Sambit pa nito bago sumugod ulit sa kalaban.

"Back up. Sa Parking lot. Higit sa singkwenta ang kalaban. ASAP." kausap ni Vaugn ang back up sa kabilang linya.

15minutes rin kaming nakipagbakbak sa kalaban nung sa wakas dumating na rin ang back up.

"Woi. Anong ginagawa nyo at di nyo kayang patumbahin ang mga pangit na to?" sigaw samin ni Bee, habang naglakad palapit samin at hawak-hawak ang isang baseball bat. Mayabang n babae. Pinaikot-ikot pa nito sa kamay nya at dinig na dinig mo ang lakas na paghataw nito sa hangin.

"Sinong malala ang lagay sa inyo?" tanong pa ni Theo. May dala din ito baseball bat.

"Pucha pre!Hahahhaha. Yan ba ang sinasabi nyong Back up? Yang hotchick at totoy na yan?" pang-asar pa ng isa sa kalabang.

"Hoy Animal! Baka tong hotchick na to ang papatay sayo! Tandaan mo!" banta pa ni Bee sa kanya.

"Wahahahahahha." sabay sabay na nagtawanan ang mga kalaban namin. Tsk. Tignan lang natin kung makakatawa pa kayo mamaya sa ospital.

"Pre, ang astig naman ng Chick na to." sabi pa nung isa. "Miss Biyutipul... Tumabi ka na lang muna at tatapusin na namin ang mga to. Ayaw kong masira yang magandang mukha mo. Wahah---!" Hindi na natuloy ang pagtawa ng lalake dahil natumba na ito.

Laking gulang nilang lahat nang nakahandusay na ito at duguan ang ulo.

"Wag mong babastusin si Bee sa harap ko." malumanay na banta ni Theo, bago pa itinapon ang isa pang hawak nito bato. At tumba ulit ang isa pang kalaban.

She's All ThatWhere stories live. Discover now